CHAPTER TEN

8 1 0
                                    

Nag stay pa si Papa sa ospital ng ilang araw, samantalang ako naman bumalik na sa school after 2 days at si Mama naman ang full-time na nagbabantay, sinusubukan kong dumalaw sa ospital every other day para sigurado akong okay ang lahat sa ospital kahit na sinigurado na sa 'kin ni Clynt na inaalagaan ng maayos sa ospital si Papa ng mga Nurses at ng Tito niya.

After three weeks na pag stay ni Papa sa ospital sobra kaming nagpapasalamat na makakalabas na rin siya ngayon, after mag bilin ni Doctor Flores sa 'min ng mga dapat pa rin iwasan ni Papa at mga gamot na kailangan namin bilhin, pinayagan na niya kaming umuwi.

"Ako na po mag hahatid sa inyo pauwi." sabi ni Clynt kay Mama pagkalabas ni Doctor Flores sa kwarto.

Napalingon ako sa kanya agad at napahinto ako sa paglalagay ng mga gamit sa bag. Nagkatinginan pa kami ni Mama habang ang mga kapatid ko nagtatalon na saya.

"Hi —"

"Dalhin ko na po 'yong ibang gamit, Tita." putol niya sa sasabihin ko sana pero kay Mama lang siya nakatingin.

"Huh? Ah sige." nag-aalangan na sagot ni Mama sa kanya habang nagpapalipat-lipat sa 'min dalawa ang tingin.

"Wa —"

"Tara na." aya niya sa mga kapatid ko.

Napanguso ako dahil hindi niya ako hinahayaan na magsalita. Tatalon-talon na sumunod kay Clynt ang mga kapatid ko palabas ng kwarto

.

"Bastos 'to." inis kong bulong habang nakatingin pa rin kay Clynt na palabas sa kwarto ni Papa.

"Hayaan mo na lang si Clynt." natatawa naman na sabi naman ni Papa.

"May magagawa pa po ba ako?" Kibit-balikat kong sagot at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa ko.

Nakaupo ako sa passenger seat at nasa backseat naman si Mama at Papa katabi ang makulit kong mga kapatid na para bang ngayon lang sila nakasakay sa kotse.

"Kuya ang ganda ng kotse mo magkano bili mo rito?" masiglang tanong ni Maven habang nakasilip sa pagitan namin.

"Maven, ano ba umayos ka nga, umupo ka na." Sinamaan ko siya ng tingin pero nilabas lang niya ang dila niya sa 'kin at tumingin kay Clynt na nasa daan lang ang tingin.

"Ang ganda ng kotse mong 'to kuya, gusto ko rin po nito paglaki ko."

"Mag-aral ka ng mabuti para makapag trabaho at pag malaki na ang sweldo mo, puntahan mo ko ulit tapos sasamahan kita para bumili ng sa 'yo."

Ngumiti lang ng malawak si Maven habang tinatango ang ulo niya.

"Kuya, ikaw po ba bumili nitong kotse mo?" tanong naman ni Raven na nakatayo na rin sa tabi ni Maven.

Sumulyap siya ng tingin sa 'kin at tumikhim, naiilang siya sa tanong ni Raven kaya nangisi ako habang umiiling.

"Yes." matipid at mahina niyang sagot na para bang ayaw niyang iparinig sa iba.

"Hala!" sabay na singhal ng mga kapatid ko. "Nagtatrabaho ka na po kuya? Pero 'di ba po nag-aaral ka pa?" tanong ulit ni Raven.

"Yes ang parehong sagot sa tanong mo."

Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa loob ng sasakyan, lahat kami gulat na nakatingin sa kanya. Matagal ko na siyang kaibigan at kakilala ang alam ko lang lumaki siya sa mayamang pamilya pero hindi ko inaasahan na napagsasabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho. Kunot-noo niya akong nilingon at sinamaan ng tingin na para bang sinasabi niya na hindi niya gustong tinitingnan namin siyang lahat.

"Sorry, hindi ko din kasi 'yon alam." Ngumiti ako ng pilit sa kanya.

"Tch!" Umiling lang siya. "Nagtatrabaho ako sa company ng parents ko habang nag-aaral simula pa lang nang 2nd year college ako."

Fortunate MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon