CHAPTER 2

552 53 19
                                    

CHAPTER 2



“HAVE you eaten your dinner?” tanong ni Jinela habang nagmamaneho. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya. Kamukhang-kamukha kasi niya si Louiela. Sabagay, sila nga pala ang totoong magkadugo.

“Not yet,” nahihiya kong sagot.

“Don’t worry. Sa lamay na lang tayo kumain. Ayaw mo noon? May libreng tinapay at pa-kape?” sambit niya dahilan para matawa ako.

“Dorothea,” tawag pa niya sa akin. “I don’t want you to look at me like I am your competitor in my mother’s attention. I am now your sister and I want a good harmony between us.”

Halos lumambot naman ang puso ko dahil sa sinabi niya. Napangiti na lamang ako at tumango.

“I was the only daughter of her. God knows how I really want to have a sister. Now, my Mom introduced you to me. I was so glad!” nakangiti niyang pagkukwento.

“Thank you, Dorothea,” aniya pa. Napakunot ang noo ko.

“For what?” tanong ko pa.

“For coming to our life.”

Pumarada ang sasakyan. Napadungaw ako sa bintana at iginala ang paningin sa paligid. Sobrang liwanag at maraming tao ang nagtitipon-tipon. Napakaingay rin. May naririnig rin akong kwentuhan at tawanan. Hindi ko sure kung tama bang lamay itong napuntahan namin o simpleng party lang?

“Let’s get inside,” yaya ni Jinela. Naging seryoso na ang pagmumukha niya at waring naiiyak. Kaibigan niya ang namatay at talaga namang nakakalungkot kung iisipin. Mahirap magpigil ng iyak ngayon. Habang papalapit kami sa loob, nakakarinig na kami ng iyakan. Hindi ko tuloy maiwasang mapatungo dahil pinagtitinginan ako ng iba. Baka dahil sa suot kong damit. Hindi nababagay sa lamay na pinuntahan namin ngayon. Anong magagawa ko? Hinatak lang naman ako rito.

Mas lumakas ang naririnig kong iyakan. Hanggang sa makita ko nang tuluyan ang senaryong nakasanayan ko nang masaksihan tuwing may namamatay. Hindi ako makaramdam ng awa. Pinagmasdan ko na lamang si Jinela na makiiyak sa natirang kamag-anak ng kanyang kaibigan. Napaiwas ako ng tingin. Hindi pala ako dapat narito. Kailangan ko nang umalis. Pero paano? Hindi ko naman pwedeng iwan na lang rito si Jinela. Pinababantayan siya ni Louiela.

Kusang umatras ang aking mga paa palabas ng bahay. Tumalikod na ako. Hahayaan ko na lang muna si Jinela na makipagluksa kasama nila. Hihintayin ko na lang siguro siya rito sa labas.

Umihip ang malakas na hangin habang nakatayo akong mag-isa rito sa madilim na parte ng bahay. Medyo malayo sa mga taong nag-iinuman at nagsusugal. Pero kahit ilang distansya pa ata ang gawin ko, rinig na rinig ko pa rin ang kanilang mga boses. Nanunuot ito sa aking pandinig.

Napayakap ako sa aking sarili. Napakalamig. Mayamaya’y nakarinig ako ng kaluskos at mga yabag. Napalingon ako sa direksyon kung saan nanggagaling ang tunog na iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko.

“Hi, Miss.” Isang lalaking nasa kwarenta anyos na ang ngayo’y nasa aking harapan at malapad ang ngisi. Lango na ito sa alak. Pakiramdam ko’y hindi maganda ang binabalak niya ngayon. Napalunok-laway ako at umatras.

“Wala ka bang kasama? Kaano-ano mo pala ang namatay?” tanong pa niya na parang close kami. Hindi ako sumagot. Sa halip, umatras ako at tatakbo na sana palayo nang mahablot agad niya ang aking kabilang braso.

“Bakit ka ba nagtatago sa dilim? Kung ganoon, samahan mo na lang ako rito. Maglaro na lang tayo,” aniya sa nakakakilabot na tono ng boses kaya halos panindigan ako ng mga balahibo.

“Bitaw!” sigaw ko.

“Bakit? Wala ka namang kasama, hindi ba?” Humalakhak siya. Walang duda, isa siyang manyak.

“Sinabing bitawan mo ako!” Pinilit kong iwakli ang kamay niyang mahigpit na nakahawak ngayon sa braso ko ngunit sobrang lakas niya. Naiiyak na ako.

“Wala kang kasama kaya sasamahan na lang kita, Miss.” Narinig ko na naman siyang tumawa.

“Ako, ako ang kasama niya.”

Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang isang pamilyar na boses. Maging ang lalaki na nagtatangkang pagsamantalahan ako ay napatda rin sa kinatatayuan.

Lumabas sa kadiliman ang isang pigura ng lalaki na nakasuot ng purong kulay itim na coat. Bumilis muli ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa kaba kundi dahil sa pagkasabik. Hindi ko mapigilang mapangiti.

“At sino ka naman, hijo?” nakakunot-noong tanong ng lasing na lalaki habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuang hitsura ng bagong dating.

“Hindi kita kilala. Hindi ka taga-rito sa baryo namin, no?” Akma niyang susuntukin ang lalaking nasa harapan namin nang mabilis pa sa alas kwatrong napigilan siya nito. Sa sobrang lakas, siya itong napaigtad at napaupo sa lupa. Lasing na nga talaga.

“S-sino ka?” Halos manlaki ang mga mata niya. Hindi umimik ang kausap. Dahil rito, natatarantang tumayo ang lasing at tumakbo na palayo. Naiwan kami ng lalaki rito sa gitna ng dilim. Narinig ko siyang tumikhim.

“Sinaktan ka ba niya? Pasensya na. Nahuli ata ako ng pagdating.” Tulad ng dati, malamig at malalim pa rin ang boses niya na parang galing pa sa napakalalim na balon. Napangiti ako.

“Hindi. Nasa tamang oras ka lang,” sagot ko at hinarap siya. “Salamat,” dagdag ko pa.

Tumango siya at napatitig sa kalangitan.

“Medyo matagal na rin ang hindi natin pagkikita. Salamat naman at narito ka.” Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nang hawakan niya ang kanan kong kamay. Napakalamig ng kamay niya ngunit mainit naman ang sa akin. Ang sarap lang sa pakiramdam.

“Hindi ko alam kung magpapasalamat ako na may namatay ngayon. Kung wala, hindi na naman siguro kita makikita,” may panghihinayang sa boses ko.

Narinig ko siyang tumawa. Halos mawala na ang mga mata niya sa pagngiti pa lamang.

“At gusto ko na sanang malaman ang pangalan mo ngayong gabi,” sambit ko dahilan para matigilan siya.

“Hindi pa takdang oras, Dorothea.”

“Kailan pa? Ilang beses mo nang sinabi sa akin iyan?” Nakaramdam ako ng pagkainip.

Hinarap niya ako at tinitigan sa mga mata. Para akong nalulunod sa mga tingin niya sa akin. Hindi pa ako nasanay na ganito naman talaga siya kahit noong unang beses naming pagkikita.

“Sa muling pagkikita natin, handa na akong magpakilala.” Nabuhayan ako ng loob.

“Paano ulit kita makikita?”

“Iyon ay kung... may mamamatay ulit.”

“Dorothea?”

Napalingon ako sa tumawag. It’s Jinela.

“What are you doing there in the dark? Let’s go home. Mom would be mad at us. Fuck, it’s already 8:30 na pala? Why naman ang bilis ng oras?”

Paglingon ko, wala na siya. Napawi ang ngiti ko at hinagilap siya sa paligid ngunit wala na. Nakalapit na sa akin si Jinela pero wala na talaga siya sa kahit saan.

“May kausap ka ba?” Nagpalinga-linga ako.

“Uwi na us?” yaya niya kaya tumango na lamang ako.

I need to see him again. I really need to know his name.

Dorothea | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon