Chapter Three

511 23 0
                                    

PASAKAY NA sa kotse si Dette ng bigla siyang magulat nang biglang may sumigaw sa pangalan niya.

"Bernadette!" sigaw ng isang babae.

Agad siyang lumingon para tingnan kung sino iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang dati niyang schoolmate at kaibigan niya sa Unibersidad doon sa Seoul kung saan siya nagtapos. Maging siya ay biglang napasigaw at saka excited na nagyakap sila.

"Oh my God! Lotlot!" sigaw din niya.

"Bruha kang babae ka! Kumusta ka na?!" masayang tanong nito.

"Eto, medyo busy. Ikaw?"

"Pareho tayo, pero eto medyo problemado," sagot nito.

"Oh bakit naman?" tanong niya.

"Eh kasi kailangan kong maghanap ng housekeeper para sa Seven Degrees eh. Ayaw ni Miss Jenna sa agency kumuha para mas safe daw. Alam mo naman baka mamaya 'yong makuha namin sa agency ay nakawan ang dorm nila o kaya ay spy lang pala. Kaya sa akin nagpapahanap, baka daw may kakilala ako," sagot ni Lotlot.

"Bakit? Hindi ba marunong ng gawain bahay ang mga 'yon?" tanong pa niya.

"Marunong naman, siguro. Pero sa dami ba naman ng schedule nila, syempre pagod na sila pag-uwi ng dorm kaya wala na silang time gumawa ng ibang gawain sa bahay," sabi pa nito.

"Teka lang, ibig sabihin sa PhilKor Entertainment ka nagtatrabaho?" gulat na tanong niya.

"Oo," sagot ulit nito.

"As in? Close ka sa Seven Degrees?"

"Hindi naman masyado pero nakakausap ko sila. Staff kasi ako ni Miss Jenna 'yong team leader nila," sagot nito.

"Ang galing mo naman," natutuwang puri niya dito.

"O sige, so paano? Una na ako sa'yo at uuwi na ako," paalam ni Lotlot.

Bigla siyang natigilan matapos mag-sink in sa kanya lahat ng kinuwento nito, maging ang pag-iisip niya kung paano siya makakalapit sa Seven Degrees para magawa ang assignment niya ay bigla niyang naalala. Parang may bombilyang biglang sumulpot sa taas ng bumbumunan niya.

"Sandali lang Lotlot!" tawag niya agad sa kaibigan.

Bigla itong huminto sa paglalakad at lumingon sa kanya. "Bakit?" tanong nito.

"M-may kilala pala ko na gustong maging housekeeper," sagot niya.

Nanlaki din ang mata nito. "Talaga? Sino?" tanong agad nito.

"Ako!" mabilis niyang sagot sabay taas ng isang kamay niya.

Biglang nagbago ang ekspresiyon nito. "Akala ko naman totoo na 'yong sinasabi mo eh. Lakas din ng trip mo eh," sa halip ay sabi nito.

"Seryoso ako! Ako nga! Ako na lang!" giit niya.

Kumunot ang noo nito. "Bernadette Untalan, utang ng loob hindi ako nakikipagbiruan," sabi nito sabay nilukutan siya ng ilong.

"Mukha ba akong nagbibiro?" ani Dette.

"Actually, isang mukhang malaking joke ang mukha mo," natatawang pang-aasar pa ni Lotlot.

"Salbahe 'to! Ano nga? Ako na nga lang sabi ang ipasok mo eh!"

Tumawa lang ang kaharap niya. "Hindi joke lang," bawi nito.

Summer KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon