CHAPTER 18

436 40 22
                                    

CHAPTER 18

IPINIKIT ko ang aking mga mata nang magsimula nang umandar ang makita ng sinasakyan naming kotse. Nakaposas pa rin ako at ngayon ay mas mahigpit na. Nasa likuran ko na ito mismo hindi gaya ng kanina.

Umalog-alog ang sasakyan nang sumakay mula sa driver's seat ang dalawang pulis. Kung hindi ako nagkakamali, ito iyong dalawang pulis na nag-iimbestiga rin sa pagkamatay ni Doris. Napatingin ako sa labas ng bintana. Wala akong makitang iba kundi kadiliman at pamaya't mayang paghampas ng mga  piraso ng nyebe sa bintana ng kotse. Nanginginig na ako dahil sa lamig. Wala pa naman akong jacket. Mag-isa lang ako rito sa passenger's seat.

"Saan n'yo ako dadalhin?" malamig kong tanong. May bahid pa ng dugo ang braso ko dahil sa nangyari kanina kay Louiela. Wala na akong pakialam sa mag-inang iyon ngayon. Mas mabuti na ngang tinapos ko na ang buhay nilang dalawa dahil nakakapagod na rin makipagplastikan sa araw-araw. Pakiramdam ko isinisiksik ko lang ang sarili ko sa kanilang pamilya.

Ngayon, sundan na niya ang nag-iisa niyang anak hanggang sa kamatayan.

"Saan n'yo nga ako dadalhin?!" singhal ko pa dahilan para lingunin ako ng batang pulis.

"Kung saan ka nararapat, Dorothea. Sa mental institution na. Pero napakabigat pa rin ng kaso mo. Biruin mo, mag-ina pang kumupkop sa 'yo ang pinatay mo? Nababaliw ka na talaga," komento nito habang naiiling.

"Hindi ako baliw!" sigaw ko. Nakarinig ako ng pagbuntong-hininga sa kanila habang binabagtas ng sasakyan ang kahabaan ng Belmack national road.

"Oo, baliw ka talaga. Huwag ka nang umimik riyan."

Napasigaw na lamang ako dahil sa sobrang inis. Nagsisipa ako upang magpumiglas. Iyon na lang ang tangi kong magagawa dahil wala na akong sapat na lakas.

Inihilig ko ang aking ulo sa bintana ng kotse saka umiyak nang umiyak. Mayamaya'y tumawa na ako mag-isa.

Ginagawa ko lang naman ang bagay na ito para balikan na ako ni  Azrael. Para magpakita na siya sa akin. Pero bakit hanggang ngayon, wala pa rin siya? Hanggang kailan ako maghihintay?

"Azrael," iyak ko pa. Iniangat ko ang aking paningin sa nakasaradong pintuan ng kotse. Naningkit ang aking mga mata nang may mapagtanto. Napaayos ako ng upo.

Narito kami ngayon sa tulay ng Belmack. Kung ganoon, tumatawid na kami. Ilalayo na ba nila ako rito sa bayan na kinalakihan ko? Aligaga akong napatingin sa hepe na nagmamaneho at sa pulis niyang kasama na kumakanta pa sa awitin ni Taylor Swift. Dorothea ang naririnig ko. Sumasakit ang ulo ko. Gusto ko nang magwala.

"Stop the car!" tili ko pero hindi nila ako pinakinggan.

"Manahimik ka riyan, baliw." Binugahan nila ako ng sigarilyo at nagtawanan. Napaubo ako at ipinilig ang ulo.

Kung masama ako, mas masama sila.

"I said, stop the car!" sigaw ko pa. Mas nagbingi-bingihan sila. Hindi ako pwedeng umalis sa bayang ito. Narito ang Azrael ko. Hindi ko siya kayang iwan. Magkikita pa kami. Magiging tao pa siya.

"Stop the car!" Nanggigigil kong sambit at bago pa kami tuluyang makalagpas sa tulay, sinunggaban ko na ang nagmamanehong hepe dahilan para mawalan siya ng control sa manibela. Ang gulat na gulat namang pulis na kasama niya ay napasigaw na lamang at hinatak ako palayo pero kinagat ko ang braso niya. Ramdam ko ang pagbaon ng matalim kong ngipin sa kanyang balat kaya napasigaw siya sa sakit.

Napakaingay sa loob ng sasakyan kahit kaming tatlo lamang ang naroon. Hanggang sa tuluyan nang mawalan ng preno ang kotse at sumalpok ito sa poste. Napaubo ako sa usok. Ngunit kahit hilong-hilo at duguan na ang ulo, mabilis akong kumilos at tinadyakan ang halos mayupi nang pintuan nito. Paulit-ulit ko itong sinipa hanggang sa bumukas.

Dorothea | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon