Chapter Five

574 20 0
                                    

NAGPAPADYAK si Bernadette at halos iuntog niya ang ulo dahil sa kabaliwan niya. Gusto niyang maiyak dahil sa ginawa niyang kalokohan kanina lang. Hindi niya maintindihan ang pumasok sa isip niya at nagawa niya iyon. Basta ang gusto lang niya ay makaganti dahil sa ginawa nito sa kanya kagabi.

Matapos ang mapangahas na paghalik ni Jacob Wang sa kanya kagabi, ay bigla na lang siyang pumalahaw ng iyak. Bigla itong nataranta at pilit siyang pinapatahan.

"Miss, hindi ko sinasadya!" ani Jacob.

Parang walang narinig si Bernadette at patuloy siya sa pag-iyak. Hindi nito alam ang gagawin nito dahil napapalingon na ang mga taong dumadaan sa labas. Nang akma nitong pupunasan ang luha niya ay bigla siyang sumigaw.

"Huwag mo akong hahawakan! Layuan mo ako! Kapag lumapit ka sa akin sasapakin talaga kita!" malakas na tungayaw niya dito.

"Sorry... sorry na! Hindi ko naman si—"

"Labas! Lumabas ka ng kotse ko!" pagtataboy niya dito.

"I'm sorry. I'm really sorry," ulit pa nito bago tuluyang lumabas.

Nang makaalis na ito ay saka siya lalong pumalahaw ng iyak. "Humanda ka sa akin sa pagkikita natin Jacob Wang! Sisiguraduhin kong mapapahiya ka sa gagawin ko!" banta pa niya.

Muling napabuntong-hininga si Bernadette sabay sandal ng ulo niya sa pader. Sinabi nga niya na gaganti siya at ipapahiya ito, pero hindi sa ganoon paraan. Basta kanina ng makita niya ito ay bigla na lang niya iyong naisip na ibalik dito ang ginawa nito kagabi sa kanya. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Jacob Wang just ruined her dream of having her first kiss.

Kinuha niya ang cellphone at agad na tinawagan ang kaibigan niyang si Mai, pagkatapos ay kinuwento niya dito ang ginawa niyang kalokohan. Imbes na payuhan siya nito ay tinawanan lang siya nito. Kagabi matapos ang pangyayaring iyon ay nagawa pa niyang puntahan si Mai sa meeting place nila. Iyon nga lang, halos mag-iisang oras itong naghintay sa kanya. Nang ikuwento niya ang nangyari, imbes na mag-alala ito sa kanya ay kinilig pa ito ng husto lalo na ng sabihin niya na si Jacob Wang ang humalik sa kanya.

"Oh, ano ka ngayon?" pang-aasar pa nito sabay tawa sa kabilang linya.

"Mai naman eh!"

"Eh sino ba kasi ang nagsabing gawin mo 'yon?"

"Wala! Eh nagdilim nga kasi paningin ko kaya ko ginawa 'yon," katwiran niya.

"Huuu! Nagdilim daw ang paningin, ang sabihin mo nag-enjoy ka lang sa kiss niya kagabi kaya nabitin ka," panunudyo pa nito.

"Yah! Mai Gardose! Tigilan mo na pang-aasar sa akin, naiiyak na nga ako eh," saway niya dito.

Humagalpak ulit ito ng tawa. "Sige na nga," napilitan pagpayag nito.

"Ano na nga ang gagawin ko?" tanong pa niya.

"Wala, deadma! Pangatawanan mo ang ginawa mo. Huwag mong ipapahalata na nabigla ka lang din sa ginawa mo," sagot nito.

"Tingin mo kaya ko 'yon?" tanong pa niya.

"Naman! Nahalikan mo nga siya ng ganun ganun lang eh," sagot pa nito.

Napabuntong hininga ulit siya. "Sige, fighting!" aniya.

Nang matapos makipag-usap sa kaibigan niya ay nag-ipon muna siya ng lakas-loob bago bumalik sa loob ng dorm ng Seven Degrees. Pagpasok niya ay biglang natahimik ang mga ito pati si Miss Jenna at lahat ay napalingon sa kanya.

Summer KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon