CHAPTER 6

386 41 3
                                    

CHAPTER 6






NAKAHARAP lamang ako sa salamin at pinagmamasdan ang sarili. Hinaplos ko ang aking mukha gamit ang kamay. Kinikilatis ko ang hitsura ko hanggang sa mapatigil ang mga daliri sa mahabang peklat sa leeg. Napalunok-laway ako.

"Jobhel, stop it!"

"Die, Dorothea! Die!"

Napakislot ako nang maramdaman ang pag-ingit ng pinto ng kwarto. May pumasok mula roon kaya naudlot ang mga eksenang naglalaro sa aking isipan. Otomatiko kong nilingon ang taong pumutol ng imahinasyon ko.

"Jinela," bungad ko saka ngumiti. Umupo siya sa malambot na higaan at hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang mga damit na nakahilera sa ibabaw ng kama. Napangisi siya.

"Whoa! Are you going somewhere? On a date or... whatever?" Hindi niya mapigilang mapangiti kaya nahihiya akong napakamot sa ulo.

"Just going out with the gang," alinlangan kong sagot kahit hindi naman totoo. Truth is, wala akong kaibigan sa school but I act like I have plenty. Me and Jinela are from different school. Kaya hindi namin alam ang buhay ng isa't isa tuwing nasa campus na.

"Wait, is that scheduled tonight at seven?" she asked me again. Nanlaki ang mga mata ko.

"How did you know?" tanong ko pabalik.

"Cause I'm coming too!" she exclaimed and take out her ticket from her hoodie. Napanganga na lamang ako sa sobrang pagkamangha. I thought it's only for the whole Belmack University students. How come na may taga-ibang university rin? That bullies really lied to me.

"Wow, that's g-great," sambit ko na lamang nang makitang tuwang-tuwa siya.

"You know what, Dorothea, that will be the biggest party of the year here in Belmack, so you must really come!" Alinlangan akong ngumiti at nakipag-apir sa kanya.

"Well, this will be my first time," I almost whispered.

"I'll leave you here for a while. Gonna get ready and you, too!" aniya pa sa masiyahing boses bago ako iwan nang tuluyan sa kwarto ko. Sinundan ko na lamang siya ng tingin bago napabuntong-hininga.

Pakiramdam ko, hindi magiging maganda ang gabing ito. Makikita ko kaya si Azrael sa party na 'yon?









"Your friends are going to fetch you, right?" tanong sa akin ni Jinela nang makalabas na kami ng bahay. Pagkasarado ko pa lamang ng pinto ay narinig ko na ang napakalakas na hiyawan at busina ng sasakyan. Halos mapangiwi ako. Kilala ko na ang mga ito. None other than, the bullies who invited me to come to the party.

"Uy, andiyan na pala sila! Bye, Dorothea. See you at the party!" Kumaway sa akin si Jinela. Nilingon ko siya.

"Paano ka?"

"My friends too would fetch me here. Ingat," sagot niya kaya nagngitian na lamang kami sa isa't isa. Kada hakbang ko palapit sa kotse ng mga kaklase ko'y kumakabog ang puso ko knowing na hindi ko sila mapagkakatiwalaan. Pero wala akong magagawa. Ayaw ko namang matawag na KJ.

"Good evening, Dorothea!" Dumungaw sa bintana ang jejemon na si JD at pinasadahan ako ng tingin habang binabasa ng dila ang labi niya. Napakamanyak ng potangina.

"Bye, sis!" pahabol ni Jinela bago tuluyang sumakay sa kotse ng kaibigan. Mas nauna pa siya sa akin. Ang bagal ko kasi. Dahil roon, nakuha niya ang atensyon nitong si JD.

"Ang ganda ng pinsan mo," komento niya kaya nakuyom ko ang kamao ko.

"She's my sister."

"Ah, may boyfriend na? Papunta rin sa party?"

Tinitigan ko siya sa mga mata to the point na halos mapaiwas na siya ng tingin.

"Don't do anything to her on the party and I swear, I'm gonna kill you," pagbabanta ko. Napangisi siya lalo.

"Whoa, ang Dorothea n'yo, psychopath na!" pang-aasar niya at binuksan ang pintuan para papasukin ako sa loob ng sasakyan kasama nila. Nagbago ang timpla ko dahil sa narinig.

"Timeout, JD! Just let Dorothea hop in! The party's about to start," reklamo ni Faye na siya palang magmamaneho. Agad akong pumasok ng kotse nang maramdamang umandar na ang makina.  Katabi ko ngayon si Emaera na hanggang ngayon, ngumunguya pa rin ng  bubble gum. Ang nakakabastos pa, pinalobo pa niya ito sa mismong harapan ko. Nakakatangina.  Pansin ko rin na dala pa rin niya ang vaseball bat niya na parang ayaw talaga bitawan.

Napakaingay nila buong biyahe. Nakakabingi dahil sa musikang nagmumula sa stereo ng kotse. Mas nakakahilo ang amoy ng sigarilyo nila kaya napatakip na lamang ako sa ilong. Inihilig ko ang ulo sa bintanang salamin habang naghihintay na pumarada ang kotse sa mismong party. Nakakainip.

Ipipikit ko na sana ang mga mata nang maamoy ko mismo ang sigarilyo sa tapat ng ilong ko. Otomatiko kong iwinakli ang kamay na nag-aabot sa akin ng sigarilyo. Walang iba kundi si Riggs ito. Ang lalaking nagbabasa kanina ng magazine sa loob ng classroom.

"C'mon, Dorothea. Take it," utos niya pero napailing ako.

"I don't smoke," kontra ko at sinamaan siya ng tingin.

"Such a goody bitch, huh," sambit ni Emaera na binugahan naman ako ng usok nito. Napaubo ako at mayamaya'y napadaing na sa sakit dahil pinaso niya mismo ng upos ng sigarilyo ang braso ko. Napuno ng halakhakan sa loob ng kotse dahil pinagkakatuwaan nila ako. Gusto kong maiyak sa sakit pero mas pinili kong manahimik. Mayamaya'y napasigaw ang lahat nang ipreno ni Faye ang sasakyan. Halos lahat kami na nasa loob ay nauntog dahil walang naglagay ng seatbelt.

"What the fuck, Faye?" ani Riea na katabi lamang niya sa driver's seat.

"Sorry. I think I hit an animal," nakangiwing sagot ni Faye at bumaba naman ng kotse si JD para kumpirmahin ito. Pare-pareho kaming napasigaw sa gulat nang ibalandra niya sa unahan ng kotse ang duguang bangkay ng itim na pusa. Kumabog ang dibdib ko. Kung hindi ako nagkakamali, ito iyong nakabangga rin nina Louiela at Jinela dati. Ngayon, natuluyan na.

"Just dump it anywhere. That was dead. Gross," nandidiring komento ni Emaera at sinarado na muli ang pintuan ng kotse pagkapasok pa lamang ni JD. Nagpatuloy naman sa pagmamaneho si Faye na parang walang nangyari.

Mayamaya'y naningkit ang mga mata ko dahil hindi ko na maaninaw ang dinaraanan namin. Tahimik na rito at napakadilim. Hindi na ako nakatiis at tinanong na sila.

"I thought you fetch me tonight for the party? Are we still going to attend?" Otomatikong natigil si Faye sa pagmamaneho at natahimik silang lahat. Pinatay ni Riea ang tumutunog na stereo at hinarap ako habang nakangisi.

"Well, the party was legit. But our invitation was..." Kumurba ang malademonyo niyang ngisi sa labi at hindi kalaunan, may naglagay ng sako sa ulo ko.

"It's a prank!" aniya at nagtawanan silang lahat. Napasigaw na lamang ako sa sobrang gulat. Pilit kong inaalis ang sako dahil hindi na ako makahinga ngunit sadyang mas may pwersa sila.

"Noisy little bitch." Isang hampas ng vaseball bat ni Emaera ang nagpatigil sa pagsigaw ko at tuluyang nagpadilim ng aking paningin.




***

Dorothea | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon