Chapter Eighteen

1 1 0
                                    

Late afternoon na ng magkaroon ako ng chance kumain ng lunch dahil after ng basketball game nila Clive nag committee naman ako sa volleyball game at ngayon minamadali ko ang pagkain dahil kailangan kong umabot sa volleyball game nila Ayseah dahil hindi ko gustong isabit ni Sieg pag hindi ako umabot sa game dahil siya ang assistant trainer nila Ayseah.

"Hi, Belle!" halos mapatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot sa magkabilang gilid ko si Clynt at Walter.

"Hindi ba kayo pwedeng sumulpot ng hindi ako ginugulat." inis kong singhal sa kanilang dalawa.

"Bakit nagmamadali ka?" tanong ni Clynt ng hindi sinasagot ang tanong ko.

"Kailangan kong umabot sa game nila Ayseah."

"And that was when?" tanong ko niya bago sumubo ng pagkain niya.

Nakanguso kong tiningnan ang wrist watch ko.

"In 5 minutes." mabilis kong sagot sa kanya.

"You still have time, take your time, chew your food properly."

"Pero ka—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng samaan niya ako ng tingin. "Okay."

Ginawa ko ang sinabi niya, I take my time sa pagkain habang nakikipag kwentuhan sa kanila pagkatapos namin kumain sinamahan nila ako manood ng game nila Ayseah, pagdating namin doon nagsisimula na ang first set. Umupo kami sa bakanteng upuan malapit sa bench ng school namin.

"Okay lang ba na nandito kayo?" bulong ko kay Clynt na seryosong nanood ng game.

"Yeah, bakit naman?"

"Wala lang baka lang meron game ang school niyo."

"Meron nga." walang emosyon niya akong tiningnan.

"Eh bakit nandito kayo at wala kayo doon?"

"Mas gusto ko rito." sabi niya bago binalik sa court ang tingin.

Intense din ang game nila Ayseah halos dikit ang score nila pero hanggang 3 sets lang ang game in favor sa sa kanila kaya sobrang saya ko.

"Whaa! Congrats!" masaya kong bati kay Ayseah at niyakap ko siya ng makuha na niya ang mga gamit niya sa bench.

"Thank you!"

"Congrats." nakangiti rin na bati sa kanya no'ng dalawa.

"Thank you." nahihiyang sagot niya bago yumakap sa braso ko.

"Bakla kakain muna kami sasama ba kayo?" tanong naman ni Sieg na kadarating lang.

"Naku, kailangan na namin bumalik sa room namin." sabi naman ni Walter.

"Maybe next time." sabi naman ni Clynt.

"Ako rin kailangan ko ng bumalik sa booth, ako ang bantay doon e." sabi ko naman sa kanila.

"Okay, sige kami na lang ni Ayseah." nakangusong sagot ni Sieg.

Sabay-sabay kaming naglakad palabas ng gym at nag hiwa-hiwalay kami ng papunta na sila sa cafeteria habang si Clynt at Walter ay hinatid ako sa SC booth bago sila pumunta sa room nila.

Naubos ang oras ko sa booth, meron din kasi kaming mga itinayong game booth katulad ng jail booth, wedding booth at iba't iba pang booth, meron din kaming booth sa SC na radio booth. Buhay na buhay ang school namin dahil sa mga estudyante galing sa iba't ibang school, hindi gano'n kalaki ang school namin katulad ng iba dahil business course lang naman ang ino offer dito at hindi rin kami prestigious school pero nakakatawa na nag eenjoy sila sa school namin.

Wala ng estudyante sa school ng matapos akong mag ayos ng mga gamit sa SC office. Wala na rin akong kasama dahil pinauna ko na sila dahil schedule ko ngayon sa pag aayos ng mga gamit, nauna na rin umuwi si Sieg at Ayseah dahil pagod sila sa game nila ngayong araw. Pagdating ko main hall natigil ako sa paglalakad ng makita ko si Clynt na nakatayo doon, naka shorts at naka varsity jacket habang nakatingin sa phone niya.

Fortunate MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon