Sa back seat ako pumwesto. Gusto ko kasing itago ang lungkot ko.Ayokong ipakita sa kanila na nalulungkot ako.Mahina ang puso ko pagdating kay mama.Ayoko siyang iwan.Kung pwede nga lang uwian ako araw-araw gagawin ko.Kaso sobrang layo ng Brainfordshire University kaya hindi pwede.Dapat na rin sigurong turuan ko ang sarili ko na tumayo sa sariling kong paa.
Bago kami dumiretso ng airport,dinaanan namin ang isa pang nakapasa sa exam.Siya raw ang makakasama ko papuntang Brainfordshire University na makakasama ko rin sa bahay na tutuluyan namin doon.
Pasalamat nga ako dahil babae siya.Kung nagkataong lalaki malamang war ang mangyayari.
Ayoko ko kasi sa mga lalaki 'yung sobrang yabang na mapang-asar pa.Aba hindi ko sila uurungan noh.
"Hi girl,Aica Espaldon nga pala." Iniabot niya ang kanan niyang kamay para makipag-shake hand sa'kin.
Nginitian ko siya."Hello,ako nga pala si Flaurelle.Kala ko espada apilido mo."
" Espada sa ganda,haha"
Mukhang makakasundo ko 'toh.Ang kulit niya kasi at may pagka-hyper din katulad ko.
"Ang lalim ng iniisip mo ah," pansin sa'kin ni Aica.
"Wala,naisip ko lang 'yung mama ko." Sagot ko sa kanya.
Lumapit siya sa'kin at inakbayan ako sa likod."Naku girl,isantabi mo na 'yan.College kana."
- - - - - - -
Anong oras na din bago kami nakarating sa nasabing lugar.Tama nga ang sinabi nila malaki ang unibersidad na ito.Mula kasi sa tinutuluyan namin ay tanaw na tanaw ang kalakhan ng unibersidad kahit walking distance pa bago makarating dito.
Pero hindi mo siya mapagkakamalang school dahil napalalibutan ito ng maraming puno.Ang tanging nakikita ko ay ang mismong main gate na malapalasyo ang disenyo.
Simple lang ang tinutuluyan namin ni Aica kung sa labas titingnan.Parang ordinaryong bahay na inabandona.Noong una ko ngang makita ay natakot ako dahil akala ko haunted house.Pero ng makapasok na kami hindi ko akalaing may tinatagong ganda ang bahay.
Pagkatapos namin maayos ang mga gamit namin, namasyal kami sa lugar.Gusto naming kahit kaunti ay may alam kami sa dito.Baka kasi isang araw mawala kami dito.Ang mga katabi naming bahay ay mga estudyante din pala ang nakatira.Kaso iba-iba nga lang ng nationalities.
"Sore o taberu" sabi 'nung Japanese girl na nakasalubong namin.
Nakakatuwa naman, mga foreigner ang kapitbahay namin.
:-)
- - - - -
(Welcome to Brainforshire University)
Woahhh, o_O
Kahapon tanaw ko lang ang malaking gate ng dream school ko pero ngayon nasa harap ko na.
Hindi pangkaraniwan ang nasabing gate.Bukod kasi sa napakagandang disenyo nito ay may mga nakaukit pa palang larawan,mga letra at simbolo na hindi ko maintindihan.Ibang klase ang pagbaybay ng bawat salita.Napapalibutan din ang bawat dulo ng gate ng mga nagkukumislap na bagay.
Nauna ng pumasok si Aica.Maging siya ay nasasabik na makita ang dream school ng halos lahat ng estudyante.Pinabayaan ko nalang siya at naglakad na rin papasok.
Mula sa pinaka-main gate limang metro ang layo ay bumungad sa amin ang hindi kapani-paniwalang real maze.
Ngayon lang ako nakakita ng isang real maze human size sa isang university.
BINABASA MO ANG
Brain in Love [-COMPLETED-]
Science FictionFlaurelle is a resident genius who dreams to become successful engineer someday.She believes that only Brainfordshire can shape her mind towards her plans to create her masterpiece - smart yoghurt. Brainfordshire University is a dream school of...