CHAPTER FOUR

17 1 0
                                    

Hindi ko na namalayan kung gaano na ba ako katagal naglalakad, hindi rin kasi ako nakakaramdam ng pagod pero nang tumigil ako sa paglalakad napatakip ako ng bibig at nagsimula na naman mabasa ang mga mata ko dahil ilang taon na no'ng huli ako nakapunta sa lugar na 'to at hindi ko din inaasahan na dito ako dadalhin ng mga paa ko.

Sinimulan ko na ulit maglakad papunta sa kanya, matagal na pero andito pa rin sa 'kin 'yong pakiramdam noong una akong pumunta dito para makita siya. Saglit kong inikot ang paningin ko sa paligid, tahimik at walang tao, pero alam mong may mga bisita din na galing dito dahil may mga kandila na may sindi pa at may mga bulaklak na bagong lagay pa lang. Huminto ako sa tapat ng isang itim na marmol na nakasulat ang pangalan niya, katabi ang picture niya na nakangiti at maraming bulaklak sa paligid.

"Hi." nakangiti kong bati sa kanya bago ako umupo sa harap niya. "It's been a while, long time no see."

I trace his face in the picture while letting my tears flow down on my cheeks.

"Sorry ngayon lang ako nakadalaw sa 'yo ulit." sabi ko habang humihikbi. "Hindi ka naman siguro nagtatampo sa 'kin no?" natatawa ko pang dagdag at niyakap ko ang pareho kong tuhod habang nakatingin sa kanya.

Nagulat ako ng maramdaman ko ang malamig na pagyakap sa 'kin ng hangin kaya mas lalo akong naiyak dahil pakiramdam ko nandito siya ngayon at niyayakap ako.

"Kailangan ko yan." humihikbi kong bulong. "Salamat kasi nandito ka pa rin para sa 'kin."

Umiyak lang ako ng umiyak nang malakas, dahil sobrang bigat at sobrang gulo na ng isip ko, ito lang 'yong kaya kong magawa sa ngayon ang umiyak at isigaw ang nararamdaman ko, wala na akong pakialam kung magising ko pa 'yong mga natutulog na patay ngayon dito.

"Alam kong ayaw mong makita akong umiiyak dahil 'yon ang huling bilin mo sa 'kin no'ng huli tayong nag-usap 'di ba?" pilit kong bigkas sa pagitan ng bawat paghikbi ko."Pero pwede bang kahit ngayon lang iiyak ako sayo ulit."

Halos wala na akong boses sa pag-iyak at pag sigaw ko dahil paulit-ulit kong naalala lahat-lahat ng pinag-usapan namin ni Veyn kanina, sobrang sakit talaga na hindi ko kayang ihalintulad sa mga sakit na naramdaman ko noon 'tong nararamdaman ko ngayon. Hindi na ako halos makahinga sa pag iyak pero hindi ko alam kung paano ako titigil.

"Bakit? Bakit ang hirap para sa inyo na manatili sa akin? Mahirap ba akong mahalin? Bakit gustong gusto niyo kong iniiwan at sinasaktan?" tanong ko sa kanya kahit na alam kong wala akong makukuhang sagot galing sa kanya. "Nanahimik ako tapos kayo 'tong pumasok pasok sa buhay ko, pinaramdam niyo sa akin na sobrang mahal niyo ako tapos 'nong minahal ko na kayo ng higit pa sa sobra iiwan niyo ako."

Sabay kong pinupunasan ng dalawa kong kamay 'yong pareho kong mata na basang-basa pa rin ng luha ko.

"Hindi ba sabi mo sa 'kin po-protektahan mo ko kahit na anong mangyari pero bakit hinayaan mo 'to? Bakit hinayaan mong gawin niya sa 'kin kung ano 'yong ginawa mo? Bakit hinayaan mong dumaan ako ulit sa ganito? Tapos sobra pa sa pinaramdam mo sa akin." Umiyak ako ulit nang malakas. "Bakit hinayaan mo kong mahalin siya ng ganito? Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na sasaktan niya lang din ako ng ganito?" Hinawakan ko 'yong dibdib kong mabilis pa rin ang pagtibok. "Pakiramdam ko unti-unti akong pinapatay nang sakit."

Napasinghap ako ng maramdaman ko na naman 'yong pagyakap sa 'kin ng malamig na hangin. Matagal ang yakap na 'yon na para bang pinaparamdam niyang ilabas ko lang lahat ng nararamdaman ko at h'wag akong mag-alala dahil kasama ko siya, kaya mas lalo akong naiyak.

"Mahal na mahal ko siya, palagi ko siyang pinipili sa lahat ng oras, paulit-ulit ko siyang tinatanggap kahit na paulit-ulit din niya akong iniiwan, hindi ko siya kayang mawala sa 'kin pero bakit siya." Huminga ako ng malalim dahil kinakapos na ako ng hininga. "Bakit paulit-ulit na lang niya akong sinasaktan? Paulit-ulit na lang niya akong iniiwan, paulit-ulit na lang napapagod na ako."

Fortunate MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon