CHAPTER 7

362 43 3
                                    

CHAPTER 7




"AZRAEL," paulit-ulit kong bigkas. Nakikita ko ang maamo niyang mukha na nakatanaw sa akin. Sinubukan kong lumapit ngunit hindi ako makahakbang patungo sa kanya. May kung anong pwersa ang pumipigil sa akin. Hindi ko siya maabot.

"Azrael!"

"Hindi pa tayo maaaring magkita. Hangga't walang nagbubuwis muli ng buhay." Ang mga katagang iyon ang umaalingawngaw sa aking pandinig hanggang sa mahigit ko ang aking hininga.






Iminulat ko ang aking mga mata. Wala pa rin akong makita. Napakadilim. Nagpumilit akong pumiglas at magsisigaw dahil hindi na rin ako makahinga. Kinakapos na ako ng hangin. Hanggang sa tanggalin ng kung sino ang sakong nakasuot sa aking ulo. Habol ko ang hiningang napatingin sa babaeng nakangisi ngayon sa harapan ko.

Bitbit pa rin niya ang vaseball bat at ngumunguya ng bubble gum. Nanlaki ang mga mata ko nang itaas niya ang bat at wari akong papaluin. Ngunit inihinto niya iyon sa ere at sinipat-sipat ang hitsura ko. Doon na ako napaiyak dahil sa kaba.

"I won't kill you yet. We're gonna torture you first," aniya at pinalobo muli ang nginunguyang bubble gum bago dilaan ang kanyang kuko. Sinamaan ko siya ng tingin. Mayamaya'y sumenyas siya at lumapit naman sa kanya si JD na dinilaan muna ang palad bago iyon hinagod sa kanyang buhok. Nakakadiri ang grupong ito!

"Pakawalan n'yo ako!" sigaw ko. Nakarinig ako ng halakhakan at napatingin ako sa direksyon na iyon. Naningkit ang mga mata ko. Nakita ko sina Riea at Riggs na nakamasid lamang sa amin habang hawak ang video cam.

They really planted this right from the start to get rid of me.

Isang sipa ang natanggap ko mula kay JD at tumama iyon sa sikmura ko. Napahiyaw ako sa sakit. Napasuka na rin ako ng dugo. Umubo-ubo ako at dumura na lang kung saan.

"Tapos na ba 'yan pahirapan?" naiinip na tanong ni Faye na nakatingin naman sa hindi kalayuan at nagsisilbing look-out kung may paparating ba o wala.

"What did I ever do to all of you?!" singhal ko.

"Nothing. We just don't want you inside the campus. And you're too unfortunate that you'll be our victim tonight," diretsahang sagot ni Emaera at iniluwa na ang bubble gum. Sa akin pa mismo itinapon iyon. Gusto kong umilag ngunit wala akong magagawa dahil nakatali pa ang braso't binti ko.

"Pakawalan n'yo na ako!" sigaw ko pa. Pumalakpak nang mabagal si Riggs.

"Nice acting. Pero walang magagawa ang pagsigaw mong iyan dahil wala namang makakarinig sa 'yo bukod sa 'min." Nagtawanan sila. Mas inilapit ni Riea ang video cam sa duguan ko nang mukha. Itinungo ko ang ulo ko.

"Dorothea, say hi to our vlog!"

"Get off me!" Tinadyakan na naman ako. This time, si Riea na ang gumawa. Masakit at nanunuot sa kalamnan ko ang kirot dahil sa suot niyang boots. Parang gusto ko na ulit mag-collapse.

Humikab si Emaera at naglakad papalayo habang pinaglalaruan ang bat na pinanghampas niya sa ulo ko kanina.

"Gawin n'yo na ang gusto n'yong gawin sa kanya. Basta mamayang hating-gabi,  siguraduhin nating wala nang buhay 'yan," pahabol nito at lumapit sa mesa na puno ng bote ng beer. Napahikbi ako.

"I wanna go home," iyak ko at pilit inaalis ang mga lubid na nakatali sa akin.

"Ano? Anong sabi mo?" pagpapaulit ni JD at inilapit pa ang tenga sa mismong mukha ko. Doon ako nakakuha ng tiyempo para duraan siya sa mukha.

"I want to go home!"

"You won't go home anymore!" sigaw niya at sinapak ako. Halos mamanhid na ang aking pagmumukha dahil sa natamong sapak. Wala akong nagawa kundi umiyak na lamang.

Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa nararamdamang antok at hindi nga ako nabigo. Unti-unti na naman akong nakatulog.



"Dorothea, wake up." May tumapik-tapik sa pisngi ko. Wala akong nagawa kundi imulat muli ang mga mata. Hinaplos niya ang pisngi ko at ang mga luhang tumutulo rito.

"A-Azrael, narito ka," sambit ko at pinakatitigan ang kanyang mukha. Gustuhin ko mang ngumiti, hindi ko na kaya dahil kirot sa bawat kalamnan ang nangingibabaw. Hindi ko siya mahawakan.

"Huwag mo akong iwan rito, Azrael." Ngumiti lamang siya. Naningkit ang mga mata ko nang mapansin kong naglalaho na naman siya sa paningin ko. Napailing ako habang naiiyak.

Hindi. Hindi siya pwedeng mawala ngayong kailangan ko siya.

"Azrael..."






"Wake up, you bitch!" Isang sampal ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Iginala ko muli ang paningin. Wala ni anino ni Azrael sa harapan ko. Ang mga pagmumukha pa rin nila ang bumungad sa akin.

Nakarinig ako ng huni ng mga kambing at tupa. Wala ako sa bahay pero may kutob na ako kung saan nila ako dinala. Dito sa lumang farmhouse ng Belmack. Alam na alam talaga nilang walang masyadong daraan rito. Planadong-planado.

"It's time for you to die," ani Emaera at taas-noong tinawag ang mga kasamahan. Ayokong kabahan. Ngunit sa pagkakataong ito'y ganito pala ang pakiramdam kapag ikaw mismo ang papatayin. Halos magwala na ang sistema ko dahil sa kaba. Hindi ako takot pumatay pero ayoko pang mamatay.

Mas nagpumiglas ako nang makita ko silang lima. May kanya-kanya silang hawak na matitigas na bagay. Napailing ako habang naiiyak.

"You can't do this to me!" sigaw ko.

"At bakit naman? Sino ka ba sa inaakala mo?"

Iginala ko ang nahihilo kong paningin. May gusto akong makita.

"Sumagot ka! Sino ka ba, Dorothea?!" Naririndi na ako.

"Azrael!" malakas kong sigaw. Napakunot ang noo nila. Inulit ko pa iyon hanggang sa mas maguluhan sila kung sino ang tinatawag ko.

"Azarael, please! Please show off!"  pagmamakaawa ko. Ngumisi lamang si Riggs at humagalpak ng tawa ang iba.

"Baliw nga talaga ata 'to," komento ng natatawang si Riggs ngunit hindi niya alam, hindi ako nagbibiro.

"Azrael, Angel of Death..." rinig kong bulong ni Faye kaya  napatingin ang lahat sa kanya maliban kay Reia na may hawak ng video cam.

Napaigtad kaming lahat sa biglaang pag-iingay ng mga kambing. Lumalakas ang hangin. Nagliliparan na rin ang mga dayami sa paligid namin. Napaubo kami at halos mapuwing ang mga mata.

"Fuck! May ipo-ipo!" tili ni Emaera pero hindi pa rin binibitawan ang hawak na bat.

Ang paglakas ng hangin ang naging dahilan para samantalahin ko ang pagkakataon na makawala mula sa pagkakatali. Napangisi ako at parang bumalik lahat ng lakas.

***

Dorothea | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon