Chapter Seven

400 21 0
                                    

          NAKALABAS na si Dette ng lobby ng apartment building na tinutuluyan ng Seven Degrees ng magulat siya nang harangin siya ni Jacob.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko nasa taas ka?" gulat na tanong niya.

"Wala, I just want to talk to you," sagot nito.

"Tungkol saan?" tanong na naman niya.

"May lakad ka pa ba ngayon? Is it okay if I invite you for some snack?" sa halip ay tanong din nito.

"Hmm, sige," pagpayag niya.

Habang magkasabay silang dalawang naglalakad ay unti-unti siyang nakakaramdam ng pagkailang. Ang alam kasi niya sa Jacob Wang na napapanood niya sa TV ay makulit at madaldal. Pero ngayon ay tahimik ito at walang kahit na anong sinasabi. Nang hindi siya nakatiis ay tumikhim siya at binasag ang katahimikan.

"Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?" tanong pa niya.

Huminto ito sa paglalakad saka humarap sa kanya. "I just want to formally apologize to you," sabi pa nito.

Hindi agad nakakibo si Dette. Buong akala kasi niya ay kaya lang ito nakipagkamay lang ito sa kanya kanina para lang pagbigyan si Jay. Hindi niya inaasahan na seryoso pala ito.

"I'm sorry for what happened. I swear, hindi ko talaga sinasadyang halikan ka. Hindi ko intensiyon na bastusin ka or anything. It's just a mere accident," paliwanag pa nito.

Napabuntong-hininga siya. Mukha naman seryoso ang paghingi nito ng tawad sa kanya. But part of her hates that he's apologizing for kissing her.

"Paano naman naging aksidente 'yon?" kunot-noong tanong niya.

"Ganito kasi 'yon, dapat talaga isasandal lang kita sa backrest tapos.... Ah.... Ano... ah basta! Aksidente lang 'yon. Huwag mo na lang pa-explain please? Kasi sa tuwing iniisip ko nahihiya din talaga ako," sabi pa nito.

Imbes na mainis dahil hindi nito maipaliwanag ng maayos ang nangyari ay natawa na lang siya.

"Ano? Bati na tayo ah?" tanong pa nito.

Ngumiti siya dito. "Oo nga, bati na tayo," sagot niya pagkatapos ay nakipagkamay ulit siya dito.

"Saan ba tayo pupunta? Baka mamaya makita ka na naman ng mga fans mo tapos tumakbo ka na naman," tanong pa niya.

"Diyan lang sa malapit na ice cream shop, saka walang masyadong tao doon," sagot nito.

"Ice Cream shop? Manglilibre ka?" nakangising tanong niya.

"Oo, peace offering lang," sagot niya.

"Yes! Ice cream!" masayang bulalas niya.

Pagdating nila sa ice cream shop ay kokonti nga lang ang tao gaya ng sinabi nito. Matapos nilang umorder ay naupo sila sa isang sulok.

"Ang sarap naman dito! Makabalik nga bukas," puri niya sa kinakain niyang ice cream.

"Glad you like it," sabi pa nito.

"In fairness ah, okay ka rin pala. Akala ko magiging mortal enemy na kita forever eh," aniya.

Natawa ito. "Mabait kaya ako!" pagtatanggol pa nito sa sarili.

"Ikaw kasi eh, baliw ka rin! Sukat akalain mo bigla kang pumasok sa kotse ko at nanghalik ka ng ganun-ganun lang? Paano na lang pala kung naupakan kita? Eh di kinatay na ako ng mga fans mo kung nabahiran ng black eye 'yang guwapong mukha mo?!" walang preno niyang sabi.

Summer KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon