After 3 days pa namin malalaman ang resulta ng exam.Wala namang pasok ngayon dahil bakasyon na kaya pupunta ako sa bestfriend ko.
Diretso pasok na ako sa bahay nila.
At diretso na sa kwarto ng aking bff.
Kumatok,
"Hi nut.I'm here."
Walang sumasagot.Bakit kaya?Sabi ng nanay niya andito lang daw siya sa kwarto niya nagpapahinga.
Katok ulit.
tok. tok. tok.
Wala paring sumasagot.Wala naman akong maalalang nagalit siya sa'kin.Anyare dito sa bestfriend ko at biglang nag-inarte ?
hmmm, pinuntahan ko ang nanay niya sa kusina.Pero habang pababa ako ng hagdan ay bigla kong naalala ang isang bagay.
Aha! Alam ko na.May password nga pala sa kwarto nitong bestfriend ko bago makapasok.
Hindi na ako kumatok.
"Knock knock !" sabi ko.
Mula sa loob ng kwarto ay rinig ko ang pagsagot ni nut."Who's there?"
Ohha, sabi na eh.
"Kuyukot! "
Binuksan na niya ang pintuan bago sumagot ng "Kuyukot huh!"
"Kuyukot ng aso ! Santong kabayo.Natatawa ako hihihihi..."
Binato lang ako ng unan at saka humagakhak ng tawa.
Babaw ng kaligayahan noh?
"'Bat ang tagal mo nut?" tanong niya.
"Sorry,may nakasalubong kasi ako."Sagot ko naman.Tinulak ko na ang wheelchair niya papasok sa kwarto.
"Ano?"
"Panget eh 'wag mo na itanong."
"Ano nga?"
"Eehhh."
"Sige na sabihin mo na".
"Pilitin mo muna ako."
"Suss.."
"Bahala ka diyan!"
"Sige na nga, pleassssseee.Ano 'yung nakita mo?" Nakakatawa ang itsura ng bestfriend ko.Parang batang gustong manghingi ng piso.
"Aso! " Ayan sinabi ko na.Kasi naman lagi nalang, nakakasalubong ko talaga 'yung asong pilay dun sa may kanto.
"Eh aso lang naman pala eh"
"Magtatanong ka tapos tatawanan mo lang ako.Baliw ka talaga."
"Mas baliw ka." Pang-aasar niya.
Nagkatinginan lang kami.Muli siyang nagtanong."Anong balita?"
Tingnan mo nga naman oh.Sinagot ko nga ng pabalang."Sa radyo o tv?"
" Anak ka talaga ng tipaklong!"
'Yan.Mag-aasaran na naman kami ngayon.
"Nut anak ako ng nanay ko."
"Hindi ah.Anak ka kaya ng uod."
Tinitigan ko siya."Nut ."
"Oh." -- siya
"Kelan pa nanganak ang uod?San lumalabas?Paano?Sige nga."
Tumawa lang siya.At natapos ang araw na iyon sa asaran at tawanan.
- - - -
(After 2 days)
BINABASA MO ANG
Brain in Love [-COMPLETED-]
Science FictionFlaurelle is a resident genius who dreams to become successful engineer someday.She believes that only Brainfordshire can shape her mind towards her plans to create her masterpiece - smart yoghurt. Brainfordshire University is a dream school of...