CHAPTER 1It started from my Mom's funeral. The biological one.
Napangiti ako habang nagsusulat sa diary.
He showed up to me when he saw me crying. He handed me a white handkerchief and I still keep it in my treasure box for reasons that I want to see him almost every day. But how? When he only shows up if I killed someone?
Umihip ang malakas na hangin kaya natigil ako sa pagsusulat at isinara na ang notebook. Inayos ko ang nagulo kong buhok. Isinilid ko na ang ballpen sa bulsa ng aking bag. Ngunit nagulat ako nang may umagaw sa hawak kong kwaderno. They are none other than, the bullies of Belmack University. Dapat hindi na ako magulat sa tuwing ako ang tinatarget nila pero iba ito ngayon. Hawak nila ang notebook ko at baka buklatin o basahin pa nila ang laman.
Kumabog ang dibdib ko at pilit itong inagaw mula sa kanila. Pinagpasa-pasahan lang nila ito. Sa totoo lang ay hindi ko sila mga kilala. Nagtataka nga ako kung bakit nila nalaman ang buo kong pangalan at ngayon, ako naman ang lagi nilang pinagdidiskitahan? Sinamaan ko sila ng tingin. Lima silang lahat ngayon na nasa harapan ko. Dalawang jejemon na lalaki at tatlong babae. Napakagat-labi na lamang ako dahil ayokong madawit sa gulo. Kaso sinusubok talaga nila ang pasensya ko.
"Give it back to me!" sigaw ko habang pinagpasa-pasahan naman nila ang halos magusot ko nang notebook.
"Pilitin mo muna kami," nang-aasar na sambit ng isang babae na halos mala-Harley Quinn ang galawan at hitsura. Ngumunguya pa ito ng bubble gum at may bitbit na bat.
"I said, give it back to me!" pag-uulit ko pa. Nakakainis na.
Narinig ko sila na nagtawanan. Hanggang sa ang tawanan na iyon ay masapawan ng nakabibinging busina ng sasakyan at pagpito.
"Give it back to her!" sigaw ng boses ng babae mula sa kadarating pa lamang na kotse kaya halos mapaigtad ang limang ponyawi sa harapan ko. Binato sa akin ng isang lalaki ang notebook at nagtakbuhan na sila papalayo.
"May araw ka rin sa 'min, Dorothea!"
Pinagmasdan ko na lamang sila habang papalayo pagkuwa'y napabuntong-hininga. Napalingon ako nang may pumito muli sa likuran ko. Nakita ko siya. Nakasuot ng cowboy hat at nakadungaw na sa bintana. Napangiti ako. It's her again.
Sinenyasan niya akong sumakay na ng kotse kaya inilagay ko na muna sa loob ng bag ang notebook bago magtatakbo palapit sa sasakyan niya. Nakahinga ako nang maluwag matapos kong ma-ilock ang pintuan ng kotse.
"Thanks for saving the day, Louiela." Napangiti ako, tumingin sa labas at pinagmasdan ang ibang mga estudyante. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagsilay ng isang malapad na ngisi bago siya nagsindi ng tobacco.
"I'm curious when will you call me your own mom?" aniya at pinaandar na ang makina ng kotse. Napatingin ako sa kanya nang magsimula na siyang magmaneho paalis ng Belmack. Umawang ang bibig ko at naghagilap ng sasabihin.
"You know that I will never do that. It's better that we'll remain a not-so-close kind of mother-to-daughter relationship," giit ko at bumuntong-hininga. Itinuon ko na lamang ang tingin sa kabukiran na aming dinaraanan. We're so close to Belmack ricemill. The great scenery of this town.
"Tropa-tropa lang, ganon? Just because I adopted you? Is that what you mean, Dorothea?" Napailing ako sa sinabi niya.
"Listen, Louiela. I don't want everyone to judge you just because you have me." I just want the best for her.
"I am familiar with every detail of you, Dorothea. Sinabi ko naman sa 'yo noon pa na tanggap kita at ang nakaraan mo. And I just want you to feel that I can be your real mother despite of what happened to your past," she insisted. Well, she didn't understand what I wanted to say. Naihilamos ko na lamang ang palad sa mukha ko.
"Louiela, I killed many people and you're still treating me as a one of a kind. I am not a human. I'm a demon," I almost whispered that made her stop the car from driving. Hindi ko alam kung narinig ba niya ang sinabi ko o dahil sa pusang itim na muntik na niyang masagasaan. Narinig ko siyang napamura.
"Dorothea, whatever you say, ako na ang guardian mo ngayon. And you have nothing to do with that. That's period!" bulalas niya at saka nagpatuloy na sa pagmaneho. Hindi ko na lang pinansin ang kanyang sinabi dahil napako ang tingin ko sa pusang itim na nakatitig rin pala sa akin. Sunod pa rin ang tingin nito sa amin kahit sobrang layo na nang namaneho ni Louiela palayo sa kanya.
There's something about that black cat.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang hindi kalakihang ancestral home malapit rito sa farm. Huni ng mga kambing at tupa ang sumalubong sa pagbaba pa lamang namin ng kotse.
Pinasadahan ko ng tingin ang pormahan ni Louiela at hindi ko mapigilang mapamangha. Sa edad na tatlumpu, hindi mo mapaghahalataang biyuda na at may isang biological lang na anak. Tapos idagdag pa ako bilang ampon. Nakasuot siya ng denim jacket, cowboy boots, cowboy hat, may hithit na sigarilyo at fitted na pantalon. Napaiwas ako ng tingin. Ayoko talagang mapalapit sa pamilya niya. Ayokong mangyari ang kinatatakutan ko.
"Dorothea? Let's get inside." Hinatak na niya ako papasok sa tarangkahan na gawa sa matibay na kahoy. Sakto namang kakalabas lang ni Jinela, ang tunay niyang anak. Mukhang may pupuntahan ito.
Bumungad ang malapad niyang ngiti sa amin. Nakasuot siya ngayon ng black shirt na pinaibabawan ng black coat, binagayan ng suot niyang brown boots at bonnet.
"Saan na naman ang punta mo?" tanong ni Louiela na hindi na nasanay sa pagiging gala ng kanyang anak.
"On my friend's funeral. And I really need a companion, Mom. Can I take Dorothea with me?" Agad niyang iniangkla ang braso niya sa braso ko kaya hindi na ako nakapalag pa. Napangiwi ang kanyang ina.
"Just promise you'll come home on time. At 7 pm," maotoridad na sambit ni Louiela.
"Eight?" nakangusong saad ni Jinela at hindi pa rin ako binibitawan. Ito ang gusto ko sa mag-inang tulad nila, they're treating me like I am really a part of their family. Napabuntong-hininga si Louiela.
"Okay, use my car. Remember, Jinela. I have my eyes on you," aniya pa at hinagis kay Jinela ang susi ng kotse saka sumulyap sa akin. Ibig sabihin, kailangan ko itong bantayan oras-oras.
"Thanks! Let's go!"
Hinatak muli ako palabas. This time, si Jinela naman ang kasama ko. Ang walang kapagurang biyahe na naman ata ang magiging dahilan ng pagka-drain ng energy ko.
***
BINABASA MO ANG
Dorothea | COMPLETED
Mystery / ThrillerWARNING: INSPIRED BY THE RIDDLE. Read the disclaimer. Dorothea met this strange guy at her own mother's funeral. She thought that this stranger is amazing - her ideal man - However, she never asked for his name or number and afterwards could not fi...