Chapter Six

434 23 1
                                    

HABANG NAGLULUTO si Bernadette ay palihim niyang inoobserbahan ang bawat kilos ng lahat ng miyembro ng Seven Degrees. Sa ngayon, wala pa naman siyang napapansin na kakaiba sa mga ito. Hindi pa siya nakakakita ng senyales sa napipintong paghihiwalay ng mga ito o ang pag-alis ni Jacob sa grupo.

Hindi kaya ja-fake ang information na nakuha ni Miss Jung? Baka mamaya hindi naman pala Seven Degrees ang magdi-disband, sabi pa niya sa sarili.

Hanggang biglang tumaas ang antenna niya sa ulo ng tawagin ni Jay ang lahat ng miyembro nito. Pasimple siyang nakinig sa usapan ng mga ito.

"Pagkatapos ng promotions ng album natin. Mag-e-expired na ang kontrata natin sa PhilKor Entertainment. Lahat naman tayo magre-renew hindi ba?" tanong pa ni Jay sa mga kasama.

"Of course," mabilis na sagot ni JR.

"I don't have plans leaving this group," wika naman ni Marcus.

"Ikaw Jacob?" tanong ni Jay dito.

Napansin niya na hindi agad ito nakasagot. "H-ha? Ah, oo naman," sagot nito.

Napakunot-noo siya dahil parang hindi sigurado si Jacob sa sagot nito pagkatapos niyon ay tila naging balisa ito. Bakit ganon ang reaksiyon niya? Siguro totoong gusto na niyang umalis sa grupo? Tanong pa niya sa sarili.

Biglang naputol ang iniisip niya ng sumulpot si Marcus sa kusina. "Wow, ano 'yang niluluto mo? Ang bango ah," tanong pa nito saka binuksan ang kaldero na pinaglulutuan niya ng beef caldereta.

"Filipino food ang naisip kong iluto, para naman maiba ang kinakain n'yo," sabi pa niya.

"You're the best!" masayang puri sa kanya ni Marcus saka sila nag-high five nito.

Mayamaya ay nakiusisa na rin ang dalawang bunso ng grupo. Pagkatapos ay nagmamadaling sinet ng mga ito ang mesa. Nang matapos niyang iluto ang ulam ay tinawag niya ang mga ito.

"Mga bagets! Kakain na ka—"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil paglabas niya ng kusina ay nakita na niyang nakaupo ang mga ito sa harap ng mesa at naghihintay na ng pagkain. Napangiti siya at napailing ng ngumisi pa sa kanya si Brian.

"Noona! Kain na tayo!" wika ni Yuan na tila batang nagugutom saka ito ngumiti sa kanya na parang nagpapacute.

"Aigoo, para naman naawa ako sa inyo. Pinapakain ba kayo ng PhilKor? Parang sabik na sabik kayo sa pagkain," sabi pa niya saka nilagay ang mismong kaldero sa gitna ng mesa pagkatapos ay nilagyan niya ng ulam ang tig-iisang bowl at binigay iyon sa mga ito.

Bigla siyang natigilan ng ang bowl na ni Jacob ang lalagyan niya ng ulam.

"Oh bakit? Hindi mo ako paglalagay?" tanong pa nito.

"Ikaw na, malaki ka na," pasimple niyang pagsusuplada niya dito.

"Mas malaki pa sila sa akin ah? Bakit sila pinaglagay mo?" protesta pa nito.

Hindi siya sumagot sa halip ay nilukutan lang niya ito ng ilong at akmang tatalikod.

"Sandali wala munang kakain," kapagkuwan ay sabi ni Jay.

Bigla siyang napalingon at nakita niya na isusubo na lang ng iba ang pagkain sa kutsara ng mga ito ay nabitin pa. Pagkatapos ay tumingin sa kanya si Jay at ngumiti.

"Is it okay if you join us?" tanong pa nito.

"H-ha? Ako?" gulat na tanong pa niya.

"Yes, have a seat please," magalang na sagot nito.

Kinuha siya ni Yuan ng sarili niyang rice bowls, at bowl para sa ulam, chopsticks at kutsara.

"Thank you," pasasalamat niya.

"Before we eat, is it okay if you two make up with each other?" tanong pa ni Jay.

Kapwa sila natigilan ni Jacob saka napatingin sa isa't isa.

"Hyung," maktol ni Jacob.

"Hindi tayo kakain hangga't hindi kayo nagbabati. Hindi magandang tingnan na nasa isang bahay tayo pero nagbabangayan kayo. Pagkatapos n'yong halikan ang isa't isa mag-aaway kayo," sabi pa nito.

Bigla siyang napaiwas ng tingin sabay kamot sa batok, pakiramdam ni Bernadette ay nagkulay makopa ang mukha niya.

"Eh..." usal niya saka inambaan ng suntok si Jacob. "Ikaw kasi eh!" paninisi pa niya.

"Anong ako? Ikaw kaya!" sagot nito.

"Kung ano man ang problema n'yo, pag-usapan n'yo 'yan mamaya. Sa ngayon, magbati na kayo. Walang kakain o tatayo sa mesang ito hangga't hindi kayo nagbabati," mahigpit na sabi ni Jay.

Napabuntong-hininga si Bernadette. Kung siya ang tatanungin, pumuti man ang uwak ay hindi talaga siya makikipagbati sa Jacob Wang na ito. Pero mukhang wala siyang choice ngayon. Sabagay, kailangan niyang magpakabait at maging close dito para makakuha siya ng impormasyon.

"Ay Ppali! Magbati na kayo, nagugutom na kami!" protesta ni JR.

"O sige na sige na," napilitan niyang sagot saka inabot nilahad ang kamay sa harap ni Jacob.

"Jacob," ani Jay nang hindi pa nito inaabot ang kamay sa kanya.

Bumuntong-hininga ito saka tinanggap ang pakikipagkamay niya. Napatingin si Bernadette sa kamay nilang magkahugpong ng maramdaman niya ang mainit na tila maliit na boltahe ng kuryente na tumulay sa kanyang kamay. Hindi lang niya sigurado kung naramdaman din nito iyon. Matapos iyon ay pasimple niyang binawi ang kamay mula dito kasunod ng mumunting kaba na umahon sa dibdib niya.

"Yes! Bati na sila!" sabi pa ni JR sabay baling kay Jay. "Hyung, puwede nang kumain?"

"Sige, let's eat," sagot nito.

Muling napailing si Dette at napangiti habang pinapanood kumain ang mga ito. Parang isang linggo kasi itong hindi pinakain at sunod-sunod ang subo ng pagkain.

"Noona! The best ka!" puri sa kanya ni Yohann.

"Kawawang mga bata," komento niya. Bigla siyang natigilan ng mapatingin kay Jacob. Naramdaman niya ang pagsikdo ng puso ng ngumiti ito habang kumakain. Para hindi naman nakakahiya ay ngumiti din siya dito bago sumubo ng pagkain. Ngayon pa lang ay parang tinatamaan na ng konsensiya si Bernadette. Mukhang mababait naman ang mga ito, pero kailangan niyang unahin ang trabaho at promotion niya bago ang konsensiya niya. 



Summer KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon