Chapter 14

7.7K 296 40
                                    


PAGPASOK ko sa loob ng bahay ay sakto namang pagbaba ni Mommy sa hagdan. Agad na pumaskil ang ngiti sa mukha niya at tila excited na lumapit sa akin.

"O, nandito ka na pala! Were you with Zaviar?"

Tahimik akong napabuntong hininga upang kalmahin ang naghuhuramentado ko pa ring sistema. Ilang araw na ang nakalipas mula noong mag-usap kami ni Zaviar sa kaniyang opisina at... naghalikan kami.

I knew I hated him, but when he kissed me... I didn't know why, but I loved it. His kisses were just so addicting that I couldn't help but to respond and enjoy it. He was a goddamn good kisser. It was like I was being electrified and I felt like I was being thrown to a magical world that I've never been into.

He wasn't my first kiss. I've been kissed already by my two ex boyfriends before, but it seemed like Zaviar's kiss was my first real kiss. They were no match to Zaviar. Iyong mga halik niya, nakakadarang at para bang nakalimutan ko na hate ko siya. Ang lakas makababae.

"Y-Yes, Mom. I was with Zaviar."

And we fucking kissed earlier... again... in his car.

Hindi ko naman siya inirapan pero noong mapatingin ako sa mga labi niya ay napatingin din tuloy siya sa mga labi ko tapos ayun na, inatake niya na ako ng halik. Tumugon naman ako.

Ano ba 'yan! Bakit parang ang rupok ko na?

"I am so glad that you're getting closer na, anak!"

Tumaas ang kilay ko. Lumapit siya sa akin at hinila ako sa isang sulok. Lumingon-lingon siya sa paligid na para bang sinisigurado na walang nakakarinig o nakakakita sa amin. Nang muli niyang ibalik sa akin ang mga mata niya ay lumaki na naman ang ngiti niya.

"Ano? Magkuwento ka naman, Fleury! Nagde-date na ba kayo ni Zaviar?"

Kumunot ang noo ko at tinitigan siya nang mabuti.

"Huh? E 'di ba, Mommy, inuutusan mo lang naman ako na mag-espiya?"

Well, ang ibig niya sigurong sabihin ay parte dapat ng pag-eespiya ko ang makipagmabutihan kay Zaviar para magtiwala ito sa akin. Oo nga naman at sinabi niya sa akin na makipaglapit dito at makipagkaibigan.

Bahagyang kumunot ang noo niya at naningkit ang mga mata na tila ba nalilito at hindi alam ang sinasabi ko. Hanggang sa unti-unting nanlaki ang mga mata niya na tila naalala na ito. Tumaas muli ang kilay ko sa kaniya.

Mommy's a bit weird. Did she really forget that she asked me a favor? Siya ang pasimuno ng lahat ng ito tapos siya pa ang nakalimot?

"Ay!" Awkward siyang natawa. "O-Oo nga pala! Naku! Ah, e... kamusta na nga pala ang p-pag-eespiya mo?"

Napabuntong hininga ako at malungkot siyang tiningnan. Sa totoo lang, sa itinagal-tagal na naming lumalabas ni Zaviar ay ni minsan ay wala pa akong nakalap mula sa kaniya na puwede naming gamitin para talunin si Vice Mayor sa eleksyon.

Minsan ay nakakalimutan kong magtanong kay Zaviar ng mga babay-bagay tungkol sa pamilya nila dahil masyado akong nalilibang kapag kasama siya. At saka... ewan ko ba, parang wala naman talagang kasiraan ang pamilya nila.

"There's still nothing, Mom. Wala pa rin po akong nakukuhang impormasyon na puwede nating gamitin para matalo mo si Vice."

Tumango lamang si Mommy at muli na namang bumalik ang ngiti.

"Ayos lang 'yon! B-Basta huwag kang titigil na makipaglapit kay Zaviar, ha? O, halika na. Kakain na tayo. Tamang-tama lang ang dating mo."

Hinila niya na ako papunta sa hapagkainan. Hindi ko naman maiwasang isipin kung bakit parang wala lang sa kaniya na wala pa akong nakakalap na impormasyon. I still remembered her being so desperate and almost begging me to grant her favor. But right now, she seemed no longer interested in it.

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon