MULA SA PhilKor Entertainment ay dumiretso si Bernadette sa dorm. Pagpasok niya sa loob ng bahay ay may naabutan siyang isa pang babae na nakaupo sa sofa. Agad itong ngumiti sa kanya, tumayo at yumukod. Sa unang tingin pa lang ay alam na niyang Filipina ito.
"Annyeong haseyo," bati pa nito.
Tumugon siya saka bahagyang yumukod din. "Annyeong haseyo," bati rin niya.
Mayamaya ay lumabas si Jay galing sa kuwarto nito dala ang isang tila kulungan. "Oh, nandito ka pala," sabi pa nito.
"May sasabihin lang sana ako kay Jacob eh," aniya.
"Oh si Jacob, nasa kuwarto yata niya," ani Jay.
"Puwede ko bang puntahan?" tanong pa niya.
"Sure," pagpayag nito. "Oh by the way, I would like you to meet Angelie, my girlfriend. Angelie, she's Bernadette. Siya 'yong kinukuwento ko sa'yo na masarap magluto. Makulit din 'yan, kaya nga magaan ang loob namin sa kanya," nakangiting pagpapakilala sa kanila ni Jay.
Inabot nito sa kanya ang isang kamay. "Nice to meet you," anito.
Lalong nilamon si Bernadette ng konsensiya niya. "Nice to meet you too," sagot niya.
Bigla silang napalingon ng mula sa dala ni Jay ay may maliit na tinig ang kumahol. Napapitlag si Angelie.
"What's that? A puppy?" gulat na tanong pa nito.
Humarap si Jay dito saka binuksan ang dala nito, pagkatapos ay mula sa loob ay nilabas nito ang isang cute na tuta na kulay brown at puti ang makapala na balahibo.
"Wow!" masayang bulalas ni Angelie saka agad na kinarga ang tuta.
"Is it a boy?" tanong pa nito.
"Yes, I bought that for you. Para kapag wala ako, may magbabantay pa rin sa'yo. Para walang umaligid na ibang lalaki," sabi pa ni Jay.
"He's so cute," sabi pa ni Angelie sabay baling sa nobyo. "Thank you," wika nito.
Isang magandang ngiti ang sinagot ni Jay kay Angelie. Biglang napaiwas ng tingin si Bernadette ng halikan ni Jay ang nobya sa labi.
"Anong ipapangalan mo sa kanya?" tanong pa ni Jay dito.
"Ah, let me see... Maxi? Yes, I will call him Maxi," sagot ni Angelie.
"Sounds good," ani Jay.
Nakaramdam ng inggit si Bernadette sa dalawa. Unang tingin pa lang ay mahal na mahal ng dalawa ang isa't isa at tila kay saya ng mga ito. Kung sana'y maaari din siyang maging masaya ng ganon kadali. Iyong hindi na niya kailangan pang masaktan at may masaktan. Papasok pa lang siya sa kuwarto ni Jacob ay nagpaalam na si Angelie sa kanya kasama si Jay.
Nang maiwan siya ay kumatok muna siya sa kuwarto ni Jacob bago buksan ang pinto. Ngunit pagbukas niya ay wala naman doon sa loob ang binata. Isasara na sana niya ang pinto ng matigilan siya at mapansin ang isang papel na nasa sahig. Nilapitan niya iyon at saka dinampot, ilalapag na lang niya iyon sa ibabaw ng kama ng mapanisin ang nakasulat sa bandang taas ng papel.
Natigilan si Angelie. "Kontrata 'to ng kabilang agency," tulalang wika niya.
"Anong kabilang agency?"
Napapitlag si Bernadette sa gulat sa biglang nagsalitang iyon sabay lingon dito at nakita si Jay na nakatayo sa may pintuan. Dahil doon ay nabitiwan niya ang bag na hawak, hindi niya namalayan na hindi pala nakasarado iyon kaya kumalat ang gamit niya sa sahig. Dadamputin na lang sana niya ang mga iyon ng biglang agawin ni Jay ang hawak niyang papel.
BINABASA MO ANG
Summer Kiss
RomanceDette is an aspiring news reporter of SBN Network, ang pinakamalaking TV Network sa South Korea. Sa laki ng hirap niya para lang makapasok doon, pinangako niya na gagawin ang lahat matupad lamang ang pangarap niya. Until opportunity knocks at her do...