Chapter 27

1.6K 88 17
                                    

My heart is beating like a drum.

Have you heard that?

He said I'm beautiful.

Did you see the way I blushed?

Hinawakan ko ang pisngi ko.Hindi naman siguro halata diba?Naka-make up naman ako.Kinuha ko ang salamin para makasiguro.

Ughhhh.

Nag-iinit ang katawan ko.

Kinikilig ba ako? O nahihiya lang.

Sley what have you done?

Ayan kinabahan na ako.Hindi ko na naman maintindihan ang nararamdaman ko.

Papunta na nga pala ako sa gym.Five minutes nalang kasi magsisimula na ang pageant.Si Sley at Aica nauna na sa'kin..

Kaya lang habang naglalakad ako lutang ang isip ko.Ang dami kong hindi maintindihan.

Sa may likod ng gym ako dumaan.
Suot ko lang naman ang isang semi-cocktail dress na kulay blue.Si sir Jenzen pa ang nag-design nito.

Ito kasi ang pang-opening dress namin.

Papasok na sana ako ng pintuan ng may biglang gumulat sa'kin.

Wooahh!

Napahawak nalang tuloy ako sa dibdib ko.

Kung may sakit lang ako sa puso inatake na siguro ako.

Siya na naman?

Natatandaan niyo ba 'yung matandang humarang  sa'kin dati sa may gate ng school nung pauwi na ako? 'Yung dapat ko raw iwasan sabi ni Sley.

"Kay gandang dilag," Sabi niya at pagkatapos ay humakbang papalapit sa'kin.Humakbang naman ako ng paatras.

Tahimik lang ako.Ang dami niyang sinasabi.

Pero nakikita ko,mukha naman siyang mabait.Sadyang may problema lang siguro sa pag-iisip.

"Malapit na ang oras!" Malakas niyang sigaw.Naka-angat pa ang dalawa niyang kamay.

Ito na naman siya sa mga sinasabi niya.

Inulit niya ulit yun.

Ano bang sinasabi nito? Sa pagkakatanda ko sinabi na niya 'to sakin.

Narinig ko ang hiyawan sa loob ng gym.Hudyat siguro 'to na magsisimula na ang paligsahan.Kaya kailangan ko ng pumunta dun.

"Pwede po bang dumaan? Importante po kasi 'yung pupuntahan ko," paghingi ko ng pahintulot.

May dala-dala siyang tungkod.Kinumpay-kumpay niya ito sa hangin.

May sira nga siguro toh sa pag-iisip.

Naramdaman kong  bigla nalang dumilim ang paligid.Napatingala  ako sa langit.Pati ang matandang ito ay napatingala din.

Nagulat na naman ako ng bigla niyang binagsak ang tungkod niya sa lupa.

"Ang malas naman uulan pa," Sabi ko.

"Oras na!" Pinikit niya ang mga mata niya.

Mas lalong dumilim ang paligid.'Yung tugtog na rinig pa dito sa labas mula sa loob ng gym hindi ko na marinig.

Anong nangyayari?

Umaga pa lang e.Ang ganda naman ng panahon kanina.

Oh my gulay.Baka dahil dito sa matanda?

Lumayo ako sa kanya.

Nahalata niya siguro na natatakot na ako sa kanya kaya nagsalita siya.

"Huwag kang matakot.Hindi ako ang may gawa nito.Sadyang dumating na ang takdang oras."

Brain in Love [-COMPLETED-]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon