"BERNADETTE, kailangan mo nang magpasa ng report mo as soon as possible, and make sure to get legitimate evidence. Malapit ka ng maunahan ni Jessica," ani Miss Jung sa kanya sa wikang Koreano.
"Miss Jung, I don't think I can't do this anymore," pag-amin niya.
"Bakit naman?"
"I just don't think this is right," sagot niya.
"Ngayon ka pa ba magba-back out? Halos abot-kamay mo na ang hinihintay mo, ano bang nangyayari sa'yo?" nagdududang tanong nito sa kanya.
"I mean, I..."
"Umamin ka nga sa akin, may nagugustuhan ka ba sa kanila?" prangkang tanong nito.
Hindi siya agad nakasagot pa.
"I knew it," anito. "What's happening to you? This is not you. Kahit kailan ay hindi mo inuna ang personal na damdamin mo sa isang bagay. Kung gusto mo talagang maging news reporter, kailangan mong matutunan na tibayan ang loob mo," dagdag pa nito.
"I'm sorry Miss Jung," wika niya.
"Ayaw mo na bang matupad ang pangarap mo?" tanong pa nito.
Natigilan siya pagkatapos ay napabuntong-hininga. Oo nga pala. Naroon siya sa dorm ng Seven Degrees dahil sa trabaho niya. Naroon siya para matupad ang pangarap niya. Ang pangarap na pinaghirapan niyang abutin, iyon ang dapat nilang ilagay sa kanyang isipan.
"I expect to get your report as soon as possible," sabi pa ni Miss Jung, pagkatapos niyon ay nawala na ito sa kabilang linya.
Kaya kanina bago siya pumunta sa dorm ng Seven Degrees ay napilitan siyang gawin ang report na inutos sa kanya. Mabigat ang bawat hakbang ni Bernadette papunta sa bahay ng grupong naging malapit na sa kanya. Ngayon ay mas nilalamon siya ng guilt dahil sa ginagawa niyang panloloko sa mga ito. Kapag nasa loob nga siya ng dorm ng grupo at panay ang tawanan at pagtrato ng mga ito ng mabuti sa kanya ay gusto niyang maiyak at tumakbo palabas. Napatungo siya saka humugot ng malalim na hininga, mayamaya ay nagulat siya nang bigla siyang mabangga sa kung sino.
"Mianhamnida," hinging paumanhin pa niya. Nagulat siya ng bigla siyang hawakan sa magkabilang braso ng nabangga niya, pagtingin niya ay si Jacob pala iyon.
"Jacob?"
Salubong ang kilay nito habang nakatingin sa kanya. "Okay ka lang ba?" sa halip ay tanong nito.
"H-ha? Ah, oo okay lang ako," pagsisinungaling niya.
"Are you sure? Kanina pa kasi kita nakikitang naglalakad, nakatungo ka pero parang ang lalim ng iniisip mo, tingnan mo nga hindi mo napansin na papalapit ako sa'yo. May problema ba?" puna nito sa kanya.
"Wala. May iniisip lang ako pero ayos lang talaga ko," tanggi niya.
"Okay, sabi mo eh," anito.
"Ano nga pala ang ginagawa mo dito sa labas? May schedule ka ba?" tanong pa niya.
"Wala, actually off ko ngayon hanggang bukas kaya naisip ko na mag-a-unwind muna ako," sagot nito.
"Ganon ba? Sige, ingat ka," bilin pa niya saka pinagpatuloy ang paglalakad.
"Hep, sino may sabing ako ang aalis? Kasama kaya kita," sabi pa nito.
"Ha? Ako? Kasama? Bakit hindi ko alam 'yan? Baka mamaya hanapin ako ng mga tao sa dorm n'yo saka ni Miss Jenna, mapagalitan pa ako!" sunod-sunod na tanong niya.
BINABASA MO ANG
Summer Kiss
RomanceDette is an aspiring news reporter of SBN Network, ang pinakamalaking TV Network sa South Korea. Sa laki ng hirap niya para lang makapasok doon, pinangako niya na gagawin ang lahat matupad lamang ang pangarap niya. Until opportunity knocks at her do...