"See you on school, George." Nahihiya kong saad sakaniya. Nandito na kami sa tapat ng bahay. Inaya ko siyang pumasok para ipakilala kay papa pero hindi na siya tumuloy dahil tumawag daw ang mama niya sakaniya.
Speaking of..
"Nung nasa balkonahe ka pala, hindi ko sinasadyang marinig ang usapan niyo ng papa mo-" He cut me off. Nakita ko kung papaano dumilim ang kaniyang mukha. Oh gosh. Wrong move!
"He's not my father, Effy." Kita kong umigting ang panga nito. Napalunok ako ng ilang beses. Nakakatakot talagang magalit si George.
"H-Huwag mo namang sabihin iyan..Daddy mo parin siya-"
Nanlaki ang mata ko ng mariin itong nagsalita. "He's literally not my father! Anak ako sa ibang lalaki ni mama." Ang mga mata nitong naging matalim at ang mariing paghawak nito sa manibela. He's really mad at his father..but why?
Napaubo na lamang ako at kinalas na ang seatbelt. I'm not going to argue with him, anymore. Baka mas lalo pa siyang magalit. "S-Sige, tuloy na ako. Bye, George." Binuksan ko na ang pinto pero natigilan ako ng hinawakan nito ang kamay ko.
"I'm sorry. Hindi ko sinasadya, sweetheart. I'm sorry." He uttered. Napakagat ako sa ibabang labi ko. You're driving me crazy, George Santayana.
"I know. Tumulak ka na. Inaantay ka na ng mama mo. Sorry rin kung nagsalita pa ako tungkol sa daddy mo." I smiled at him. Thank god, he smiled too.
"Don't say sorry, it's okay. Besides, your my girlfriend."
Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa aking katawan. George and I are officially couple! I can't wait to tell this news to Trisha. I know she'll get jealous! I can't help but to smile widely.
Hindi ko namalayang niyakap ko siya ng mahigpit. "I'm in love with you, George Santayana. Hindi mo alam kung gaano kita kamahal.."
Naramdaman ko kung paano siya natigilan pero saglit lamang iyon dahil niyakap niya rin ako ng mahigpit. "You don't know how happy I am. I love you, sweetheart." Aniya. Bumilis ang pintig ng puso ko bago lumayo sakaniya ng bahagya.
"Ugh, S-Sige..Baba na ako." I felt myself blushed. I heard him chuckled.
"Bye, sweetheart. I love you." Ngising saad niya saakin.
"I love you, bye!" Ani ko at madaling lumabas ng sasakyan niya. I can't wait to see him again..
Napahinga ako ng malalim habang tinitignang mawala ang sasakyan ni George sa paningin ko. I breath once again before entering our house.
"Anak! Sa wakas nandito kana. Ang tatay mo nasa CR pa. Upo ka sa salas may kukunin lang ako sa kusina." Inilapag ko ang bag ko sa sofa at napatingin sa mga gamit roon. It's obviously my father's things.
Ano kaya itsura niya? Kamukha ko ba? Kinakabahan ako! I want to see him already.
Napatingin ako kay mama na kakapasok lang ng salas, dala-dala ang tray na may lamang tatlong gatas at isang bowl ng cookies.
"Anak, sobrang natuwa talaga ako ng makita ko ang papa mo sa labas ng bahay natin! Feeling ko, makikipagbalikan siya! Siguro iniwan na niya yung babae." Napahagikhik si mama sa iniisip.
That's bad, she's happy that my father left another woman. Pero sino nga naman ang hindi matutuwa kung ang taong mahal mo, iniwan ang babae niya para sayo? Pero kasi, mali yun e.
"Ma, don't be like that. Kawawa iyong babae.." I bit my lip when I saw how her smiley eyes turn to sad and anger. Shit.
"Kawawa? Anak, ako ang kawawa dito." Tiim-bagang saad niya. Bumuntong-hininga ako at niyakap na lamang siya.
"Alright, ma. I'm sorry." I heard her murmured 'alright'. We stayed in that postion when we heard someone speak.
"Anak?" Pareho kaming napabitaw sa isa't-isa ni mama at tinignan ang tumawag saakin. My heart races and my eyes immediately blurred because of the tears.
"Anak, Ikaw na ba yan, anak ko? I-I'm your father.." Nakita ko ang nagbabadyang luha sakanyang mga mata. Naramdaman ko ring umiinit ang sulok ng aking mga mata.
Oh god! I'm infront of my father! Hindi ko naisip na muli kaming magkakaharap ng aking ama.
Nagulat ako ng sa isang iglap lamang nasa harapan ko na siya, niyayakap ako. Hindi ko mapigilang umiyak. I miss him so much!
"Anak, I miss you so much. I'm sorry kung ngayon lang ako nagpakita sayo. I'm sorry." Hagulhol niya. Niyakap niya ako ng sobrang higpit na parang ayaw na niya akong makawala. I hugged him tight too.
"I miss you too, pa. I love you so much." Hinalikan ko siya sa pisngi bago muling niyakap ng mahigpit.
"I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry.. Sana mapatawad niyo pa ako ng mama mo." Ini-angat ko ang tingin ko kay mama na nakatayo lamang at umiiyak sa tabi. I can see her smile. She's happy.
I'm glad.
_____
Tawa ako ng tawa habang patuloy sa pagkwento si papa tungkol sa nakasalubong niya sa kanyang office. Napangiti ako ng makita ko kung gaano kasaya ang mga magulang ko. They're laughing while staring at each other. Lalong lumaki ang ngiti ko ng makita kong nakapalibot ang kamay ni papa sa baywang ni mama. They looked like a teenage couple.Kinikilig ako!
Bahagya kong inilabas ang phone ko para tignan kung may text roon si George and I was right.
George:
I'm home. What are you doing? Nandiyan pa ba daddy mo?
I smiled while replying to his text.
Ako:
Yup, he's still here. Were talking about something. I'm so happy right now George. I miss my father. How about you? Are you alright?
Ilang beses akong nagpabalik-balik ng tingin sa phone ko para tignan kung nagtext na ba si George.
"Nak, gusto mo pa ng cookies?" Tumango lamang ako bago muling ibinalik ang tingin sa phone.
"Tulungan na kita, Eleanor. Maiwan ka muna namin, anak." Ani papa. Nginitian ko sila pareho bago sila nagpatuloy sa pagpasok sa kusina. I felt my phone buzzed. Madali ko itong kinuha at tinignan.
I got dissapointed when I saw that it's Matt who text. Bakit hindi na nagtext si George? May nangyari kaya?
BINABASA MO ANG
She's into Drummers
RomanceEffy Montaya is always been in love to George Santayana, the drummer of the famous band TALKHOUSE