Chapter Twenty

1 1 0
                                    

Kinabukasan. Nagsimula ulit ang araw ko sa pag fa-facilitate sa mga games at mga booth. Ilang beses ko rin naikot ang buong campus dahil sa pinapagawa ng dean namin para sa closing ceremony. Alam kong today ang last game ng volleyball at basketball game before ang championship game next week pero hindi ako makapanood dahil ang dami kong ginagawa, hindi ko nga magawang kumain ng proper meal tamang sandwich lang at sprite ang laman ng tiyan ko.

Nasa gitna ako ng field at nag aayos ng na sirang booth dahil iyong huling gumamit ng wedding booth nagtulakan ata ang mga kasama kaya nasira ang kalahating part ng booth. Bwisit na bwisit ako dahil tirik na tirik ang araw at nandito kami nagbibilad.

"Ano bang ginawa ng mga iyon dito." nagmamaktol kong singhal sa co SC ko.

"Nagharutan sila kanina ate, sorry." nahihiya niyang sagot kasi siya ang bantay sa booth kanina.

"Okay lang." natatawa kong sabi. "Sino bang nasa wedding booth kanina?"

"Hmm iyong taga International school po."

Natigilan naman ako sa sinabi niya, school lang nila Clynt ang international school na participant this year.

"Naka jersey pa nga po siya no'ng nahila siya dito kanina." natatawa niya pang kwento.

"Sino?"

"Hindi po iyong boyfriend mo ate." mabilis niyang paliwanag.

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Boyfriend? Sinong boyfriend?" tanong ko sa kanya.

"Iyong boyfriend mo pong taga international school ate saka captain ng basketball team nila."

"Huh? Si Clynt? Hindi ko siya boyfriend." natatawa kong sagot sa kanya.

"Ate naman, ang sweet niyo po kaya saka ang caring at over protective niya sa 'yo."

"Magkaibigan lang talaga kami." nahihiya kong sagot sa kanya.

"Totoo po ate?"

"Oo."

"Hala ate, alam mo po bang crush ko siya ang gwapo niya kasi tapos ang galing pa mag basketball, sabi rin po na consistent top 1 student daw po siya. Bihira na lang po iyong gano'ng lalaki 'di ba?"

Normal naman na ganyan ang impresyon ng mga tao sa kay Clynt, nasanay na ako. Ngumiti na lang ako at pinag patuloy ang ginagawa ko. Ramdam ko ang pagdaloy ng pawis sa likod ko pati na rin sa mukha ko sobrang init talaga.

Natigil ako sa pagdidikit ng kurtina no'ng biglang bahagyang dumilim sa pwesto ko kaya mabilis akong napatingin sa taas at nagulat ako ng makita ko si Clynt nakatayo siya sa likod ko at hinarang niya sa sikat ng araw sa akin iyong jersey jacket niya.

"Clynt." tawag ko sa kanya.

Isinuot niya sa ulo ko ang jersey jacket niya at pinatayo niya ako sa gilid.

"Stay there." sabi pa niya bago ipagpatuloy ang ginagawa ko.

Hindi na lang ako sumagot at tiningnan na lang siyang gawin ang ginagawa ko. Alam ko kung gaano siya kaarte at ayaw niya ng naiinitan ng ganito.

"Okay ka lang? Mainit." sabi ko sa kanya.

"I'm fine." sagot niya ng hindi ako nililingon.

Mas matangkad siya sa akin kaya sobrang effort ako sa pagtaas ng jacket niya para kahit papaano may silong siya.

"What are you doing?"

"Sige na gawin mo na 'yan ang tangkad mo kaya."

"You don't have to do that."

Fortunate MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon