CHAPTER 5
"GOOD BYE, Doris," I whispered and pluck a single white flower in Louiela's garden, put it on her small grave and smiled.
"Thank you for owing your life to me. I will never forget you," sambit ko pa at napatitig sa papalubog nang araw. Bumalik na sa loob ng bahay sina Louiela at Jinela pero narito pa rin ako sa likod at pinagmamasdan ang naging libingan ng pusa nila.
"You're a savage pretty little lady, Dorothea. But I really love your effort to make way just to see me again."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses niya. Otomatiko akong napalingon.
"Y-You..." I am lost for words. I can't believe that for simply killing a cat, I could make him visible again in my sight. Halos kumabog ang puso ko dahil sa sobrang saya. Gusto ko siyang yakapin sa sobrang pananabik ngunit alam ko naman ang limitasyon ko bilang tagahanga niya.
Bakit kasi laging ang gwapo niya sa tuwing magpapakita siya sa akin? Tapos ako, heto lang at mukhang patatas. Hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ako makapaniwala.
"Shocked?" aniya. Tulad ng dati, napakalamig pa rin ng kanyang presensya. Nagpalinga-linga muna ako sa paligid dahil baka may makakita sa amin habang nag-uusap.
"I killed Doris just to see you. Just tell me your name and I'll be in peace now," sambit ko dahilan para matawa siya. Itinakip pa niya ang isang kamay sa bibig para pigilan ang tawa. Napaka-cute niya.
"I'll bet you still won't be in peace even if you already know my name," giit niya kaya napataas-kilay ako.
"Whoa, your audacity, huh?" sarkastiko kong wika. Napangisi siya at tumikhim.
"You'll still think of me, Dorothea. Every minute and every time." My heart almost popped out of my chest when he said those words. Mas lumapad ang ngisi niya at inilahad ang kamay para makipag-shake hands.
"Azrael," tipid niyang pagpapakilala. Napakaikling salita ngunit para akong mabubuwal sa kinatatayuan ko. Nanginginig ang mga kamay na inabot ko ang malamig niyang palad. Napangiti ako.
"Nice to meet you, Azrael," halos pabulong kong sagot. Parang ayaw ko nang bitawan pa ang kamay niya. Umihip ang malakas na hangin sa pwesto ko kaya nagliparan sa akin ang mga tuyot na dahon rito sa likod-bahay. Ang pagkapuwing ko ang naging dahilan para mapapikit ako at pagmulat ko, wala na naman siya.
Humakbang ako habang hinahanap siya ng tingin. Wala na naman talaga. Ang kaninang masayang pakiramdam ay napalitan ng lungkot at panghihinayang. Napatitig na lamang ako sa puntod ng pusang si Doris.
Hindi pala sapat ang pagpatay ko sa kanya para makasama ko siya sa mahabang oras. Wala akong nagawa kundi ang mapangiti nang mapakla. Inihakbang ko na ang mga paa palayo kahit labag man sa aking loob.
"Azrael," mahina kong sambit habang nagsusulat sa notebook. Nakapangalumbaba pa ako habang nakangiti. Hindi ko na alam kung anong pinagsasasabi ng teacher ko sa unahan. Ang alam ko lang, nananabik na muli akong makita ang Azrael na nakita ko kahapon lamang.
Nakarinig ako ng pag-ring ng bell.
"Class, dismiss." Agad nagsitayuan ang mga kaklase ko pero heto ako at naiwan.
"Hey, bitch!" Nagulat ako sa biglaang pagpalo ng vaseball bat sa ibabaw ng desk. Halos mapalo na rin kasi ang kamay ko. Gulantang akong napatingin sa babaeng nasa harapan ko na at matalim ang titig sa akin. Agad niyang ipinatong ang bat sa balikat at tinungtong naman ang isang paa sa upuan. Akala ata niya nagiging maangas siya sa pagnguya-nguya ng bubble gum.
"What do you want?" malamig ang boses na tanong ko. Napangisi lamang siya. Lumapit pa ang isang babae at lalaki na siyang ipinagtaka ko.
"Here she is," sambit ng babaeng may dalang vaseball bat napatingin sa dalawa. Pinasadahan ako ng tingin ng isang babae kaya napaiwas ako ng tingin.
"Dorothea, right?" nagmamataray niyang tanong. Hindi ko sila mga kilala pero base sa pagkakaalala ko, sila rin iyong umagaw ng notebook ko noong mga nakaraang araw. Halos mapamura ako sa napagtanto. Baka target na naman nila ako ngayon.
Narinig ko ang tawanan nila.
"Hi, Dorothea! I am JD Bullecer, by the way," pagpapakilala ng lalaking nasa gitna nilang dalawa. Hindi ko inabot ang kamay niyang gustong makipag-shakehands.
"Oww! She's a hard-to-get!" sigaw ng babaeng kamukha ni Harley Quinn. Nagtawanan ulit sila.
"And this is Emaera Leilana Asheran," turo niya sa babaeng may hawak nga na bat. Animo'y laging maglalaro ng vaseball.
"And I'm Riea Atienza!" Ang babae sa gilid ang nagsalita. Sa dami ng mga estudyante rito na nagsisilabasan na, ako pa talaga ang napili nilang pag-tripan.
"What do you want from me?" Napawi ang ngiti nila nang magtanong ako muli.
"Not so fast, Dorothea. But we would like to invite you in a party. Would you like to come?" malambing na sagot ni Riea kaya natawa itong si Emaera.
"You're tripping me," giit ko at sinarado na ang notebook. Inayos ko na rin ang bag ko. Akma na akong tatayo nang harangan naman ako ni JD. Sa kabilang direksyon ako bumaling ngunit naroon na si Emaera at pinaglalaruan na ang bat. Napaatras ako dahil sa kaba.
"I'm not a party animal," I insisted.
"But everybody in Belmack University would be there tonight! We all invited them! Ikaw na lang ang kulang," ani Riea at nagkibit-balikat.
"It doesn't matter whether you are a party-lover or not. Just come and enjoy."
Napalingon ako sa lalaking busy sa pagbabasa ng isang women's magazine. Nakataas pa ang dalawang paa nito sa desk at prenteng-prente kung makinig sa amin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang lahat.
"What would I get if I come with you?" mahina kong tanong.
Emaera grin from ear to ear while chewing her bubble gum. Inakbayan na rin siya ng isa pang babae na kung hindi ako nagkakamali, si Faye Garcia ito. Ang cheerleader sa grupo.
"Well, boys and---" Hindi na siya pinatapos pa na magsalita ni Riea at inabot na sa akin ang isang ticket.
"Here's the ticket. At 7 pm in the evening, you need to be there. I swear, you'll enjoy the night, Dorothea!"
Hindi maganda ang kutob ko pero wala akong nagawa kundi alinlangang kunin ang ticket mula kay Riea.
"See you there." Emaera winked at me and went out of the classroom with her gang in an instance.
***
BINABASA MO ANG
Dorothea | COMPLETED
Mystery / ThrillerWARNING: INSPIRED BY THE RIDDLE. Read the disclaimer. Dorothea met this strange guy at her own mother's funeral. She thought that this stranger is amazing - her ideal man - However, she never asked for his name or number and afterwards could not fi...