Chapter 27

9.6K 302 75
                                    

Ang tagal kong walang update dito huhu. Tinapos ko na kasi muna yung Blissfully Chaotic para wala na akong ibang intindihin hehe. Anyway, updates will resume starting from now. Twice a week pa rin but no specific day :>

INILAPAG muli ng bartender ang isang baso ng tequila sa harap ko. Nginitian ko ito bilang pasasalamat bago ako muling nagbaling ng tingin kay Zaviar. Napatingin din siya sa akin pagkatapos lumagok sa kaniyang baso ng inumin. I smiled a little.

"Kailan ka pa nakabalik?" tanong ko.

"Ngayon lang. Dumiretso agad ako rito."

Tumaas ang kilay ko at may pagtataka siyang tiningnan.

"Inom na inom ka ba, Mayor, para dumiretso agad dito sa bar pagkagaling mo ng Isla Contejo?"

He chuckled a bit. His eyes darkened, but I could see a ghost of amusement in it.

"Uh... p-pampaantok lang," simpleng sagot niya bago muling nagpasalin ng inumin sa kaniyang baso.

Nakumbinsi naman ako ng sagot niya at sumimsim na rin sa aking inumin.

"Well, what a coincidence," I said.

Napalunok siya at nag-iwas ng tingin.

I quickly scanned his outfit tonight. He was only wearing dark jeans and again, a polo shirt. As usual, his freshness couldn't be denied no matter how dark the place was. Para ngang hindi siya bagay sa mga ganitong lugar dahil ang pormal niya at palaging mukhang respetadong tao.

"What are you doing here, by the way? Who are you with?" siya naman ang nagtanong.

Nginitian ko muna siya bago nilingon ang sofa kung nasaan sina Haira at ang grupo nila Drew. Kasalukuyan pa rin silang nagkakasiyahan at mukhang nakalimutan na ako ng pinsan ko.

"I'm with my cousin, Haira." Ibinalik ko ang mga mata ko sa kaniya. "Birthday kasi no'ng isa sa mga empleyado namin na ka-close niya, so... ayun." I shrugged.

Itinukod niya ang isang siko niya sa countertop. Marahang hinimas ng hintuturo niya ang pang-ibabang labi niya at mas malalim akong tinitigan.

"Then who was that guy with you on the dance floor?"

Alanganin akong napangiti bago inubos ang laman ng baso ko. Nag-angat ako ng tingin sa bartender upang senyasan itong lagyan muli ang aking baso.

"Uhm..." I cleared my throat. "Si Mason 'yon. He's also from Isla Contejo that's he why he knows you. He's, uh..." Tinanggap ko ang baso mula sa bartender. "He's my ex."

Slow motion pa siyang napatango at mas lalong dumilim ang mga mata na tila may ibang nagpapagulo sa kaniyang isip.

"I mean..." Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at hindi pa madugtungan ang sasabhihin.

What the fuck was wrong with me? Bakit ba parang kinakabahan ako na ewan? Siya kasi, e! Kung makatingin siya riyan, para akong nasa hot seat.

"Matagal ko na siyang ex-boyfriend. Sa Isla Contejo pa. At uhm... second year college pa lang ako no'n, so hindi pa tayo magkakilala."

Napatingin na ulit ako sa kaniya. May maliit nang ngisi sa kaniyang labi habang hindi pa rin napuputol ang tila tumatagos na paninitig sa akin.

"I see..." iyon lamang ang sinabi niya.

Bigla tuloy akong nahiya at parang gusto na lamang magpalamon sa lupa. Bakit ba kasi ako nag-e-explain pa? Parang tanga. Hindi niya naman yata kailangan ng mahabang eksplenasyon tungkol kay Mason. 'yong salitang "ex" lang ay puwede na.

You're so stupid, Fleury! Why do you keep on embarrassing yourself in front of him?

"Hindi ka na dapat nakipag-usap pa sa kaniya kanina. Based on what I saw earlier, looks like he was forcing you to come with him."

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon