"ALL YOU need now is complete evidence about this issue. Hindi tayo puwedeng basta basta maglabas ng balita na walang concrete evidence," bilin pa ni Miss Jung.
Napabuntong-hininga si Dette paglabas niya ng pribadong opisina ng Boss niya. Sigurado naman siyang determinado siyang gawin ang assignment niya para makuha niya ang pinapangarap na promotion. Pero habang tumatagal na nananatili siya sa piling ng Seven Degrees ay nakakaramdam siya ng guilt. Alam niyang niloloko niya ang mga ito sa pagpapanggap niya, ngunit wala siyang choice, nasimulan na niya iyon at kailangan niyang tapusin. Biglang pumasok sa isip niya si Jacob, sa kabila ng hindi magandang una nilang pagkikita. Bumibigat ang damdamin niya sa tuwing naaalala ito. Lately, he's been nice to her after he apologized.
"Nice to see you again,"
Biglang napalingon si Dette sa nagsalitang iyon. Pumormal ang mukha niya nang makita si Jessica, ang kasama niya sa trabaho at numero unong ka-kompetensiya niya. Actually, hindi ganon ang tingin niya dito, pero para kay Jessica isang mahigpit na kalaban ang tingin nito sa kanya. Halos kasabayan niyang pumasok ito sa SBN Network. Hindi niya alam ang eksaktong dahilan kung bakit ito galit sa kanya pero sa tuwing binibigyan sila ng assignment ay hindi maaaring hindi nito hinihigitan ang ginagawa niya. Ngunit sa bandang huli, madalas ay siya ang pinupuri ni Miss Jung, isang bagay na labis nitong kinaiinis sa kanya.
"Really? Was it really nice for you to see me?" sarkastikong tanong niya dito.
"Napapaisip ako minsan kung anong klaseng assignment ang binigay sa'yo ni Miss Jung," sabi pa nito sa wikang Koreano.
Napangiti siya sabay iling. "Alam mo naman top secret, di ba? Bakit hindi ang sariling assignment mo ang asikasuhin mo? Kaysa mag-aksaya ka ng panahon sa kakaisip kung paano mo ako tatalunin," sagot niya.
"I will get the promotion no matter what," mariin wika nito.
"May the best girl win," panghahamon pa niya sabay alis.
Nang makalayo siya dito ay saka siya nakahinga ng maluwag. "Laki ng problema ng babaeng 'yon," komento pa niya.
Bago siya pumunta sa dorm ng Seven Degrees, araw-araw siyang dumadaan sa opisina ng News Department ng SBN Network para mag-report kay Miss Jung. Doon din niya iniiwan ang kotse niya at binabalikan na lamang sa gabi pagkatapos ng assignment niya. Hindi niya madala ang kotse niya kapag papasok sa dorm ng grupo. Baka kasi matiyempuhan siya at magtaka ang mga ito kung bakit ang isang gaya niya na "walang trabaho" ay may kotse. Ayaw niyang iyon pa ang maging dahilan para maghinala ang mga ito sa kanya. Ngunit nang gabing iyon ay pinatawag siya ni Miss Jung para na rin alamin ang tungkol sa latest na nasagap niyang impormasyon.
Malapit na siya sa pinaparadahan ng kotse niya nang biglang may humarang sa kanya sabay kabog ng dibdib niya. Ngunit nakahinga siya ng maluwag ng makitang si Lawrence lang pala iyon. Ang Filipino na ka-batch niya sa University at nakasama niya sa Org na sinalihan niya dati. Naging kaibigan niya ito at nang kalaunan ay naging manliligaw. Pero dahil wala pa sa isip niya ang pakikipag-relasyon ay binasted niya ito. Ngunit naging masigasig ito at pinagpatuloy ang panliligaw sa kanya hanggang ngayon.
"Tinakot mo naman ako, Lawrence!" sabi pa niya.
Ngumiti lang sa kanya ito. "Sorry, gusto lang kitang sorpresahin," sabi pa niya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong pa niya.
"Inaabangan ka, imbitahin sana kitang kumain eh," sagot nito.
Napakamot ng ulo si Bernadette. Hangga't maaari ay iniiwasan niya na paunlakan ang bawat imbitasyon nito. Ayaw niya na bigyan ito ng pag-asa sa tuwing pumapayag siya sa bawat imbitasyon nito. Isa pa, hindi na niya nagugustuhan ang pagsunod nito sa kanya sa halos lahat na lang ng pinupuntahan niya. Hindi nga niya alam kung paano nito nalalaman ang mga lakad niya. Ayaw naman niyang isipin na stalker na niya ito.
BINABASA MO ANG
Summer Kiss
RomanceDette is an aspiring news reporter of SBN Network, ang pinakamalaking TV Network sa South Korea. Sa laki ng hirap niya para lang makapasok doon, pinangako niya na gagawin ang lahat matupad lamang ang pangarap niya. Until opportunity knocks at her do...