Chapter 11

8.3K 314 77
                                    

SUMAMPA ako sa kabayo ni Kuya Ysmael na si Argo. Medyo matagal na akong hindi nakakasakay sa kaniya kaya para akong nalulula nang bahagya. Nakataas ang kilay akong tiningala ni Kuya.

"Are you sure you can still ride a horse?"

Tumango ako. agad. "Of course, Kuya! And Argo knows me pretty well. He'll be a good boy."

Bumuntong hininga siya at pairap na nagbaling ng tingin sa ibang direksyon. I saw Daddy coming out from our double doors. He was a bit shock to see me above Argo.

"Hija, where are you going?" Lumapit siya sa direksyon namin.

"Maggagala lang po ako, Dad," sagot ko.

Pinasadahan ko siya ng tingin at mukhang pupunta siya sa restaurant namin. Our Mexican restaurant, Especias de Salva was our only family business and it was included in the list of most recognized and fanciest restaurants around the country. Reason why I took Business Management because our family was expecting me to manage Especias de Salva in the near future.

Si Kuya Ysmael kasi ay mukhang sasabak sa politika. Pareho sila ni Mommy ng hilig.

"It's two PM, anak. Tirik na tirik ang araw, bakit ngayon mo pa naisipang mangabayo?"

"I'm bored, Dad. And... m-magkikita rin po kami ni Zaviar mamayang four."

I sighed as I remembered again how Zaviar went here in our house to say sorry to me. That was already a week ago, but it was still vivid inside my head.

Nagkasundo rin agad kami noong gabing 'yon. My anger and irritation subsided as he whispered sweet words to me. I was a bit surprised at myself because how the hell could I be tamed by his words that easily? Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako 'yon. Hindi dapat ganoon. Dapat, galit ako sa kaniya. Hindi dapat ako bumibigay nang basta-basta.

Kasi... bakit ba kasi ako nakikipagkita at sumasama sa kaniya? Hindi ba't dahil lang naman sa utos ni Mommy na mag-espiya ako? Iyon lang naman ang dahilan. Dapat. Iyon lang ang dapat na dahilan.

"Ganoon ba?" si Daddy. Muli akong napatingin sa kaniya. "E bakit hindi na lang siya ang pumunta rito?"

"Iyon nga po ang gusto niya. E kaso, maaga pa po kasi at gusto ko nang lumabas. He is still in a meeting right now in Munisipyo."

Magsasalita pa sana si Daddy upang umalma ngunit biglang sumulpot si Mommy at pinigilan siya. A Hermes bag was clinging on her right arm so maybe she'd go to the City Hall.

"Hayaan mo na ang anak mo, Conrad. Si Zaviar naman ang kasama."

Bumuntong hininga si Daddy at nilingon si Mommy.

"I'm just worried for our daughter, Laarni. Wala naman akong problema kung si Zaviar ang kasama. Hindi ko lang gusto na ang init-init e kung saan-saan magsususuot. Nakakabayo pa!" katwiran pa ni Daddy.

Palihim akong napairap. Si Daddy naman! Parang first time kong maarawan sa buong buhay ko? At saka marunong pa rin naman akong patakbuhin si Argo.

"Sus! Kukulimlim na rin 'yan mamaya," inis na saad ni Mommy kay Daddy bago bumaling sa akin. "Go ahead, Fleury. Be a good girl to Zaviar, ha? Take care!"

Argo was very cooperative with me as we ran the wide streets and massive fields of Isla Contejo.He wasn't giving me a hard time. Kung saan ko gustong lumiko, mabilis siyang sumusunod. Kapag pinabibilis ko ay nakikisama siya. He was such a good boy.

Nadaanan ko ang rancho ng mga Contejo nang papunta ako sa mansyon nina Zaviar. Hindi pa ako nakakapasok doon pero ang sabi'y malaki raw iyon. Huminto kami ni Argo sa tapat ng gate ng rancho. Sinilip ko sa siwang ng gate ang loob at mula rito ay tanaw na tanaw ko ang berdeng kapaligiran. Sa pinakadulo ay may natatanaw akong malaking bahay.

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon