Chapter 24

1.9K 157 43
                                    

First Mission: Hanapin sina Dr.Rojertz Britz,Dr.Syndie Bund,Engr.Awy Cript at Engr. Loiu Blown.


Nilista ko na mga gagawin ko para may guide ako.At ready na rin ang mga gamit ko sa panibagong adventure na ito.Ready narin syempre ang katawan ko.



Pansamantala naman akong nagpaalam sa mga professors ko.Isang linggo ang nakalaan para mahanap ko ang mga taong ito.



Sinuot ko na ang bag kong punung-puno ng damit at pagkain.Binitbit ko na rin ang ilang kakailanganin sa aking paglalakbay.

Dadaanan ko muna si Sley.Magpapaalam lang ako sa kanya.



"Are you sure?" nalulungkot niyang tanong."Ayokong umalis ka."



"Huwag ka ng mag-alala sa'kin.Kaya ko 'to.Tandaan mo babalik ako ah.Babalik ako dahil magkakasama pa tayo," nakangiti kong sabi sa kanya.


Nag-isip siya ng malalim," kung alam ko lang,hindi ko na binigay sa'yo 'yan."

"Wag kang ano d'yan.Sige na,aalis na ako," pagpapaalam ko.

"No."

Pinigilan niya ako.Hinawakan niya ang kamay ko at nagsalita."You're leaving me."

"I am, but I'll come back as soon as possible."


At sa oras na 'yun Sley,kasama ko na ang mga tutulong sa'kin sa paggawa ng artificial heart mo.



Niyakap ko siya ng mahigpit bago ako umalis.Binilin ko rin kina Manang Veda at Mang Dante ang kaligtasan at pangangalaga kay Sley habang wala ako.

Umiiyak ako habang umaandar 'yung bus.Namimiss ko agad si Sley.Ganito 'yung naramdaman ko ng iwanan ko si mama para mag-aral sa Brainfordshire.Ang hirap pala talagang umalis kahit pa alam mong babalik ka.

Kinuha ko sa bag ang envelope na naglalaman ng mga resume ng mga taong ha-huntingin ko.Syempre,kailangan kong malaman ang address nila.

Present pa kaya ang mga address na nakalagay dito?Ang tagal na nito.

Pagtingin ko sa resume ni Dr. Rojertz nagulantang ako.Aba'y USA ang nakalagay na address!

~T_T~

Tiningnan ko na rin ang iba't ibang address nila.Parang malalaglag ako sa kinauupuan ko.Ang lalayo ng tirahan nila.

In just one week kakayanin ko ba 'to?

Sinandal ko nalang ang ulo ko sa upuan ng bus.Nag-iisip ng gagawin.

o>_<o~

May binigay sa'kin si Sley kanina bago ako umalis.Isang supot 'yun.Kinuha ko agad sa bag.

Isang atm card at ilang pirasong candy.'Yung magic candy niya.

(*^^*)

Natuwa naman ako.Naalala ko na naman tuloy ang mga ngiti ni Sley at 'yung nangyari dati.

Dahil sa ginawa niya,mas na-push ako para tuparin ang aking misyon.

Salamat Sley.


Una kong pupuntahang bansa ay USA.Si Dr.Rojertz ang una kong hahanapin.Baka naman kasi may nakakaalam kung saan nakatira ang bawat isa.Malaking tulong iyon sa paghahanap ko sa kanila.

Ginamit ko na ang atm ni Sley para makakuha ng perang gagastusin ko sa paglalakbay ko.Bumili na rin ako ng ticket papuntang America.

"Hey miss ba't ka sumingit?" tanong ng matandang nasa likod ko.

Brain in Love [-COMPLETED-]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon