CHAPTER SIX

19 1 0
                                    

"What?"

"Anong what? kanina pa tayo nandito hindi ka pa rin nakakapag decide."

"Kasi hindi ka pa rin pumipili!?"

"Bakit ako ang pipili? Bakit ako ba ang pagbibigyan?"

"Sinama kita dito para tulungan ako."

Padabog akong umupo sa couch sa may sulok ng cloth store at pinag krus ko ang dalawa kong braso.

"Alam mo naman na hindi ako nagsusuot ng mga dress, hindi ako gumagamit ng make-up, wala akong alam sa mga sapatos, sa mga jewelry at lalo na sa mga bag! Tapos 'don mo ko pina papili!" inis kong singhal sa kanya.

"Babae ka ba talaga?"

"Minsan." sarkastiko kong singhal sa kanya. "Obvious naman 'di ba!"

Sinamaan niya ako ng tingin saglit bago huminga ng malalim at bagsak balikat na nag-iwas ng tingin sa 'kin.

Nagmukmok lang ako sa couch habang nilalaro ang mga paa ko.

Nakakainis! Alam naman niyang hindi ako katulad ng mga babaeng nakakasama niya sa sopistakado niyang mundo tapos sa 'kin pa siya nagpapatulong.

Natigil lang ako sa pagmamaktol ng may naramdaman akong parang nakatingin sa 'kin at ng lumingon ako sa paligid napansin kong nakatingin sa 'min ang mga staff at ibang customers, siguro narinig nila kaming nagtatalo kanina, just great! Mabilis akong yumuko para matakpan ng hood ang mukha ko.

"I'm hungry." rinig kong bulong niya bago humarap sa 'kin.

Naiinip niya akong tiningnan kaya tinaasan niya ako ng kilay kahit na hindi naman niya nakikita dahil sa hood ng jacket ko, nagsalubong ang dalawa niyang kilay at pinasok sa parehong bulsa ang kamay.

"Tara na." Tumayo ako habang umiiling. "Huwag mo ko tingnan ng ganyan." bulong ko at hinila siya sa t-shirt niya palabas ng store.

Nakahawak lang ako sa t-shirt niya habang naglalakad kami sa mall, dedma lang ako sa mga tao kasi di naman nila ako makikilala, hindi rin naman niya tinatanggal o hindi rin naman siya nag re-react. Hinila ko siya sa National Bookstore pero bago pa kami makapasok sa loob tumigil siya at tinignan ako.

"What are we doing here?" kunot noo niyang tanong sa 'kin.

"Kanina mo pa ako pinipilit na pumili ng regalong gusto ko 'di ba?" taas kilay ko rin na tanong sa kanya."Gusto ko ng libro."

Hindi ko na siya hinintay na makasagot kasi magtatalo lang kaming dalawa, inirapan ko siya bago naunang pumasok sa loob. I was shocked habang iniikot ko sa paligid ang tingin ko, alam ko naman na isa 'to sa pinakamalaking mall pero hindi ko ine-expect na ganito kalaki ang National Bookstore nila dito, parang walang katapusan ang mga bookshelf, lahat ata ng mga libro nandito, nakakatuwa parang kasing laki siya ng National Museum.

Masyado akong nag-enjoy sa kakatingin ng mga libro, sa dami ng mga magagandang libro na nakikita ko di ko na napansin na halos mapuno ko na ang hawak kong cart, napanguso na lang ako at ilang beses kong pinagbalik-balik ang tingin ko sa cart at sa shelf pero nagulat ako ng may biglang humawak sa cart paglingon ko nakita ko ang seryosong mukha ni Clynt na nakatingin sa cart.

"Are you planning to buy every book here?" sarkastiko niyang tanong.

"If you don't mind." natatawa kong sagot sa kanya at hindi ko inaasahan na ngi-ngisi lang siya sa 'kin bago niya tinulak ang cart.

"I don't mind." rinig kong bulong niya bago siya tuluyang makalayo sa 'kin.

Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko dahil sa sinabi niya, sumunod ako sa kanya na patalon-talon pa habang panay ang turo ng mga librong gusto kong bilhin dati pa pero hindi ko mabili dahil wala akong budget at ang mga libro na mukhang maganda dahil sa cover at sa synopsis, hindi ko lang alam kung magugustuhan 'to ng pag binigay niya pero bahala siya regalo naman niya 'to saka sabi niya ako pumili e.

Fortunate MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon