Chapter 20

9.4K 305 40
                                    


PINAGBUKSAN ako ng pinto sa backseat ng aking driver at saka ako lumabas na ng sasakyan. Tiningnan ko ang mga security guard namin at itinuro ang gate.

"Don't forget to lock the gates," utos ko.

"Opo, Miss Fleury."

Nagtuloy-tuloy na ako papasok sa aming bahay. Binati naman ako ng mga kasambahay namin. Paakyat na sana ako sa hagdan ngunit natigilan ako nang mapansin ko ang nakabukas na bintana na malapit sa dining area.

Kumabog ang dibdib ko dahil sa pagdaloy ng kaba. Napahigpit ang hawak ko sa bag ko kasabay ng pagtawag ko sa iilang mga kasambahay.

"Ate Leng!"

Humahangos silang lumapit sa akin. Itinaas ko ang nanginginig kong mga kamay at itinuro ang bintana.

"W-Why is that window open?" kinakabahang tanong ko.

Napatingin doon ang mga kasambahay. Ang isa sa kanila ay napakamot ng ulo af humingi ng dispensa sa akin.

"Naku! Sorry po, Ma'am! Nakalimutan ko pong isara. Pinunasan ko po kasi 'yan kanina. Pasensya na po."

Dali-dali siyang nagtungo sa bintana at agad na isinarado iyon. Nakahinga ako nang maluwag at napailing-iling. Lumapit pa 'ko ro'n at siniguradong nakasara nang mabuti ang bintana.

"I hope this will be the last time na makakalimutan mong isara 'to. You all already know that I don't want any open windows and doors in this house."

Tumango-tango ito at nag-bow pa sa akin.

"Opo, Ma'am. Hindi na po mauulit. Pasensya na."

Hindi ko na lang siya sinagot pa dahil ayoko nang may masabing hindi maganda. Tinalikuran ko na lang at saka na ako nagdire-diretso sa hagdan.

Nang makapasok ako sa aking kuwarto ay agad kong ini-lock ang pinto. It had three different types of door lock. There was a Latch at the very top, a Knob lock, and a Deadbolt. I locked all of it before I opened the lights.

Tinungo ko ang veranda at nag-double check kung naka-lock pa rin ang sliding door. Nang masigurong naka-lock pa rin iyon ay saka lamang ako napanatag. Ibinagsak ko na ang katawan ko sa aking kama. Ilang sandali rin akong natulala lamang sa kisame bago ako unti-unting nagbaling sa picture frame na nakapatong sa bedside table.

Mommy and Daddy looked so happy and carefree in that picture. Napangiti ako ngunit habang tumatagal ay dahan-dahan din iyong naglaho nang maalala ko ang kanilang sinapit. I remembered waking up in a private hospital room after I fainted; after witnessing that tragic fate of my parents.

"Gising ka na pala, Fleury..." rinig kong sabi ni Ate Leng bago siya lumapit sa akin.

Kumunot ang noo ko at pinagmasdan ang purong puti na dingding sa paligid. Batid ko rin nakahiga ako sa isang kama. Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko upang mas umayos ang paningin.

"Nahimatay ka raw bigla kanina kaya isinugod ka rito sa ospital," sabi pa ni Ate Leng sa tabi ko. "Okay na ba ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba?"

Naguguluhan ko siyang tiningnan. Nahimatay? Bakit ako nahimatay? Ano bang nangya--

Bumilis ang paghinga ko nang maalala ko ang pagkakabaril kay Mommy at Daddy. Panic suddenly dominated my body. I immediately forced myself to get up.

"Where's Mom and Dad? K-Kumusta sila? Nadala ba agad sila sa ospital?" sunod-sunod kong tanong kay Ate Leng na mukhang maiiyak na.

Pinilit kong bumangon at umalis ng kama ngunit pinigilan niya ako. Iritable ko siyang tiningnan.

"Ano ba?! I need to see them!"

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon