Chapter Sixteen

2 0 0
                                    

I was about to cry when I felt someone's hand on my shoulder and when I turned around to see who it was, parang mabilis na umatras ang luha ko.

"Let's go." kinuha niya ang kamay ko at maingat akong hinila patayo. "They are waiting for us." turo niya sa family niyang nasa stage at nakatingin sa amin habang naghihintay.

"What?" naguguluhan kong tanong pero hindi niya ako sinagot.

All eyes are on us habang naglalakad kami sa gitna papunta sa mini stage, pakiramdam ko natutunaw ako sa halo-halong tingin ng mga tao sa akin, pakiramdam ko rin hinuhusgahan nila ako mula ulo hanggang paa. Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Clynt at mas lalo akong dumikit sa kanya at umaasa akong kahit paano matatakpan niya ako sa mga mapanghusgang tingin ng mga tao, ramdam ko ang tingin niya pero ipinako ko lang ang tingin ko sa nilalakaran namin.

Pagdating namin sa stage yumakap sa kabilang braso ko si Darylle at saka ipinagpatuloy ni Tita at Tito ang speech nila. Hindi ko alam kung bakit ako nandito kasama sila pero hindi ko naman magawa ang magreklamo dahil nasa pagitan ako ng magkapatid na nakatingin lang sa parents nila at paminsan-minsan tumitingin din sila sa mga bisita.

Pagkatapos ng speech nila Tita at Tito, nakaalalay pa rin sa akin si Clynt hanggang makabalik kami sa table namin.

Lumipas ang oras na parang ang daming nangyari kahit na most of the time nakaupo lang naman ako, kumakain aat nakikipag kwentuhan kay Darylle at Walter, paminsan-minsan tumatayo ako pag may mga bisita na bumabati kay Clynt at ipapakilala ako. Isinama niya rin ako na umikot sa buong rest house nila na siyang naging highlight ng pagpunta ko rito kasi ang ganda ng library nila ang daming books, na ang iba halos hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko, may mga frame rin sila doon na may mga butterfly na ang gaganda at ang pinaka nagustuhan ko ay iyong telescope nila, tinulungan ako ako ni Clynt i adjust iyon para makita ko ang mga starts na sobrang natuwa ako.

Bumalik kami sa party pagkatapos namin mag stay doon ng matagal sa library.

"You okay?" bulong ni Clynt sa akin ng makita niya akong minamasahe ang mga paa ko.

Masakit na ang paa ko sa heels sa totoo lang hindi rin naman kasi ako sanay magsuot ng ganito at kanina ko pa rin ito gamit.

"Medyo."

Dalawa lang kami sa table kasi si Darylle at Walter ay nasa mga kaibigan nila at nakikipag kwentuhan.

"Wait lang hintayin mo ko may kukunin lang ako."

Bago pa ako makapag react umalis na siya papasok ng bahay nila. Napanguso na lang ako at tiningnan ang likod ng paa kong namumula na dahil sa heels at anytime magkakasugat na siya.

"Here." napatingin ako kay Clynt ng makabalik na ito.

May hawak siyang shoe box na hindi ko alam kung saan galing.

"Ano 'yan?" gulat kong tanong sa kanya.

"Nakikita mo naman kung ano 'to nagtatanong ka pa." masungit niyang sagot pagkatapos ay umupo siya sa harap ko.

"Anong ginagawa mo." gulat at natataranta kong tanong sa kanya at bahagya pa akong napatingin sa paligid kung may mga nakatingin ba sa amin.

"Akin na 'yang paa mo." utos niya ng hindi pinapansin ang sinasabi ko.

"I can do it, Clynt." protesta ko.

Tinaas niya sa akin ang tingin niya dahilan para matigilan ako saglit at mapaatras.

"I know you can, but I want to do it for you." seryoso niyang sagot.

Bago pa ako makasagot o makapa react sa sinabi niya, hinawakan na niya ang paa ko at tinanggal ang suot kong heels pagkatapos ay isinuot niya sa akin ang puting rubber shoes.

Fortunate MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon