EPILOGUE

565 54 27
                                    

EPILOGUE



“DOROTHEA is a legendary psychopath. She killed almost hundreds of people,” basa ni Grazielle sa diyaryo  at sinipat-sipat ang larawan ng babaeng nasa larawan. Naningkit ang kanyang mga mata at binasa pa ang laman ng artikulo.

“She’s so creepy. Buhay pa ba siya? Ano bang balita?” tanong ng kapatid niyang  kakasakay lang sa sasakyan at tumabi sa kanya. Nakiusyoso na rin ito.

“She’s already dead. She jumped off the Belmack footbridge the night she was about to take in the mental hospital. Last year pa ang article na ito.”

“Oh, she’s so witty, huh,” komento ni Shin at napatango-tango.

“Anong witty doon?” natatawang tanong ng panganay sa kanya.

“S’yempre, para hindi na siya magdusa habang-buhay, pinatay na lang niya ang sarili niya. Well job done!” Pumalakpak pa ito matapos sumagot. Napangiwi si Grazielle.

“Psycho ka talaga.”

“Whatever.”

“Oh, mga bata. Handa na ba para sa roadtrip?” tanong ng kadarating lamang na ina nito at sumakay sa driver’s seat.

“Yes mom!” sabay nitong sagot at itinaas pa ang mga kamay.

“Wait lang. Hintayin lang natin ang papa mo. Azrael, bilisan mo riyan!” tawag nito at isinuot na ang shades.

“Heto na.” Nagmamadaling pumasok ng kotse ang isang lalaki at pinaandar na ang makina. Ngumisi ito sa mga anak.

“Let’s go!”

“Let’s go!”

Agad itinago ni Grazielle ang diyaryo na naglalaman ng balita tungkol sa isang babae at ipinasak ang kanyang headphone sa saliw ng musika ni Taylor Swift.

Dorothea.




[BOOK CLOSED]

***

Dorothea | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon