Chapter 17

1.9K 153 1
                                    

FLAURELLE'S POV

And now I'm back.Ang daming nangyari noh.Hindi nga kapanipaniwala pero dapat maniwala kasi nangyari na.Lahat 'yun dito ko lang naranasan sa school na 'toh.Hindi ko akalain.

Sabi sa'kin ni Aica uuwi na raw siya sa kanila.Hindi niya na kaya ang mga nangyayari.Kung dati gustung-gusto niya sa Brainfordshire pero ngayon nagbago ang pananaw niya.

Naayos na nga ang lahat pagkatapos namin malaman na may kababalaghan palang ginagawa ang mga professors.Pero hindi parin natatapos ang misteryong unting lumalabas sa loob ng paaralan.

'Yung time na binisita ko si Sley,'yun ang pag-alis ni Aica.Gusto ko sanang i-share kay Sley kaso napansin ko sa una pa lang may problema siya.Ayokong dagdagan pa ang mga iniisip niya.

Natanaw ko kasi siya mula sa gate ng garden niya na nakatingin sa malayo.Parang sobrang lalim ng iniisip.Kahit 'di niya sinasabi sa'kin na may problema siya alam ko meron 'yun.

Sa bagay ano ba namang karapatan ko para malaman 'yun.

Ngayon ako nalang mag-isa sa bahay.
Nalulungkot ako.Wala na kasi akong makausap.Hindi ko nga alam kung paano ko aaliwin ang sarili ko.Kapag tahimik kasi naaalala ko lang si mama.Namimiss ko lang tuloy siya.

Kung pupuntahan ko naman lagi si Sley nakakahiya na.Ang dami ko na ngang atraso sa kanya.At isa pa,babae ako.Hindi magandang tingnan na palagi akong nasa bahay niya.

Katatapos lang ng klase namin.Nagsisiuwian na ang lahat.Ako naman papunta pa ng library.Manghihiram ako ng libro ng may mabasa naman sa bahay.Gugugulin ko nalang ang oras ko sa pagbabasa.

Napadaan ako sa Medicine department.Nasa hallway nag-uusap-usap ang mga classmates ni Sley.Syempre hinanap ko ng tingin kung nasaan siya.Namimiss ko na kaya 'yung mokong na 'yun.

Wala.

Wala siya kahit saan ko pa tingnan.Imposible namang nakauwi na 'yun kasi madalas pag-ganitong oras nakikipag-usap pa siya sa mga classmate niya.

Pangatlong araw ko na siyang hindi nakikita.

I'm afraid.

Bakit ganun kinakabahan ako?

"Bulaga!"

Nabitawan ko ang mga hawak ko.Nagulat ako kay Zian.Isa sa mga classmate ni Sley.

"Nasaan si Sley?" Tanong niya habang nginunguya ang chewing gum.

Ibig sabihin hindi rin nila alam kung nasaan si Sley?

"Three days na kasing hindi pumapasok si Sley.Wala kaming natatanggap kahit anong balita galing sa kanya.Kailangan na kasi namin siya sa gagawin naming project."

"Wala man lang ba siyang nabanggit na hindi siya makakapasok?" Tanong ko.

"Wala eh.Huli namin siyang nakita last friday pa."

Nalungkot ako.Bumilis ang tibok ng puso ko.Sobrang kinakabahan na ako.Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko may masamang mangyayari.Wag naman sana.

Hindi na ako nakapag-paalam kay Zian.Tumakbo na kasi ako palabas ng gate.

Pupuntahan ko si Sley.Hindi ako matatahimik hanggat di ko nalalaman kung ano ba talagang nangyayari sa kanya.

Malayo ang bahay nila.Hindi ko kayang takbuhin lang 'yun.Dapat may masakyan ako.

Mas lalo pang bumibilis ang tibok ng puso ko.Feeling ko talaga may masamang mangyayari.


Wala akong maisip na paraan para mas mabilis makarating sa kanila.Name-mental block ako.Hindi ko alam ang gagawin ko.

Brain in Love [-COMPLETED-]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon