PARANG BOMBA na sumabog sa pandinig niya ang narinig mula kay Jacob. Napahinto si Bernadette sa paglalakad kasabay ng pag-agos ng luha niya habang nagsimulang bumilis ang pintig ng puso niya. Humarap siya dito at saka umiling.
"Hindi mo dapat ako magustuhan, Jacob," sabi pa niya.
"Bakit?"
"Wala ka pang masyadong alam tungkol sa akin. Hindi mo pa ako lubusan kilala," sagot niya.
Lumapit ito sa kanya saka ginagap ang magkabilang pisngi niya. "Kung ganon, hayaan mo akong kilalanin ka. Pero kahit sino ka pa, wala akong pakialam," sagot nito.
Hinawakan niya ito sa magkabilang braso nito saka patuloy na umiling.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Jacob," wika niya.
"Bernadette, ipaliwanag mo sa akin. Hindi kita maintindihan. Alam ko, nararamdaman ko na gusto mo rin ako. Pero bakit tinataboy mo ako palayo?" tanong pa nito.
Dahil siguradong magagalit ka sa akin kapag nalaman mo ang lahat, sabi pa niya sa sarili. Ngunit hindi na niya kailangan pang isatinig iyon, ang tanging alam niya ay kailangan niyang tiisin ang nararamdaman para kay Jacob. Makalipas pa ang ilang sandali ay niyakap siya nito. Hindi na nag-protesta pa si Bernadette, sa halip ay gumanti siya ng yakap dito. Kahit man lang sa yakap niya, maiparamdam niya kay Jacob na gusto rin niya ito. Pagkatapos iyon ay marahan niya itong tinulak palayo at saka iniwan ito at bumalik sa silid nila.
Pagkatapos niyon ay umiyak siya ng umiyak. Bakit kailangan mahulog ang loob niya dito? Bakit sa dinami-dami ng puwede niyang mahalin? Bakit si Jacob Wang pa? Oo, mahal niya ang binata. Ang lalaki na sa huli ay alam niyang kamumuhian siya. Gustuhin man niyang aminin dito ang totoo tungkol sa kanya ay hindi niya magawa. Kailangan niyang ikonsidera ang trabaho niya, pero kapag tinuloy naman niya iyon ay tiyak na magugulo ang buhay at career ng Seven Degrees lalo na si Jacob. Magagalit ito sa kanya at tuluyan mawawala sa buhay niya. Isang bagay na kung iisipin pa lang niya ay tila hindi na niya kakayanin pa.
Napalingon siya sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Jacob. Tumalikod siya dito at tumanaw sa bintana.
"Bernadette, let's talk," sabi pa nito.
"Wala naman tayong pag-uusapan eh," sagot niya.
Lumapit ito sa kanya at saka pinihit siya paharap nito. Pagkatapos ay tiningnan siya nito na tila ba kinakabisado ang bawat parte ng mukha niya.
"You're right. We don't have anything to talk about, gagawin ko na lang para malaman mo na totoo ang nararamdaman ko para sa'yo," sabi pa nito.
Bago pa niya mahulaan ang susunod na mangyayari ay bigla siya nitong hinapit sa beywang palapit dito at saka sinakop ang mga labi niya. Dahil sa pagkabigla ay hindi siya agad nakahuma, ngunit ng matauhan ay sinubukan niya itong itulak palayo. Ngunit hindi siya nagwagi sa lakas ng matipunong mga bisig nitong nakapulupot sa beywang niya. Hanggang sa tuluyan na siyang madala ng bawat galaw ng mga labi nito. Natagpuan na lang niya ang sarili na gumaganti ng halik dito at tuluyan yumapos sa batok ni Jacob.
Kahit ngayon lang. Kahit minsan lang, gusto kong maramdaman niya na mahal ko siya, wika niya sa sarili. Bahala na kung saan siya dadalhin ng tagpong iyon. Ang iisipin muna niya ay ang kasalukuyan, she wants to be happy with him without thinking anything. Just for a while.
HINDI ALAM ni Bernadette kung anong tawag sa kanilang dalawa ni Jacob. Pero hindi naman siguro mahalaga kung anong tawag sa estado ng relasyon nila, basta ang alam niya, mahal niya si Jacob Wang. Napalingon siya ng iabot nito sa kanya ang isang paper bag.
BINABASA MO ANG
Summer Kiss
RomanceDette is an aspiring news reporter of SBN Network, ang pinakamalaking TV Network sa South Korea. Sa laki ng hirap niya para lang makapasok doon, pinangako niya na gagawin ang lahat matupad lamang ang pangarap niya. Until opportunity knocks at her do...