Chapter 23

1.9K 151 16
                                    

Magdamag akong nagbantay kay Sley.Nasa tabi niya lang ako.At kahit kailan hinding-hindi ko siya iiwan.Lalo pa't ganito ang sitwasyon niya.

Hindi ko na nga namalayan nakatulog na pala ako na ganun ang posisyon.Nagising na lamang ako dahil hinahagod-hagod ni Sley ang buhok ko.

"Kain ka na," mahina niyang sabi habang nakangiti.Nakangiti parin siya sa kabila ng kalagayan niya.Kahit kailan hindi ko siya nakitaan ng panghihina sa mga expression niya.Dahil kahit hirap na hirap siya ay patuloy parin ang pagngiti niya.Which is good thing.

Tumayo na ako.Hindi ko na napansin kung ano ang hitsura ko.Kaya pala kakaiba ang tingin ni Sley sa'kin.Naghilamos na ako at nagsuklay ng buhok. Siya namang pagdating ni Manang Veda.May dala siyang pagkain.

"Kumain muna kayo.Aba'y kagabi pa ata kayo hindi kumakain."

"Sige po.Salamat Manang Veda."

Inayos ko na ang pagkain namin.Sabi naman ng doctor ay pwedeng kumain si Sley.Buti nga ngayon medyo okey siya.Kagabi talaga halos mamatay na ako sa takot dahil hindi na siya nakahinga.

Dahil sa siglang pinapakita ni Sley sa'kin hindi ko naiisip 'yung kalagayan niya.Mas lalo ko siyang minahal sa pagkakataong ito.

"I'm sorry," ang tanging sambit ng aking mahal.

Tiningnan ko siya sa mata."Wala ka namang dapat ihingi ng tawad sa'kin."

"I will fight Britannica."

Napapaluha na naman ako.Wala na talaga akong mahihiling sa Panginoon kundi ang magkasama kami ni Sley sa mas mahabang panahon.'Yun lang sapat na.Masayang-masaya na ako nun.At masasabi kong worth it na ang buhay ko.

- - - - -

Nakalipas na ang dalawang araw.Sobrang awang-awa na ako sa kalagayan ni Sley.Ganun parin siya nagtitiis sa sakit niya.Balik eskwela na rin ako dahil lunes na.Pagkatapos naman ng klase ay diretso na ako sa bahay niya.Nilipat na si Sley sa kanyang bahay kung saan mas ligtas siya dahil sa kumpleto ang mga gamit doon.Ang kanyang personal doctor naman ay palaging bumibisita para i-check ang kalagayan niya.

ANG TANONG KO LANG,HANGGANG KAILAN KAMI GANITO?

Kapag nga bumibisita ako kay Sley inaaliw ko siya sa mga walang kwentang jokes at kwento ko.At least napapatawa ko siya at kahit papaano'y nasisilayan ko siyang ngumiti.Nakikipagkulitan parin siya sa'kik sa kabila ng nararanasan niya.At isa pa,kailangan namin maging malakas.Sabi nga ni Sley lahat gagawin namin para malabanan 'tong problema na ito.

"I have something to tell you Britannica,"

"Oh ano 'yun?"

"May plano ako."

"Plano?Para sa'n?"

Nag-iisip siya ng malalim.Sa malayo kasi siya nakatingin na tila seryoso sa kung ano mang pumapasok sa utak niya.

"Noong bata ako,ng malaman kong artificial ang puso ko sobra akong nasaktan.Kasi I can't do the same thing na ginagawa rin ng ibang bata.The last time na natural pa ito ay noong nasa quiz bee tayo.That's why I got crush on you easily."

"You mean that time inoperahan ka?" tanong ko.

"Yeah."

"Kaya pala hindi na kita nakita sa awarding."

"Exactly!Kahit gustung-gusto kong bumalik hindi ko kaya.Coz I am weak!"

"Ano ka ba hindi ka weak! Kailangan mo lang syempreng magpagamot.At isa pa,kahit ganun 'yung kalagayan mo ang galing-galing mo.Tinalo mo nga ako eh," paliwanag ko sa kanya.

Brain in Love [-COMPLETED-]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon