Chapter 18

8K 271 18
                                    


PILIT ang naging ngiti ko sa camera nang kunan ako sa stage ng cameraman. Nang matapos ay agad na akong bumaba dala ang diploma ko. Muli akong napatingin kay Zaviar na nakaupo sa unahan, katabi ang iilang matataas ang position sa unibersidad.

Tamad niyang inalis ang tingin sa akin nang magkatinginan kami. Napabuntong hininga ako at nakayuko nang bumalik sa aking upuan. Nang matapos ang graduation ceremony ay kumain kami ng pamilya ko sa restaurant namin.

Ang saya-saya nila na sa wakas ay tapos na ako sa pag-aaral. Masaya rin naman ako, pero sa tuwing maaalala ko si Zaviar, hindi ko maiwasang malungkot at masaktan. Hindi niya na talaga ako kinausap pa ulit. Ni hindi niya na nga ako matingnan nang matagal na parang nandidiri siya sa 'kin, e.

Matapos niya akong ipagtabuyan noong pumunta ako sa kanila, hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. I still kept on calling and texting him, but never did I receive a response. Until one time, his number couldn't be contacted anymore. He changed his SIM.

Dumating ang graduation ko't lahat ay hindi ko na ulit siya nakausap pa. Naroon siya kanina dahil naimbitahan siya ng president ng university, pero hindi ko na tinangka pang lumapit sa kaniya. Bukod sa nahihiya na ako ay ayoko nang ma-reject pa nang paulit-ulit.

"Fleury..."

Nilingon ko si Kuya nang marahan niya akong tawagin. Papasok na sana ako sa kuwarto ko ngunit natigilan dahil sa tawag niya. Kauuwi lang namin galing sa restaurant.

"Yes, Kuya?"

Huminga siya nang malalim at isinuksok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon.

"Are you okay?"

Bahagyang kumunot ang noo ko. Gusto kong sabihing hindi pero ayoko namang dumagdag pa ako sa mga alalahanin niya. Tumango na lamang ako. Tumaas naman ng kilay niya na parang hindi naniniwala.

"Ilang linggo ko nang napapansin na parang malungkot ka. Is this because of Zaviar?"

Umawang ang bibig ko at napakurap-kurap. Nag-iwas ako ng tingin at pinili na lamang na hindi sumagot.

"Hindi ka pa rin niya kinakausap?" tanong pa niya.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko upang pigilan ang pagbugso ng emosyon. Mabagal akong umiling bilang tugon. Nagtagal ang titig niya sa akin na tila gustong basahin ang nilalaman ng aking utak.

His eyes turned gentler and sorrowful at the same time.

"Do you like him?"

Namuo ang luha sa mga mata ko at napayuko. His question was like a trigger to my emotions. Not a second a passed when tears started to glide down on my cheeks.

"Oh, you silly." He pulled my arm. "Come here."

I cried on his shoulders as he hugged me tight. I cried all the frustrations and pain I've been dealing with for the past few weeks. My tears were no longer unstoppable. They were an instrument to release the heaviness of my world right now.

"It's gonna be okay." Patuloy ang pag-alu sa akin ni Kuya Ysmael.

I've been keeping all these things inside me, but just for once... I would let myself mourn for something special that seemed to die in the middle of bliss. Nagkakamabutihan na kami ni Zaviar, e. Tapos bigla namang nangyari 'to. Ayaw niya na sa 'kin. 

Kuya comforted me the whole day. He was now the only one who knew that I fell for Zaviar. He promised me that he wouldn't tell anyone like how I wanted.

Dumating ang Abril hanggang sa sumapit na rin ang birthday ko. Sobrang abala na nila Mommy dahil nalalapit na nang nalalapit ang eleksyon. Kaya naman sinabi kong ayos lang kung hindi na maghanda para sa kaarawan ko, pero hindi niya hinayaan iyon. Nagpahanda pa rin siya at inimbita ang mga kamag-anak namin sa bahay.

"You were seventeen when you and Mason broke up, right?" tanong ni Haira habang kumakain ng handang pasta sa tabi ko. "You're nineteen now. OMG, two years ka nang walang boyfriend?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "So? It's not like I would die if i didn't have one."

Humalakhak siya. "Yeah, right. But seriously, mag-boyfriend ka na! Para hindi ka taga-"sana all" na lang sa mga post ko kasama si Luke," tukoy niya sa kaniyang boyfriend.

Inirapan ko siya na tinawanan lang ulit niya. Nagbaba ako ng tingin sa cellphone ko nang makatanggap na naman ng chat ng pagbati sa akin. Bumuntong hininga ako at pumangalumbaba sa lamesa habang tinitingnan sa Messages kung meron man lang bang text mula kay Zaviar.

Napailing na lamang ako at pinatay ang cellphone ko. Bakit pa ba ako umaasa na babatiin niya ako ng happy birthday? E nagpalit na nga siya ng number. Hindi niya na ako kailan pa kinausap. Wala na siyang pakialam sa akin.

*****

"Fleury, come here! Dumating na ang mga dress na pagpipilian mo for my candidate speech sa Sabado!"

Bumababa na ako ng hagdan nang sabihin iyon Mommy. Bumuntong hininga ako at tamad na lumapit sa kanila ng bading na designer na mukhang kararating lamang. Pinasadahan ko ng tingin ang mga cocktail dress na naka-hanger.

"These are my best dresses for this year, Ms. Fleury. I bet bagay na bagay sa 'yo ang lahat ng ito kaya baka mahirapan kang pumili," proud na proud na saad ng designer.

Mommy laughed beside me. "Which do you think really fits her, Junie? I want my daughter to be stunning for that day."

Tamad akong napairap at napatingin kay Mommy. Kasalukuyan na siyang namimili sa mga naka-hanger.

"Don't you think I'm gonna be overdressed, Mom? Hello? We're not attending a party. Ano po ba 'yong mangyayari sa Sabado? 'Di ba mag-i-speech lang naman kayo and sa tapat lang naman 'yon ng Munisipyo gaganapin."

She rolled her eyes at me. Ibinalik niya sa sabitan ang kulay pulang dress na nakuha at pinamaywangan ako.

"Aba kahit puro speech lang ang magaganap doon, kailangan ay maaayos at respetado tayong tingnan! Ayokong matalbugan tayo ng ibang mga panig."

"Kayo na lang po ang mag-ayos ni Daddy. I'm not really in the mood--"

"Fleury, 'wag ka na ngang maarte. Nando'n si Zaviar! Kailangan ay makita ka niyang maganda."

Nagtagis ang bagang ko at napakamot sa aking ulo.

"You know we're not talking anymore, Mom," sagot ko.

"Kahit na! Malay mo kapag nakita niya ang ayos mo sa araw na 'yon ay kausapin ka na niya."

Napangiwi ako at napailing-iling na lamang. Ang babaw talaga minsan ni Mommy.

"O, eto, try this." Ibinigay niya sa akin ang isang dress na kulay cream.

"Ay, bongga! Bagay 'yan sa kutis mo, Ms. Fleury," segunda pa ng designer.

Wala na akong nagawa kundi magsukat na lang kahit walang-wala talaga ako sa mood.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon