Chapter 8

7.6K 272 30
                                    

TUMIGIL kami sa paglalakad ni Zaviar nang makasalubong namin ang isa sa mga kilalang tao rito sa Isla Contejo. Nasa loob kami ng restaurant na malapit sa public beach na pinanggalingan namin kanina. Paalis na sana kami dahil tapos na kaming mananghalian ngunit may nakasalubong naman kami.

"O, Konsi!" naghahalo ang gulat at pagkagalak sa tono ng may katandaan nang lalaki.

"Mr. Franco." Nakipag-kamay si Zaviar dito.

"Hindi ko akalaing makikita kita rito." Napatingin ito sa akin at agad na naningkit ang mga mata na tila inaalala pa kung saan ako nakita. "Is this... the Salvatorre princess?"

Tipid lamang akong ngumiti. Nawala iyon nang maramdaman ko ang magaang hawak ni Zaviar sa likod ko. Napakurap-kurap ako nang wala sa oras. Even though I was wearing something, I could still feel the heat of his hand burning my skin.

"Uh, yes. This is Fleury," simple niyang pagpapakilala sa akin.

Tumango ang matanda at nakita ko pa ang pumasadang kalituhan sa kaniyang mukha habang nagpapabalik-balik ang tingin sa amin. Hindi ko napigilan ang pagsimangot. Wala akong pakialam kung nakikita niya. His eyes were full of malice by the way he looked at us. I didn't like it. If he was thinking that Zaviar and I were dating, well, he was wrong.

"Are you two..." hindi nito maituloy ang sasabihin.

"No," sagot ko agad kahit wala pa man. "Po," dugtong ko para kahit papaano ay may galang naman.

Zaviar cleared his throat beside me. I also felt his hand slightly squeezed the small of my back.

"We're just strolling around, Mr. Franco. We're uh..." Napatingin pa muna siya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "We're friends."

Nakahinga ako nang maluwag. Napatango-tango naman iyong Mr. Franco na tila kumbinsido.

"I see. Nakakagulat kasi talaga kung may namamagitan sa inyo dahil bukod sa magkalaban sa eleksyon ang mga ina ninyo ay sanay akong nakikita ka, Zaviar, na may karelasyong ka-edad mo lang o mas matanda sa 'yo."

I didn't really mind anymore if I was looking at him so sharply. Why was he so insensitive? And was he telling that girls my age shouldn't be seen dating a man who's just few years older than us? Hello? 18 na ako! Maiintindihan ko pa kung ang ipinupunto niya ay ang pagpatol ng mga ka-edad ni Zaviar sa mga wala pa sa legal na edad.

"Our families are fine with each other, Sir, and... I don't mind dating a woman who's younger than me as long as she's of legal age. Fleury is eighteen."

Muling tumango ang matanda at awkward pang tumawa.

"But we're not yet dating," pahabol pa ni Zaviar.

Halos mabilaukan ako sa aking narinig. Sumabay na lang din tuloy ako sa awkward na tawa ng matanda.

"Alright, alright." He chuckled. "I'll see you around, Councilor. Send my regards to your parents."

Nang sa wakas ay makalabas kami ng restaurant ay napababa ako ng tingin sa kamay ni Zaviar na humawak sa aking palapulsuhan. Ang mga tao sa paligid ay sa amin nakatingin. Karamihan ay nagsimula nang magbulungan.

"Saan na tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya nang pagbuksan niya ako sa passenger seat.

"Ihahatid na kita sa inyo."

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng katabangan. Pumasok na lamang ako sa kotse at itinago ang pagnguso ko.

Uuwi na agad kami? Ang aga pa kaya. Akala ko pa naman hanggang hapon man lang kami sa paggagala.

Ay, Fleury, ano ka ba! Hindi ba't dapat ay masaya ka na uuwi na kayo? Ayaw mo nga siyang kasama dahil ayaw mo sa kaniya, 'di ba?

Pinilit kong paaalalahanan ang aking sarili kung gaano ko siya kaayaw para mapagtakpan ang pagkadismaya. Siguro'y ayaw ko lang talaga umuwi pa nang maaga dahil wala naman akong gagawin sa bahay. Tama, iyon lang 'yon.

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon