CHAPTER 15

320 36 1
                                    

CHAPTER 15






"DOROTHEA."

Mahinang katok ang nagpabalikwas sa akin mula sa kama. Nasapo ko ang sumasakit na ulo. Napangiwi ako.

"Dorothea, please open the door now. Ilang araw ka nang hindi kumakain." Muli akong napahiga at tinakpan ang magkabilang tenga.

"I said, just leave me alone!" asik ko.

"The cops are now gone. You have nothing to worry about." Hindi ko alam kung ilang beses na nilang sinabi ang bagay na ito sa akin simula noong araw na nagpunta rito sa bahay ang dalawang pulis na 'yon. Pero alam ko sa sariling hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

Ito ay dahil nangungulila na naman ako kay Azrael. Sobrang tagal na niyang hindi nagpapakita sa akin. Naiinip na ako. Ayokong isipin na baka hindi na nga siya magpakita. O hindi ko na siya tuluyang masilayan. Sumasakit ang puso ko sa tuwing iniisip na baka nakakilala na ulit siya ng iba kaya hindi na siya nagpaparamdam.

"Dorothea, listen to me!" sigaw pa ni Louiela pero hindi ako nagpatinag.

"Please," pagmamakaawa ni Jinela na kasama pala ni Louiela sa labas ng kwarto ko. Muli akong nakatitig sa nakapinid na pinto. Bumabagal ang tibok ng puso ko sa aking naiisip. Dali-dali kong hinalughog ang drawer ko at nang matagpuan ang patalim ay muli akong sumulyap sa pintuan. Napalunok-laway ako habang palipat-lipat ang tingin sa bagay na hawak ko. Nalilito na ako.

Mabagal ang ginawa kong paglalakad para makalapit sa nakasarado pang pintuan. Nanginginig ang mga kamay na binuksan ko ito. Pinihit ko ang doorknob na naging dahilan para marinig ko ang kanilang malalim na pagbuntong-hininga. Dumungaw ako habang nasa likuran lamang ang patalim.

Sumilay ang nag-aalala nilang pagmumukha.

"Dorothea, talk to us," sambit ni Louiela at halos maiyak na.

"Ano bang nangyayari sa 'yo?" naiiyak na tanong naman ni Jinela. Blangko lang akong napatitig sa kanilang dalawa. Gusto kong magsalita pero ano naman ang sasabihin ko? Hindi ko alam.

"Tell me what's wrong? Maiintindihan ka naman namin," aniya pa kaya halos mapahigpit ang hawak ko sa kutsilyong nakatago pa sa aking likuran.

"But for now, you should eat. Nangangayayat ka na. That's not funny anymore, Dorothea. If you're depressed, tell us. We could help you. Always remember that," paliwanag ni Jinela. Magsasalita pa sana siya nang tumunog ang kanyang cellphone kaya otomatiko siyang naglakad palayo. Kami na lamang ni Louiela ang nagtititigan ngayon. Wala nang nagsasalita ni isa sa amin.

"Come downstairs and we'll eat together. Please, Dorothea?" aya niya. May pag-aalala sa kanyang mga mata tulad ng dati kong ina. Ayoko nang ganito. Ipinaparamdam nilang mahalaga ako tapos kapag may nagawa akong pagkakamali, halos isumpa na nila ako sa bandang huli. Kaya napipilitan akong patayin sila.

Nagulat ako sa biglaan niyang paghawak nang mahigpit sa aking kanang kamay habang ang kaliwa ko naman ay nasa likuran ko bitbit ang kutsilyo. Pinisil-pisil niya ito at napangiti.

"I am your mother now, Dorothea. You can always tell me everything that bothers you."

Gusto kong maiyak nang sabihin niya iyon. Kusa kong binitawan ang bitbit kong kutsilyo, isinara ang pintuan at sinunggaban siya ng yakap. Hindi ko na napigilan ang sariling mapahagulhol.










"Dorothea, it's just a heartbreak. Marami pang ibang lalaki riyan kung inaakala mong nag-iisa lang siya sa mundo."

"You're too young. Don't put too much effort to a guy. Let a real man dedicates his time and effort to you," ani pa ni Louiela habang hinahanda sa ibabaw ng mesa ang agahan namin. Matamlay akong nakamasid lamang sa kanyang ginagawa at hindi pinapansin ang kanyang mga pinagsasasabi.

"Louiela, I'm not broken if that's what you're thinking," giit ko.

"Your actions tell us so. You became a problematic little lady over a guy whom you never introduce to us from the very first."

"Because he's always out of sight." Agad naibagsak ni Louiela ang pinggan sa mesa dahilan para kapwa kami mapaigtad. Natapon ang ilang fried rice kaya aligaga niya itong nilinis.

"What do you mean that he's out of sight?" singit ni Jinela na kanina pa pala nakikinig kahit may pasak na earphone ang dalawang tenga.

Napaiwas ako ng tingin.

"Nevermind. This is just a one-sided love," palusot ko at saka tinusok-tusok ng tinidor ang karneng nasa platito. Pamaya't maya akong napapasulyap sa kanila at sa kutsilyong nasa ibabaw rin ng mesa hindi kalayuan sa akin. Ipinilig ko ang ulo ko. I should not do this anymore. Azrael could be mad at me and might never show his self at me anymore. Mas hindi ko iyon kakayanin. For now, maghihintay na lang muna ako ng tamang oras kung sakaling kaya na ulit niya akong harapin. Pero hanggang kailan ba ako maghihintay?









"What's his real name?" usisa ni Jinela sa akin habang kapwa kami nakatitig sa malayo at pinagmamasdan ang pagbasak ng snow sa paligid. Napangiti ako nang tipid.

"Azrael," banggit ko at lumawak na ang ngisi. Maalala ko pa lang ang pangalan niya, kakaibang tuwa na ang nararamdaman ko.

"Whoa, like the angel of death?" aniya pa na parang namamangha. Tumango ako.

"And he broke up with you?"

Napailing ako.

"No. We aren't in a relationship," tanggi ko. Bumuntong-hininga ako para mabawasan ang nararamdamang sakit.

"He doesn't worth the wait, Dorothea. Go and fling with other guys. Sa pagkakaalam ko naman maraming gwapo sa Belmack University, hindi ba?" Hindi na ako umimik. Tumungo ako at pinaglaruan ang nyebeng nasa lupa.

"Jinela, can I ask you something?"

"Yes? Sure."

"What does a Grim repear do?" Dahi sa naging tanong ko ay natahimik siya at alinlangang tumingin sa akin.

"He's a skeletal figure, who is often shrouded in a dark hooded robe and carrying a scythe to reap human souls," she answered that made me even confuse.

"Then Azrael isn't a grim reaper all this time," I whispered.

"What?"

"N-nothing. Let's go?" aya ko na lamang sa kanya para bumalik na sa loob ng bahay dahil lumalamig na at lumalakas na rin ang ihip ng hangin. Sa puntong iyon ay kapwa kami napatingin sa kalsada. Napakabilis ng pangyayari at ang batang tatawid sana rito'y nahagip agad ng nagmamadaling sasakyan.

"Oh my God!" tili ni Jinela at nagtatakbo sa nasagasaang bata. Ngunit natigalgal ako sa pwesto ko. Hindi ako makakilos. Nang sa mismong paglipas ng sasakyang kumitil ng buhay ng kaawa-awang bata, namataan ko siya sa kabilang kalsada. Nakatitig sa duguang bangkay nito. Sa isang iglap, nagtama ang paningin namin.

"Azrael..."





***

Dorothea | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon