Chapter 11

2K 163 2
                                    

Araw ng sabado.Ang mga estudyante ng Brainfordshire University ay abala na sa pag-eensayo.Iba't ibang sports,iba't ibang competition.

Tatlo ang paligsahang sinalihan ko.Kaya lang hindi ko na pinag-abalahan pa ang battle of the brains.Nagpa-practice lang ako ng billiard at modeling para sa pageant.

Tuwing practice ng modeling,palagi akong pinapagalitan ng coordinator.Hindi kasi ako nasunod sa iba niyang pinapagawa.

Aba! Pakialam niya.Ano ngayon kung matalo ako.

Sa billiard naman, nawalan ako ng ganang makipaglaban sa kapwa ko babaeng ka-team.Bagkus ay sa mga lalaki ako sumama.Sila ang kinalaban ko.

"Ow,shot! Amazing Flaur." Sabi ng coach ko.

Nang makaramdam ng gutom,nagpunta na ako ng canteen.

"Britannica"

Sino pa nga ba ang tatawag sa'kin ng ganyan kundi si Sley lang.May sports din siguro siyang sinalihan kaya siya nandito.

"You look good." Tinabihan niya ako.

"Anong look 'yan? Sampalook,o bulook?"

Tumawa siya ng malakas at pagkatapos ginulo ang buhok ko.Bigla niya rin akong sinubuan ng saging.Hindi tuloy ako nakapag-salita agad.

"Ano ba 'yan!"

Bilang ganti,sinubo ko naman sa kanya ang kinakain ko.

Kaya pati siya punung-puno ang bibig.Nagtatawanan nalang tuloy kami.

Kala niya siya lang marunong ah.





- - - - - - - -






Simula na ng unang araw ng brainelympics.Parang ordinaryong labanan lang naman ang nagyayari,may nananalo at natatalo.

Pero kung susuriing mabuti,bawat kalahok ay maingat sa lahat.Palaging dikit ang scores ng bawat game.

Samantala,todo practice ang mga muse at escort ng bawat department habang ako nanonood lang ng basketball.

Ayoko talagang mag-practice 'dun.Kaya todo takas din ako.

Naboring na ako sa basketball kaya umakyat ako ng fourth floor dito sa sports complex ng university.

Chess pala ang laban.Pinapasok naman ako sa loob dahil akala nila player ako.

Sa kanang bahagi ang mga naglalabang babae, at sa kaliwa naman ang mga lalaki.

Makalipas ang isang oras,nagsitayuan na ang mga kalahok.Hindi ko nga napansin naka-idlip pala ako sa kinauupuan ko.

Saka ko lang napansin na championship na pala.Ang bilis ah.

Dalawa lang ang natirang nakaupo.'Yung isa white american at ang isa'y hindi ko mamukhaan.Nakatalikod kasi siya sa'kin.

Pinaalis ako sa kinauupuan ko ng isang masungit na coach.Natalo siguro ang manok niya.

Lumipat nalang ako ng pwesto.

"Sley?"

Oo nga, si Sley ang naglalaro.Oh my gulay,hindi ko siya agad namukhaan.Nakasalamin kasi siya.Sobrang seryoso ang mukha.Halatang nag-iisip ng mabuti.

Nanood lang ako ng laban nila.Hindi ko maiwasang kabahan sa mga pagkakataong nakakain ang chips niya.Nagdadasal pa ako na sana manalo siya.

Sa huli,si Sley ang nagwagi.Masayang-masaya ako para sa kanya.Agad naman niya akong nilapitan.

Brain in Love [-COMPLETED-]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon