"BYE BERNADETTE," paalam sa kanya ng mga kasamahan niya sa trabaho.
Ngumiti siya sa mga ito saka kumaway at bahagyang yumukod. "Bye," sagot niya.
Paglabas niya ng gusaling pinagtatrabahuhan ay napahinto siya ng salubungin siya ng mataas na sikat ng araw. Sinuot niya ang shades saka pinagpayan ang sarili ng isang kamay niya. "Hapon na pero napaka-init pa rin," sabi pa niya.
Pasakay na siya sa kotse ng mag-ring ang cellphone niya. "Nasaan ka na?" tanong pa ni Mai nang sagutin niya ang tawag nito.
"Nasa kotse na, paalis na," sagot niya.
"Infairness, ang tagal mo. Bilisan mo kaya," sabi pa nito.
"Sorry naman, kaka-out ko pa lang ng trabaho eh," aniya.
"O siya bilis, nagugutom na ako," ani Mai.
"Manglilibre ka ba?" biro pa niya dito.
"Oo na kaya bilisan mo dahil baka magbago ang isip ko," sagot nito.
Natawa siya. Kahit kailan talaga ay napaka-generous ng kaibigan niyang ito.
"Yes! Eommoni!" natatawang biro niya dito. Sa kanilang dalawa kasi ay ito ang madalas manlibre, kaya kapag sinasabi nito na ililibre siya ay tinatawag niya itong Eommoni o Mommy.
"Tse!" natatawa din na sagot nito.
Pagkatapos nilang mag-usap ay agad siyang sumakay sa loob ng kotse niya. Dahil maaga pa at halos walang traffic kaya wala pang fifteen minutes ay nakarating na siya sa restaurant na meeting place nilang dalawa ni Mai.
"Ow yes! Mabuti naman dumating ka na dahil kanina ko pa talaga gustong umorder no'n," sabi ni Mai sabay turo ng kinakain ng dalawang babae sa kabilang mesa.
"Oh bilis order na!" aniya.
Makalipas lang ang ilang sandali ay dumating na ang order nilang Patbingsu. Ito ay isang klase ng dessert na sikat doon sa Korea. It's a Korean shaved ice dessert, may halo itong condense milk, fruit syrup, read bean paste o kaya naman ay chopped fruits. Strawberry Patbingsu ang inorder ni Bernadette habang si Mai naman ay Mango Patbingsu. Pagsubo niya ng malamig na pagkain sa harap niya ay napapikit si Bernadette.
"Ang sarap," puri niya sa kinakain, pakiramdam niya ay naibsan kahit konti ang init ng panahon.
"Ito talaga ang paborito kong kinakain kapag summer eh," sabi pa ni Mai.
"Hay, nakakaiyak sa sarap!" sabi naman niya.
Mayamaya ay napatingin siya sa magkasintahan na nasa kabilang mesa. Nakita niyang pinunasan ng lalaki ang gilid ng labi ng babae pagkatapos ay ngumiti ito dito. Biglang nawala ang ngiti ni Bernadette matapos maalala ang isang kaparehong eksena na iyon. Sa isang iglap ay bumalik ang pangungulila niya sa taong naging malaking bahagi ng buhay niya. Napapikit siya saka binalik ang tingin sa kinakain.
"Girl, bakit bigla kang nalungkot? Anong nangyari sa'yo?" tanong pa ni Mai.
"Ha? Wala," tanggi niya saka tumingin dito at pilit na ngumiti. Paglingon nito at nakita ang magkasintahan ay napabuntong-hininga si Mai.
"Naalala mo na naman siya?"
Bumuntong-hininga din siya saka marahan tumango. Hinawakan ni Mai ang kamay niya saka ngumiti.
"It's okay friend. Kung hindi man siya ang nakalaan para sa'yo, balang-araw mahahanap mo rin ang ibang tunay na magmamahal sa'yo," sabi pa niya.
BINABASA MO ANG
Summer Kiss
RomanceDette is an aspiring news reporter of SBN Network, ang pinakamalaking TV Network sa South Korea. Sa laki ng hirap niya para lang makapasok doon, pinangako niya na gagawin ang lahat matupad lamang ang pangarap niya. Until opportunity knocks at her do...