CHAPTER THREE

14 1 0
                                    

Pagpasok ko sa loob ng Locked-up si Veyn agad ang una kong nakita dahil tumayo agad siya sa pagkakaupo niya pagpasok ko palang sa loob.



Huminga ako ng malalim nang ngumiti siya sa 'kin at kinaway ang kamay niya, pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil kung ano man ang maririnig ko sa kanya ngayon kahit na masakit matagal ko ng pinaghandaan.



Sana lang kayanin ko na hindi madala sa emosyon at maisip kong wala siyang kinalaman sa kung ano man ang nangyari sa 'min ng pinsan niya, sana rin kayanin kong hindi umiyak sa harap niya dahil 'yon ang pinakahuli kong naiisip na gawin sa harap ng kahit na sinong kamag-anak niya o kakilala niya.



Naglakad ako papalapit sa kanya ng hindi ngumingiti at tanging pag tango lang ang ginawa ko bago ako umupo sa bakanteng upuan na nasa harap niya, hindi ko na nakita ang reaksyon niya pero narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga bago siya umupo ulit.




"Belle, long time no see." nakangiti niyang bati sa 'kin at binalewala ang hindi magandang ekspresyon ko.




"Kailangan kong umalis in 30 minutes." seryoso kong bungad sa kanya. "Kung may sasabihin ka sa 'kin simulan mo na."




Seryoso lang akong nakatingin sa kanya ng diretso, yumuko siya at nilaro ang mga daliri na parang batang hindi alam kung ano ang sasabihin. Ilang minuto ang lumipas na walang nagsasalita sa 'min, ilang minuto rin na magkaharap kami pero nakayuko lang siya.




"Kung may sasabihin ka sa 'kin sa–" nahinto ako sa sasabihin ko nang iangat niya sa 'kin ulit ang tingin niya.



"Are you okay Belle?" mahina at sincere niyang tanong pagkatapos ay kinagat niya ang ibabang labi niya.



Kahit na alam kong hindi niya sinasadyang itanong 'yon dahil higit kanino alam kong alam niyang hindi ako okay, pero hindi ko lang din maiwasan mainsulto sa tanong niya dahil kitang-kita naman sa mukha kong hindi ako okay.



"Belle, I'm sorry." bulong niya pero hindi pa rin ako sumasagot kaya nag patuloy lang siya sa pagsasalita. "Iyong mga messages mo sa 'kin na re-receive ko lahat 'yon, nababasa ko, hindi lang ako makapag reply dahil hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa 'yo, hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang mga tanong mo."



"I just want to know the truth, that's all." malamig kong sagot sa kanya.



"I know Belle, pero sana maintindihan mo na wala ako sa posisyon para maki-alam at hindi mo dapat sa 'kin marinig ang mga sagot sa tanong mo."


"Ang pagsisinungaling at hindi pagsasabi ng totoo kahit na alam mo ang totoo, alam mo ba na walang pinagkaiba 'yon." inis kong kong sagot sa kanya.



"Belle, alam kong nasasaktan ka ngayon, kitang-kita ko naman." tinignan niya ako na para bang awang-awa siya sa 'kin, hindi ko gustong makakita ng gano'n kaya mabilis akong nag iwas ng tingin. "Naiintindihan ko na nasasaktan ka kasi kung ako rin naman ang nasa posisyon mo ganyan din ang mararamdaman ko." mabilis niyang inabot ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. "Pero Belle pinsan ko kasi siya at hindi ko siya gustong pangunahan."



Napasinghal ako at mabilis na binawi ang pagkakahawak niya sa kamay ko.



"Gusto ko lang malaman kung ano ang totoo, kung ano na ba ang nangyayari, dahil hindi ko na rin alam kung ano ang paniniwalaan ko, kung saan pa ako kakapit at kung ano na ba ang dapat kong maramdaman." pilit kong pinipigilan ang pag-iyak at pagbagsak ng mga luha ko.



"Belle, Please listen to me." Nakayuko at umiiling siya habang sinasabi 'yon. "Hindi ko gustong magsalita kasi hindi ko naman talaga alam ang totoo dahil hindi ko din sila nakakausap at alam ko rin na marami ka nang naririnig tungkol sa kanya at tungkol sa sitwasyon niya do'n kaya ma—" nahinto siya sa pagsasalita ng sarkastiko akong natawa.



Fortunate MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon