CHAPTER NINE

9 1 0
                                    

Kinausap kami ni Doctor Flores pagkatapos niyang tingnan si Papa, nabunutan kami ni Mama ng tinik sa dibdib pagkatapos niyang sabihin na pwede ng maka-uwi si Papa pag naka-recover na ang katawan niya.

"Salamat po Doc." halos magkasabay namin pagpapasalamat ni mama kay Doctor Flores.

"Welcome po." nakangiting sagot naman ni Doctor Flores. "So, I guess hindi mo na ako kailangan tawagan every 10 minutes para lang magtanong." dagdag pa niya habang nakatingin kay Clynt na parang nang-aasar.

Kunot-noo akong napalingon kay Clynt na nanlilisik ang matang nakatingin sa Tito niya, nagtataka ko ulit binalik kay Doctor Flores ang tingin ko na mabilis umiling habang nakangiti ng nakakaloko. C'mon self! Don't assume bawal kiligin, huwag lagyan ng meaning lahat baka ma hopya ka.

"Sige na po, mauna na ako marami pa po akong patient na pupuntahan." Tinapik-tapik ni Doctor Flores si Mama sa braso at binigyan niya ako ng assuring smile.

Nagpasalamat kami ni Mama ulit sa kanya at nakipag kamay.

"Hatid ko na po kayo sa labas Doc." paalam ko kay Doctor Flores na ngumiti lang sa 'kin at tumango.

Magkasunod kaming lumabas ng kwarto ni Papa at agad akong nagpasalamat sa kanya ulit ng makalabas na kami ng tuluyan. Hindi ko pa sila kayang bayaran ng pera kaya hanggang pagpapasalamat lang muna ang maibibigay ko sa kanila ngayon.

"Thank you po ng sobra sa pag-aalaga niyo kay papa."

"You're welcome hija." nakangiti niyang sagot sa 'kin at tinapik niya ako sa balikat. "Aside sa trabaho ko 'to, nakakatawang makita ang pamangkin ko na gano'n, he's always compose but last night when I saw him looking disoriented and looks like he doesn't know what to do, that's a joy for us. Thank you, Belle."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya, ilang beses kong binuksan ang bibig ko para magsalita pero walang lumalabas sa boses sa akin.

"That night, when he called me telling about your father's condition, nagulat kaming lahat dahil we know him since birth at 'yon ang unang beses na nakita namin siyang nag-alala para sa iba bukod sa pamilya niya." natatawa niyang kwento. "What amazes me is when he ordered everyone here." he emphasizes the word everyone at nagpatuloy siya sa pagsasalita. "He literally ordered everyone even me to take care of your father and give him a special treatment like a VVIP patient."

Bigla akong nahiya, parang gusto ko na lang bumuka ang lupa at magpapakain ako, gusto kong kiligin dahil sa effort ni Clynt at pag-aalala niya para kay papa pero parang wala na akong mukhang ihaharap sa mga tao dito sa ospital.

"Well." binitin niya ang sasabihin at ngumiti ng makahulugan sa 'kin. "Siguro sobra ka lang talagang importante sa pamangkin ko kaya siya nagka gano'n, hindi siya usual na gano'n pero nakakatawang makitang normal pa rin pala siya."

"Thank you po talaga." nahihiya kong sagot sa kanya. "Hindi ko po maipapangako kung kailan ko mababayaran ng buo 'tong mga expenses ni papa dito pero I promise na babayaran ko po talaga."

"No! Hija." Umiling siya ng mabilis at iniwagayway niya pa ang kamay sa harap ko. "Hindi mo naman kami kailangan bayaran."

"Nakakahiya naman po kasi, sobra-sobra na po ang tulong niya sa 'min." Yumuko ako at huminga ng malalim bago iangat ulit sa kanya ang tingin ko. "Ayaw ko lang din pong isipin niyo na nag ta-take advantage ako kay Clynt at Darylle, kasi po mga totoong kaibigan ang turing at tingin ko sa kanila."

"Belle, don't think like that, hindi ganyan ang tingin namin sa 'yo." mahina niya akong tinapik sa balikat ko ulit habang nakangiti. "Wala sa family namin ang nag-iisip ng ganyan tungkol sa 'yo at sa iba."

Fortunate MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon