CHAPTER FIVE

16 1 0
                                    

 BELLE

Napabuntong-hininga ako ng dalawang beses pagkatapos binalik ko sa hawak kong libro ang paningin ko, tinatamad kong binasa ulit ang chapter na kanina ko pa binabasa pero hindi ko parin naiintindihan, hindi ko talaga alam kung bakit ang hirap-hirap intindihin ng topic na 'to sa Marketing subject namin, na fu frustrate na ako!

"Kainis!" inis kong maktol at padabog kong binagsak sa table ang libro.

Hindi ko matapos-tapos ang research paper na ilang oras ko na ginagawa, kung kailan ako nagmamadali dahil due date na ng pasahan bukan saka pa hindi gumagana 'tong utak ko! Bakit ba kasi may mga Prof na wala man lang konsiderasyon, hindi lang naman sila ang subject na meron kami pero pag mag bibigay sila ng mga ganito kailangan kinabukasan na agad ang deadline, ano palagay nila sa utak ng mga estudyante google na always may isasagot?

"Hoy bakla! Ang phone mo paos na kaka-kanta, ano hindi mo ba 'yan sasagutin?" Napalingon ako kay Sieg na nakasilip sa pintuan ng kwarto ko at sa cellphone kong tumutunog. "Tch! Nakapagluto na ako ng dinner kumain ka na lang pagkatapos mo d'yan magbaliw-baliwan." dagdag pa niya bago isara ang pinto.

Kinuha ko ang phone para tingnan kung sino ang tumatawag at awtomatikong tumaas ang kilay ko ng mabasa ko ang pangalan niya sa screen.

"Hey!"

"Anong hey? Bakit?"

"I'm here."

"Here? Where?"

"Outside your apartment."

"Ano! Anong ginagawa mo dito?"

Mabilis akong tumayo at sumilip sa labas ng bintana at nakita ko nga siyang nakatayo sa tabi ng kotse niya! Seryoso ba siya! Gabi na!

"Samahan mo ko sa mall."

"Mall? Ganitong oras? Mr. Flores kung hindi mo po napapansin 7pm na ng gabi saka may ginagawa pa akong research paper."

"I'll help you with that later, come with me first."

"Ayaw ko nga! Maghanap ka ng ibang kasama mo bahala ka d'yan!"

"I hate waiting"

"Ay—"

"One"

Nagsimula na siyang magbilang sa malamig na boses, napanguso ako at pinadyak-padyak ang mga paa, nakakainis talaga! Boses pa lang niya na iimagine ko na ang itsura niya, magkasalubong ang dalawang kilay, parang papatay kung makatingin at kikilabutan ka sa aura niya kahit na hindi siya magsalita tatakbo ka sa takot. Padabog akong tumayo para lumabas dahil wala naman akong choice at ayaw ko na umabot pa sa puntong matatapos siyang magbilang.

"Alam mo bad trip ka! Oo na! Oo na! Palabas na!"

Hindi ko na siya hinintay na sumagot, mabilis ko na lang pinatay ang phone.

"Pambihira talaga." bulong ko at padabog akong tumayo para mag bihis.

Nakanguso kong tiningnan ang mga damit ko, hindi naman 'yon madami pero wala akong maisip na su-suotin papunta sa kung saan mall man kami pupunta.

"Ah! Huwag na nga!" Kinuha ko ang phone at scrunchies ko bago ako lumabas ng kwarto.

"Aalis ka?" gulat na tanong ni Ayseah at Sieg.

"Nandyan si Clynt sa labas nagpapasama." nakasimangot kong sagot sa kanila habang nag iipit ng buhok. "Hi—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla silang impit na tumili at maghampasan.

.

"Si Clynt!" Nag unahan silang tumayo at nag tulakan papunta sa pinto para buksan.

"Jusko Dzai! Ang ganda mo talaga sa part na may ganyan ka gwapong nilalang ang naghihintay sa 'yo palagi." kinikilig na sabi ni Sieg pero nasa labas ang tingin niya.

Fortunate MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon