NAPAPIKIT SI Jacob matapos maalala ang nangyari nang nakaraan gabi. Wala naman talaga siyang planong halikan ang babae, pero pagharap niya kasi dito ay napasandal ito sa backrest kaya hindi sinasadya na mahalikan niya ito. Pero ang talagang plano lang niya ay magkunwari lang na hinahalikan ito para lang maitago ang mukha niya sa mga fans humahabol sa kanya. Hindi niya makakalimutan ang naging reaksiyon ng babae kagabi. Tulala ito nang para itong nakakita ng multo pagkatapos ay bigla itong pumalahaw ng iyak. Dahil doon ay wala sa oras na bumaba siya ng sasakyan nito, pasalamat na lang din siya dahil wala na doon ang mga humahabol sa kanya.
Nasa isang restaurant kasi siya kasama ang mga taong kausap niya na kumukunbinsi sa kanya na umalis sa grupo at magkaroon ng solo career. Pagkatapos kumain at makipag-usap ay nagpaalam na siya. Ngunit hindi na niya nagawa iyon dahil paglabas nila ng restaurant ay nagulat na lang siya ng dumugin siya ng mga fans niya. Naging instant bodyguard niya ang mga naka-meeting niya. Nang hindi na ma-control ng mga ito ang dami ng fans ay pinatakbo na siya ng mga ito. Sa layo ng tinakbo niya ay hindi na niya alam kung saan siya napunta.
Akala ni Jacob ay natakasan na niya ang mga ito ngunit nagulat siya ng makitang may iilan pa rin ang nakasunod sa kanya.
Kaya sa sobrang taranta niya ay bigla na lang siyang pumasok sa loob ng isang kotse sa pag-aakala na taxi ang nasakyan niya. Huli na nang malaman niya na private car pala iyon, at ang sign na "taxi" na nakita niya ay ang nasa kabilang side ng kotseng nasakyan niya. Palibhasa kasi ay magkakulay ang dalawang sasakyan kaya nalito siya, bukod pa na natataranta na rin siya ng mga sandaling iyon. Bababa na sana siya pero nakita niyang papalapit na ang mga ito. Ito pa naman ang klase ng mga fans na madalas ay hindi nila alam na nakakapang-harrass na sila. Iyong tipong kapag hindi mo napansin ang isa sa kanila ay magagalit ang mga ito. Kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang makiusap ng husto sa dalaga kahit alam niyang natakot ito sa biglang pagsakay niya. Isa pa, kapag may nakaalam na nakikipag-meeting siya mga opisyal ng kabilang agency at nakilala ang mga kausap niya ay tiyak na magiging malaking balita iyon at maapektuhan ang grupo niya at ang PhilKor.
Okay lang naman sana sa kanya kung dumugin siya ng ganoon. Ang problema lang, hindi siya nagpaalam na lalabas siya dahil siguradong magtatanong ang mga ito kung sino ang kasama niya o kaya naman ay pilit na sasamahan siya ng Manager nila. Hanggang ngayon ay wala pa rin alam ang mga ito tungkol sa offer sa kanya. Nagtatalo kasi ang isip niya, bahagi niyon ay nate-tempt na tanggapin ang offer sa kanya. Sa laki ng ino-offer sa kanya ng kabilang agency at sa ganda ng mga projects na naka-line up para sa kanya. Kahit sino siguro ay magda-dalawang isip na tanggihan iyon. Ngunit ang pumipigil sa kanya ay ang halos anim na taon nilang pinagsamahan ng mga kagrupo niya sa Seven Degrees. Pero minsan, naiisip din niya na gusto niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Bukod doon, nitong mga nakaraan araw ay palagi na siyang nale-late sa schedule niya sa Seven Degrees dahil sa filming ng ibang mga individual shows niya. Tuloy ay nasisira ang schedule ng mga ito. Just thinking about it, he started to feel that he's becoming a big burden to everyone. Pati tuloy ang iba pang kasama niya sa grupo ay napapagalitan, lalo na si Jay dahil ito ang leader nila.
Biglang naputol ang pag-iisip niya ng tumabi sa kanya si Marcus at tinapik siya sa hita. "Ang lalim ng iniisip mo ah," puna nito sa kanya.
"Ha? Hindi naman," tanggi niya.
Lumingon muna ito sa paligid pagkatapos ay bumulong ito. "Anong oras ka na umuwi kagabi ah?"
Bigla siyang pinagpawisan ng malamig. Paano kaya nito nalaman na lumabas siya kagabi? Natatandaan niya na bago siya umalis ay tulog na tulog na ito. Bigla niyang tinakpan ang bibig nito saka sumenyas na huwag itong maingay.
"Hyung, baka may makarinig sa'yo," bulong pa niya.
Pinigil nito ang tawa saka muling tumingin sa paligid. "Ikaw ah, tumatakas ka. Saan ka nagpunta kagabi? Nakipag-date ka naman ng pa-sikreto no?" tanong pa nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Summer Kiss
RomanceDette is an aspiring news reporter of SBN Network, ang pinakamalaking TV Network sa South Korea. Sa laki ng hirap niya para lang makapasok doon, pinangako niya na gagawin ang lahat matupad lamang ang pangarap niya. Until opportunity knocks at her do...