Chapter Twenty One

1 1 0
                                    

Maaga akong nag ayos ng sarili dahil kailangan kong mag biyahe ng maaga pabalik ng Manila, ayaw kong sumabay sa rush hour at siksikan ng mga tao sa bus. Naabutan ko si Nanay at Tatay na kumakain na ng almusal sa sala.

"Ang aga niyo naman pong nagising?" gulat kong tanong sa kanila.

"Ikaw, bakit ang aga mo naman umalis?" tanong din sa akin ni Nanay pabalik.

"May pasok pa po ako, Nay. Ayaw ko pong sumabay sa rush hour at hindi ko rin po kayang makipag siksikan sa bus."

"Madilim pa." sabi naman ni Tatay.

"Maya-maya po may araw na 'yan, maghihintay na lang po ako ng tricycle d'yan sa labas."

"Samahan na kita maghintay." prisinta naman ni Nanay.

"Sige po."

Nag mano lang ako kay Tatay bago kami lumabas ni Nanay ng bahay at pareho kaming nagulat ng may nakita kaming pamilyar na sasakyang naka park sa tapat ng bahay namin. Nagkatinginan ni Nanay bago namin binalik sa sasakyan ang mga tingin namin.

"Hindi ba sasakyan ni Clynt ito?" tanong niya sa akin pero nasa sasakyan ni Clynt ang tingin niya.

"Opo."

"Anong ginagawa nito rito?"

"Hindi ko rin po alam."

Naglakad ako papunta sa driver seat at sinilip ko ang loob ng sasakyan sa may bintana, nagulat ako ng makita ko si Clynt sa driver seat na natutulog.

"Anong ginagawa nito rito?" tanong ko sa sarili ko.

Kumatok ako ng ilang beses sa bintana hanggang sa magising si Clynt, gulat siyang napatingin sa akin at saglit munang inayos ang sarili bago siya umupo ng maayos at binaba ang bintana.

"Bakit ka nandito?" tanong ko agad sa kanya.

"Sinusundo ka."

"Kanina ka pa nandito?"

Tumingin siya sa wrist watch niya saglit bago ako tiningnan.

"Dumating ako around 3AM."

3AM? Dalawang oras na siyang nandito?

"Bakit hindi ka nagsabi na nandito ka? Paano kung napag tripan ka ng mga tao rito?"

"Ayaw kitang istorbohin."

"Kahit na, hindi ka pa ata natutulog ng maayos e."

"I'm fine, natulog ako sa bahay at nakaidlip naman ako rito."

"Sabi ko naman sa 'yo hindi mo ako kailangan s—"

"Pero sinabi ko rin sa 'yo na gusto ko."

Nagkatinginan kaming dalawa saglit bago ako napahinga ng malalim at bahagyang napailing, what do I expect from him? Syempre hindi siya makikinig sa akin.

"Clynt." sabay kaming napatingin kay Nanay ng magsalita ito.

"Good morning po, Tita." magalang na bati niya kay Nanay.

"Good morning, kanina ka pa ba nandito?"

"Medyo lang naman po Tita."

"Natulog ka rito sa loob ng sasakyan mo?"

"Opo."

"Delikado rito, ikaw talaga paano kung napaano ka."

"Pasensya na po."

"Kumain ka na ba? Gusto mo mag almusal muna sa loob?"

Tiningnan ako ni Clynt na para bang tinatanong niya ako kung pwede ba siyang pumayag sa alok ni Nanay.

Fortunate MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon