NAPAISIP NG husto si Bernadette. Nang tingnan niya ang Seven Degrees ay wala naman siyang nakikitang bahid ng malapit nang umalis ng grupo si Jacob Wang at ma-disband ang grupo. Sumakay siya sa kotse at saka lihim na sinundan ang service van ng grupo. Kung totoong magdi-disband na ang grupo, bakit panay ang guesting pa rin ng mga ito sa iba't ibang mga tv at radio shows?
Humugot siya ng malalim na hininga. "Ah oo nga pala, nasa gitna pala sila ng promotional period ng bagong album nila. Kaya natural lang na magkakasama pa rin sila. Saka, hindi siyempre nila ipapahalata sa mga fans na mawawala na ang grupo nila," sabi pa niya sa sarili habang nagmamaneho. "Tama, iyon nga!"
Napangiti si Bernadette, iyon na nga yata ang magiging daan para matupad ang pangarap niya. At magpapasalamat pa siya sa Seven Degrees kung ang mga ito ang magiging daan para makuha niya ang posisyon sa para ma-promote siya mula sa pagiging News Researcher bilang isang News Reporter ng SBN Network. Habang nagmamaneho ay bigla niyang naalala ang araw na kinausap siya ng Head ng News Department.
"Miss Untalan, gusto kong malaman mo na isa ka sa candidate para sa posisyon na news reporter, you're actually one of the top contender because of your good performance," sabi ng Head nila na si Miss Sara Jung sa wikang Koreano.
Nanlaki lalo ang mga mata ni Bernadette matapos marinig ang magandang balita na iyon. Parang kailan lang ay isang pangarap lang iyon pero ngayon ay halos abot kamay na niya.
"Really Miss Jung? Oh, kamsahamnida! Jeongmal kamsahamnida!" masayang pasasalamat niya dito.
Ngumiti lang ang maganda niyang Boss pagkatapos ay naupo ito sa swivel chair nito sa likod ng mesa. "Pero hindi pa ito ang panahon para magsaya ka ng husto," sabi pa nito.
"Bakit po?"
"Lahat ng candidates for news reporter ay bibigyan ng tag-iisang news assignment. This will test your sharpness, ang pagiging maparaan ninyo para makakuha ng isang exclusive report. Dapat ay kumpleto ang impormasyon at kumpirmado ang balita, and of course eveidence. Your report must be a top secret and you'll be given a deadline. Kapag relevant ang report mo, we will air it on National Television and the credit of course will be yours," paliwanag nito.
Napangiti si Bernadette, kasunod ng pag-angat ng excitement sa dugo niya. Iyon ang gusto niya sa trabaho niya, palaging may thrill. Sa klase ng trabaho niyang iyon sa media, kailangan ay palaging buo ang loob at hindi puwedeng magpatalo sa emosyon. She was trained that way, kaya nabansagan siyang matapang at walang kinatatakukan.
"Ano? Kaya mo ba?" tanong pa nito.
"Yes Ma'am, kayang kaya ko po ito," puno ng determinasyon niyang sagot.
Malapad na napangiti ang boss niya. "I trust you with this, Bernadette. You are the top contender for the position. So I want you to get it," sabi pa nito.
"I will Ma'am, thank you very much for your trust," sagot niya.
"Okay good, so, I will give you your assignment," anito.
Umayos pa ng upo si Bernadette at nakinig mabuti kay Miss Jung.
"Ayon sa source ko na konektado sa mismong CEO ng kalabang agency ng PhilKor Entertainment, may rumors na may isang miyembro ng sikat na grupong Seven Degrees ang aalis pagkatapos ng Summer. Wala pang nakakaalam ng balita na ito kahit na sino. Only you, me and my source. So I want you to take a look at it. If this rumor is true, I want SBN Network to be the first one to spill out the news in public," sabi pa nito.
Napaisip si Dette, kilala niya ang grupong iyon at talagang sikat na sikat ito hindi lang sa Korea at Pilipinas kung hindi maging sa ibang panig ng mundo. Matapos marinig iyon, ay nakaramdam siya ng kalungkutan. Hindi naman siya die hard fan ng grupo, pero pinapanood niya ang mga ito. Kaya may isang bahagi ng puso niya ang nalungkot.
"Can you do it?" tanong pa ni Miss Jung.
"Yes Ma'am. Pero paano po ako makakakuha ng information tungkol diyan?" tanong din niya.
"That's for you to find out. Dito mate-test ang creativity mo, kung paano ka makakakuha ng information tungkol sa assignment mo," anito.
Napaisip ng malalim si Bernadette. Pinangako niya hanggang sa pinakamaliit na dulo ng buto niya na magiging news reporter siya ng SBN Network. Para matupad iyon kailangan niyang magawa ang assignment na binigay sa kanya. And she will do anything just to get that news.
Pangarap ni Bernadette ang maging isang News Reporter. Pangarap din niyang makarating sa South Korea at doon manirahan. Kaya ang sumatotal ng pangarap niya, ang maging news reporter sa South Korea. Nang makatapos siya sa high school ay agad siyang nag-apply ng scholarship sa lahat ng alam niyang malalaking Unibersidad sa Seoul, South Korea. Ngunit wala pa man din ang resulta mula sa mga inapplayan niya ay agad na dumating ang isang napakagandang oportunidad sa kanya. Nakilala ni Dette ang amo ng Nanay niya na Koreano kung saan nagta-trabaho bilang isang sekretarya. Nalaman niya na may kilala pala itong Korean NGO kung saan nagbibigay ng full scholarship sa mga gaya niya na foreigner na gustong mag-aral sa Korea. Tinulungan siya nitong makapag-apply. Dumaan siya sa halos dalawang mahirap na exam, matapos pag-aralan ang application niya ay pinalad siyang nakapasa at nakuha ang scholarship. Bukod sa tuition fee at naging sagot ng mga ito ang board and lodging, ang food allowance at bukod doon ay may allowance pa talaga siya. Para makatulong kahit paano sa pamilya niya sa Pilipinas, pumasok si Bernadette sa mga part-time jobs habang nag-aaral.
Natawid niya ang ilang taon na pag-aaral at nakapagtapos sa kurso na pinangarap niya. Kung siya ang tatanungin, mas gusto niyang makapasok sa SBN Network at doon maging isang ganap na news reporter. Kaya dito siya pinaka-unang nag-apply. Pakiramdam ni Bernadette ay nakabukas ang pinto ng langit ng gabing magdasal siya at hilingin na matanggap siya sa nasabing tv station. Nagulat na lang siya isang umaga na nakatanggap ng magandang balita mula dito, matapos ang kaliwa't kanan interview at exam ay naging trainee siya ng SBN Network at nakapasok bilang news researcher. Makalipas ang ilang taon, tila unti-unti na niyang makakamit ang pangarap.
Bernadette worked really hard just to be the best employee. Kahit na minsan ay gusto na niyang sumuko, ngunit hindi siya nagpadala doon. She doesn't want to give up her dreams. Ito ang pangarap niya at gagawin niya ang lahat para lang matupad iyon kahit na anong mangyari.
Hininto ni Bernadette ang kotse na minamaneho niya sa di kalayuan pagkatapos ay pinagmasdan ang bawat kilos ng bawat miyembro ng Seven Degrees, habang isa-isang bumababa ang mga ito sa service van papasok sa PhilKor Entertainment.
Bakit kaya aalis si Jacob Wang ng Seven Degrees? Tanong pa niya sa kanyang isipan.
BINABASA MO ANG
Summer Kiss
RomanceDette is an aspiring news reporter of SBN Network, ang pinakamalaking TV Network sa South Korea. Sa laki ng hirap niya para lang makapasok doon, pinangako niya na gagawin ang lahat matupad lamang ang pangarap niya. Until opportunity knocks at her do...