CHAPTER 13

324 38 4
                                    

CHAPTER 13




"AZRAEL, what's the meaning of this?" nakangangang tanong ko.

"Hindi ka dinadaya ng paningin mo. Ako talaga ang tumalon sa tulay kanina."

"Alam ko! Pero bakit ganito?" Masyado na akong naguguluhan. Mayamaya'y nanlaki ang aking mga mata nang may kinuha siyang matalim na kutsilyo mula sa suot niyang coat. Walang pasubaling hiniwa niya ang kanyang pulso habang nakatitig sa aking mga mata. Doon na ako tuluyang napaiyak.

"A-Anong ginagawa mo?"

"I don't feel any pain now, Dorothea. Now I'm asking you. Are you really sure that I am still alive like you?" tanong niya sa akin kaya hindi ako makasagot.

"You're alive but not a human. That's it! But that will never change the feeling I have for you, Azrael!" I shouted as I confessed to him what I'm feeling right now. Umihip muli ang malakas na hangin at sa puntong ito, wala na ang dating ngiti niya sa akin. Malamig niya akong tinitigan. Hinayaan niyang tumulo ang dugo mula sa nahiwa niyang pulso. Ni hindi man lang siya nasasaktan.

"I'm sorry, Dorothea. Dapat noong una pa lang hindi ko na piniling mas mapalapit pa sa 'yo. Hindi ko naman akalaing magiging ganito kahirap na lubayan ka." Napangiti ako nang mapakla habang lumuluha.

"Are you just using me, Azrael?" mapakla kong tanong. Napaiwas siya ng tingin.

"What if I told you that I collect every soul of those people you killed?"

Halos mahigit ko ang aking hininga.

"Why are you doing this?"

"Three more souls and I will be a complete human again, Dorothea," pag-amin niya na siyang ikinaiyak ko lalo. Ipinakita niya ang isang maliit na botelya. Umiilaw ito. Mula sa loob ang liwanag.

"Bakit ngayon mo lang sinasabi ang lahat ng 'to sa 'kin?" Nagtiim-bagang ako at tinitigan siya sa mga mata. "Bakit ngayon lang?"

"Dahil ayokong isipin mong dinidiktahan kitang pumatay para sa pansarili kong interes."

"Azrael, I am doing everything just to see you. You see, hindi ako nagdadalawang-isip na pumatay para makita at makasama ka. Bakit kailangan mo pang magsinungaling?"

"Natatakot ako," aniya at napatungo. Agad akong lumapit at hinawakan ang dumurugo niyang pulso. Pinigilan ko ang pag-agos ng dugo mula rito. Paulit-ulit akong napalunok.

"Will you stay with me if I help you become a human again?"

Hinaplos niya ang aking pisngi. Nakita ko siyang tumango.

"I can't cry, Dorothea. I have no emotions to feel inside. But I can say that I am happy to be with you every time you're with me."

Bumilis ang tibok ng puso.

"I will make you a human again," sambit ko.

"I am dreaming to be a human again but you don't have to kill anymore." Dahil sa sinabi niya ay napakunot ang noo ko kahit luhaan.

"Ano?"

"Promise me, starting tonight, you won't dare to pick a cold knife again. You. Won't. Kill. Someone. Again just to see me," utos niya kaya otomatiko kong nabitawan ang nagdurugo niyang pulso. Tiningnan ko siya nang hindi makapaliwanag.

"I don't want you to feel that I am using you." Napapikit ako.

"Tonight, I want you to tell me everything. Please," pagmamakaawa ko. Ewan ko ba kung bakit ako nasasaktan nang ganito. Siya lang naman ang nagparamdam ng ganito sa akin sa buong buhay ko.

"That night when you accidentally saw me at the funeral your mom, I'm just a wanderer ghost looking for another soul that would complete me again." He smiled bitterly.

"I never thought you would talk to me. And I know from that night, you're not a normal kid, Dorothea." Umawang ang bibig ko.

"You see people that can't be seen by normal one. You see ghosts but not afraid to talk to them. You befriend me. You... you are..."

"I'm a psychopath," sambit ko dahilan para umiling siya.

"You're not," giit niya.

"Yes, I am." Parang baliw na napangisi ako.

"And you are the reason why I became like this, Azrael. I killed my sister for the thought that I will see you again. You never disappoint me every time I take lives of people."

"Dorothea."

"You can't force me to be normal again. That's not gonna happen." Pinahid ko ang aking mga luha at napangisi. Ramdam kong umuulan na ng malalaking tipak ng nyebe kaya mas lalo akong nilamig.

"This will be the last night that I will talk to you. The last time you will see me." Gusto kong manumbat habang sinasabi niya ito pero napaiyak na lang ako lalo.

"No! I'll see you again! Papatay at papatay pa rin ako para sa 'yo hanggang sa pwede na tayong magsama nang tuluyan! Tandaan mo ang gabing ito!" sigaw ko pa pero hindi siya natinag.

"Good bye, Dorothea," tipid niyang paalam at umatras na. Ni hindi na niya ako tiningnan sa mga mata. Malalaking hakbang ang ginawa niya para makalayo sa akin. Habang ako, naiwan rito sa tabi ng tulay. Luhaan at nakatanaw sa kanya.

"Azrael!" muli kong tawag at sa muli kong pagpikit, kadiliman na ang nakita ko.







"Oras na para umuwi." Tinapik ni Gemarie ang balikat ko nang ilang beses hanggang sa iangat ko ang aking ulo. Iginala ko muli ang paningin. Napakaliwanag ng paligid. Marami na ring mga tao.

"H-ha?"

"Uuwi na tayo," tugon niya. Doon ko lamang napagtanto na narito pa pala kami sa burol nina Riggs, JD, Emaera, Riea, at Faye. Kinapa-kapa ko ang aking pisngi. May luhang tumulo. Imposibleng tulog lang ako habang nag-uusap kami ni Azrael kanina. Bakit pakiramdam ko totoo ang lahat ng iyon?

Halos kumirot ang puso ko nang maalala ang mga binitawan niyang salita sa akin. Ayokong isipin na totoo iyon pero bakit tagos sa puso ang lahat? Agad akong tumayo para umuwi na. Minasdan ko sa huling pagkakataon ang hitsura nilang lima bago tuluyang lumabas ng eskwelahan.

Matalim akong nakatitig sa bintanang salamin ng taxi at malalim ang iniisip. Kasing-lalim ng tulay kanina sa panaginip ko. Kasing-lalim ng nararamdaman ko para kay Azrael. Nakuyom ko ang aking kamao.

Totoo ang mga nangyari kanina. Nahawakan ko siya. Sinugatan pa nga niya ang kanyang sarili para patunayang hindi siya normal. Ako ba, normal pa ba ako? Hindi ko na alam. Basta ang sinisigurado ko, kailangan ko ulit pumatay para makita ko siya muli nang buo.




***

Dorothea | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon