DAHIL MUKHANG nawili ang Seven Degrees sa luto niya. Kaya nakiusap ang mga ito na magdala siya ng lunch para sa mga ito sa TV station kung saan magpe-perform ang grupo sa isang Music Show.
Pababa pa lang siya ng taxi ng mapansin niya ang maraming fans ang grupo na tila naghihintay sa paglabas ng mga ito. Dala ang mga paper bags na may laman lunch boxes ay agad siyang naglakad papunta sa entrance gate. Ngunit hindi pa man din siya nakakapasok ay bigla na siyang napaupo ng maitulak ng mga nagkakagulong mga fans.
"Aray ko ah!" hiyaw pa niya.
Ngunit parang walang nakikita ang mga ito, ni walang tumulong sa kanya para tumayo. Kapag tatayo na siya ay muli siyang napapaupo dahil sa paggigitgitan ng mga fans.
"Nakakainis na kayo ah!" sigaw na niya.
Mayamaya ay biglang nagtilian ang mga ito. Bago pa niya makita ang dahilan kung bakit naghiyawan ang mga fans ay nagulat na lang siya ng biglang nahawi ang mga tao at naiwan siya sa gitna na nakalupasay sa semento. Natigilan si Bernadette ng makita ang papalapit na si Jacob. Literal na natulala siya dahil para itong aparisyon na niluwa ng pinto ng langit.
He was wearing white pants, a white sleeveless shirt and a white pair of sneakers. Gusto tuloy niyang itanong dito kung si Jacob ba talaga ito o anghel na nagkatawang lupa? Natauhan lang siya ng bigla itong magsalita.
"Are you okay?" tanong pa nito.
"Ha?" tulalang sabi niya.
Bumuntong-hininga ito saka napailing. "Tinatanong ko kung okay ka na? Alam ko pogi ako kaya ka natutulala," sabi pa nito.
Tumaas ang isang sulok ng labi niya pati ang butas ng ilong niya. "Ay ang kapal," pang-aasar na sagot niya.
Nagpapacute na ngumiti ito saka siya inalalayan tumayo. Biglang nawala dito ang atensiyon ng maalala ang dala niyang mga pagkain. "Uy sandali, 'yong pagkain!" sabi niya saka nagmamadali niyang dinampot ang paper bags.
"Tingnan mo ikaw, inuna mo pang isipin 'yan kaysa sa sarili mo. Hindi ka ba nasaktan?" tanong pa nito.
"Hindi naman, bukod sa medyo nabugbog ang puwet ko ayos lang ako," sagot niya.
"Talaga? Gusto mo tingnan ko?" tila seryoso pang tanong nito.
Imbes na mainis ay natawa siya. "Tigilan mo ako ng kabaliwan mo Jacob Wang, kahit nandito mga fans mo babatukan kita!"
Malakas itong natawa pagkatapos ay nag-peace sign sa kanya pagkatapos ay tinulungan siya nitong tumayo. "Just kidding," sagot nito.
Napatingin siya dito ng hawakan nito ang kamay niya saka kinuha mula doon ang hawak niyang mga paper bag.
"Hoy ano ka ba? Ako na!" sabi pa niya saka pilit na binabawi ang mga paper bags na hawak nito.
"Ako na! ang bigat nito eh, halika na! Nagugutom na kaya kami," giit nito.
Napailing na lang si Bernadette. Sa tuwina na lang ay palagi itong sumusulpot sa harap niya ng walang pasabi. Hindi dapat maging mabait si Jacob sa kanya dahil baka mamaya ay tuluyan siyang tamaan ng konsensiya niya at mapurnada pa ang promotion niya.
ANG ORIHINAL na plano ni Bernadette ay aalis agad siya pagkatapos niyang dalhin ang pagkain ng mga ito. Ngunit nakiusap ang mga ito na huwag muna siyang umalis at panoorin niya ang performance ng grupo. Pumayag na rin siya, naisip din niya na baka may makuha siyang impormasyon kapag nagtagal siya doon.
BINABASA MO ANG
Summer Kiss
RomanceDette is an aspiring news reporter of SBN Network, ang pinakamalaking TV Network sa South Korea. Sa laki ng hirap niya para lang makapasok doon, pinangako niya na gagawin ang lahat matupad lamang ang pangarap niya. Until opportunity knocks at her do...