Chapter Fifteen

1 1 0
                                    

Habang hinihintay ko dumating ang sundo ko palakad lakad ako sa sala dahil habang lumilipas ang oras mas lalo akong kinakabahan sa thought na for the first time makikilala ko na ang parents nila, kinakabahan din ako sa thought na kailangan kong makipag socialize sa mga nasa taas ng society. Napabuga ako ng malalim na hininga at umupo sa sofa, parang hindi talaga dapat na pumayag ako dito.

"Bakla ka bakit hindi ka matae d'yan?" tanong ni Sieg habang umiinom ng kape.

"Kinakabahan kasi ako, huwag na lang kaya pumunta."

"Baliw ka, after natin mag effort sa paghahanap ng dress na gagamitin mo tapos pagkatapos natin mag effort sa make up mo hindi ka pupunta. Baka tulungan pa namin ni Clynt na kaladkarin ka." dagdag pa ni Ayseah.

"Kinakabahan ako e."

"Saan ka kinakabahan sa meet the parents?" tanong ni Sieg.

"Oo tapos sa mga bisita doon. Alam niyo naman na hindi ako marunong makipag socialize e idagdag niyo pa na mayaman ang mga nandoon. Jusko! Iniisip ko pa lang nanliliit na ako."

"Masyado ka lang nag o overthink." sabay nilang sabi dahilan para mapasandal ako sa sofa.

Na fu frustrate talaga ako, naiimagine ko na ang mangyayari sa akin mamaya doon sa party at baka magpakain na lang ako sa lupa bigla.

Sa kalagitnaan ng pag o ovethink ko sabay-sabay kaming napalingon sa biglang kumatok sa pinto.

"Nand'yan na siya!" excited na singhal ni Sieg.

Nag uunahan sila ni Ayseah sa pagbubukas ng pinto at unang bumungad sa kanila ay si Darylle na napakaganda sa suot niyang simple white mini dress with dot puff long sleeves, naka braid ang medium lenght na hair niya na parang sa isang princess tapos naka light make up lang din siya pero ang ganda ganda niya. Tapos si Clynt naka brush up ang buhok niya na ngayon ko lang nakita na ginawa niya, nakasuot siya ng slim fit na white long sleeves exposing his great body build, tapos naka fold hanggang sa forearm niya that makes him more sexy, naka black pants at shoes din siya.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko dahil iyong suot ko sobrang simple lang na white dress na nabili namin online. Ayaw ko na! Hindi na ako pupunta.

"Hi everyone!" masayang bati ni Darylle at mabilis niyang niyakap si Sieg at Ayseah. "You look gorgeous today, gummy bear!" she added pagkatapos niya ako pasadahan ng tingin.

"Nang bola ka pa." nahihiya kong sagot sa kanya.

"Totoo nga! Ang ganda mo mukha kang fairy." mabilis siyang yumakap sa braso ko at tiningnan si Clynt na nakatingin lang din sa amin. "Hindi po ba kuya? Ang ganda ganda niya today?"

Lahat kami napatingin kay Clynt at naghihintay ng sagot niya, seryoso lang siyang nakatingin sa akin at ilang beses nag taas baba ang adam's apple niya na para bang nahihirapan siyang magsalita.

"You look beyond gorgeous." sabi niya sa walang emosyon na boses habang nakatingin sa mga mata ko.

Parang gustong manghina ng mga tuhod ko dahil sa sinabi niya mabuti na lang hawak ako ni Darylle. Inabot ni Clynt ang kamay niya sa akin kaya saglit nag palipat lipat sa kanya at sa kamay niya ang tingin ko.

"Let's go. Mahaba pa byahe natin." he said.

Dahan-dahan kong inabot sa kanya ang kamay ko at mahigpit naman niya iyon hinawakan.

"We are going." paalam niya kay Ayseah at Sieg.

"Ingat kayo sa byahe." kumakaway na sabi ni Ayseah pagkatapos niya akong yakapin.

"Paki hatid na lang ang cinderella namin dito ah." pagbibiro pa ni Sieg.

"I will."

"Bye!" paalam naman ni Darylle sa kanilang dalawa.

Fortunate MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon