Chapter Fourteen

2 1 0
                                    

                                                                                  Belle

The next morning.

Akala ko hindi ako lalagnatin pero kaninang madaling araw habang gumagawa ako ng thesis nakaramdam ako ng sakit ng ulo bukod sa panay ang bahing at ubo. Noong tingnan ko ang body temperature ko inaapoy na pala ako ng lagnat kaya kahit na hindi ko pa gustong magpahinga wala na akong choice kung hindi ibigay sa katawan ko ang pahinga na kailangan niya. Kailangan pa naman namin pumunta sa school para ipa check sa thesis adviser namin ang mga chapters na nagawa na namin, hindi na ako nakasama kay Ayseah at Sieg dahil hindi ko kayang tumayo sa sobrang bigat ng katawan ko at ang bigat ng pakiramdam ko sa ulo ko.

Nagbilin lang silang dalawa sa akin bago sila umalis na h'wag ko na daw pilitin ang tumayo at magpahinga na lang ako pero nagising ako ng may naamoy akong mabango galing sa kung saan dahil din doon nakaramdam ako ng gutom. Pinilit kong tumayo ng kama at lumabas ng kwarto habang balot ng kumot dahil nilalamig ako at natigilan ako sa paglalakad dahil hindi ko alam kung nag dedeliheryo na ba ako o ano pero nakatayo si Clynt sa tapat ng sink namin at nagluluto. Ilang beses kong pinikit pikit ang mga mata ko at kinurot ko pa ang sarili ko dahil baka panaginip lang din ito pero hindi, nandito nga talaga siya.

"You're awake." sabi niya ng lumingon siya sa direksyon ko. "Good morning."

Nanuyo bigla ang lalamunan ko at hindi ako makapagsalita.

"It's almost done, you can just sit first." turo niya sa sofa namin.

"What are you doing here?" wala sa sarili kong tanong sa kanya.

Tiningnan niya ako na para bang may nagawa akong kasalanan sa kanya.

"Bakit?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Pinatay niya ang stove para kumuha ng bowl at hindi niya ako sinagot.

"Gusto mo ng milk? Bumili ako."

"Yes please." sagot ko sa kanya at umupo ako sa dining table habang nakatingin pa rin sa kanya.

He serve me a bowl of mushroom soup and milk na comfort food ko pag may sakit ako pagkatapos ay umupo siya sa tapat ko at inabutan niya ako ng gamot.

"Sabi ko sa 'yo kahapon uminom ka ng gamot e." sabi niya pa.

"Thank you."

"Sige na kumain ka na then drink that."

"Okay."

Sinimulan ko ng kumain at habang sumusubo ako ramdam ko ang tingin niya sa akin at ng ibalik ko sa kanya ang tingin ko doon ko lang naalala na tumawag pala siya sa akin kagabi para magpasama sa mall.

"Geez! Sorry aalis pala tayo ngayon."

"That's fine, you need to rest."

"Sasamahan pa rin kita magpapahinga lang ako."

"That's okay. We still have time."

"Kailan ba ang party?"

"On the 30th."

May ilang araw pa naman pala.

"You are invited."

"Huh? Invited where?"

"Mom and Dad's wedding anniversary."

Nasamid naman ako sa sinabi niya kaya mabilis niya akong inabutan ng tubig.

"Thanks." uminom ako agad ng tubig at mahina ko pang pinalo-palo ang dibdib ko.

Hindi ko talaga inaasahan ang sinabi niya.

Fortunate MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon