PROLOGUE

1.1K 77 8
                                    

PROLOGUE

"BATA pa lang siya, nakikita na niya ang lalaking 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Iyan rin ang dahilan kung bakit lagi siyang dinadala ng dati niyang magulang rito."

"Hindi kaya masyado lang siyang naapektuhan ng---"

"It's about her and that mysterious guy who never really exists!"

"Well, let me tell you about this, doc. Admiring a man is a natural feeling for a fourteen-year old girl like her!"

"Kumalma kayo, okay?" narinig kong pagpapakalma ng doktora sa babaeng kaharap niya at agad akong sinulyapan. Mabilis lang iyon dahil hindi niya ako kayang titigan.

"Ma'am, hindi normal ang anak mo.  Alalahanin mong pumatay na siya," mahina niyang bulong pero rinig ko naman. Nakuyom ko ang aking mga kamay at kumapit na lamang sa laylayan ng suot kong bestida. Ang isang kamay ko ay naglakbay patungo sa bulsa at kinapa-kapa ang isang pamilyar na bagay. Lihim akong napangisi kahit wala namang nakakatawa.

"So you're telling me that she's crazy? That my daughter is crazy?"

"Ma'am, we all know that she's not your real daughter," giit ng doktora. Napakunot-noo ako. Natahimik si Mama at alinlangang napatingin sa akin. Naiiyak siya na ewan. Mayamaya'y napatayo siya at kinuha na ang kanyang handbag. Agad niya akong hinila palabas ng opisina.

"Aalis na lang kami," sambit ni Mama. Hinabol kami ng doktora hanggang sa labas.

"Ma'am, hindi pa tayo tapos!" pahabol ng doktora na ayaw kaming tigilan. Halos kaladkarin na ako ni Mama sa napakahabang pasilyo nitong ospital. Ramdam ko ang inis niya. Hindi ko alam kung sa akin o sa doktora na kinausap niya kanina.

"Ma'am!" Napuno na si Mama at tumigil kami sa paglalakad nang mabilis. Hinarap niya ang  doktora. Dinuro-duro niya ito.

"Tapos na, okay? Hindi na kami babalik rito ng anak ko! And one more thing, my daughter is not crazy. Always remember that!" sigaw ni Mama at pinanlisikan siya ng mga mata. Akma na sana kaming tatalikod nang sumigaw rin ang doktora.

"Hell, yeah! Your adopted daughter isn't insane but totally a psychopath! Ito ang tandaan mo, Ma'am Jobhel Pellosis. Hindi na ako magtataka kung ikaw naman ang  patayin niyan sa mga darating na araw. This is a warning. Stay away from that girl."

Hindi na ako nakapagpigil pa at bumitaw sa pagkakahawak ni Mama. Nilapitan ko ang doktora habang may ngiti sa mga labi. Binasa ko ang pangalan niya sa nameplate ng kanyang suot na white coat.

"Doc. Bianca Renomeron, right?" tanong ko habang nakangisi. Nasa harapan na niya ako ngayon kaya napaatras siya at namutla. Ngunit kahit papaano ay pinakita ko pa rin ang maamo kong pagmumukha.

"Can I get a hug?" sambit ko sa malambing na boses. Napaawang ang bibig niya at napatingin kay Mama. Nanginginig na siya.

"See? She's a sweet girl. Not a psycho, you fool!" Nag-cross arm na si Mama. Nakita ko ang paglunok-laway niya bago lumuhod at yakapin ako. Napangiti ako. Niyakap ako ng doktor ko. Isa ito sa mga pangarap ko.

"I'm sorry, Dorothea," wika niya kaya napangisi ako muli.

"You should." Alam kong sa puntong iyon ay napawi na ang ngiti sa kanyang mga labi. Agad kong itinarak sa leeg niya ang scalpel knife na ninakaw ko pa sa isa sa mga kwarto rito sa ospital kanina. Akalain mong para sa kanya pala ito. Ramdam ko ang kanyang pangingisay at mayamaya'y narinig ko na ang tili ni Mama.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa doktora na ngayo'y nakahandusay na sa sahig at naliligo na sa sariling dugo. Kulay pula na ngayon ang suot niyang kulay puting coat. Nabitawan ko ang scalpel.

"Dorothea, oh my God!"

"Doc!"

Nakarinig ako ng mga sigawan at emergency alarm. Sa isang iglap ay hinatak na ako ni Mama palayo habang umiiyak.

Muli kong nilingon ang doktora na dinudumog na ng kanyang mga nurse. Napatitig ako sa aking mga palad na may bahid ng dugo. Darating kaya ulit siya? Magpapakita kaya ulit siya sa akin?

Marami pa akong gustong ikwento sa kanya. Hindi ko mapigilang mapangiti habang tumatakbo kasama si Mama.

***

Dorothea | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon