Chapter 39

9.9K 311 34
                                    


PAGKATAPAK na pagkatapak ko sa mansyon namin dito sa Isla Contejo ay muling nanumbalik sa akin ang mga alaalang mayroon ako rito. Bawat sulok ng bahay na malingunan ko ay tila nakikita ko sina Mommy at Daddy. Then a bittersweet smile would cross my face. I think I finally got to accept that they would never be here anymore, but their memories would forever remain.

"Welcome back po, Ms. Fleury!" bati ng iilang kasambahay sa akin.

Ngumiti ako. "Salamat. Dito muna ako for the mean time, pero babalik din naman ako sa Maynila."

Sandali ko pang pinagmasdan ang buong mansyon hanggang sa madako ang mga mata ko sa mga nakasarang bintana. Napatingin sa akin si Kuya na na kasama kong umuwi rito galing ospital.

"Ipinasara ko na ang mga bintana kanina pa. You don't have to worry. Pinaglagyan ko rin ng tatlo pang lock ang pinto ng kuwarto mo noong isang araw. Nagbilin na rin ako nang maraming paalala sa mga security guards natin."

I smiled at him. I really have the best Kuya in the world. Since we were little, he had always been a protective brother. He was always thinking what's best for me and he would always choose me first more than anything.

"Thank you, Kuya. I appreciate everything you do for me," I sincerely said.

He smiled sweetly at me. "You're welcome. Anything for you. You're our princess, remember? Kahit tumanda ka pa nang ilang taon, you'll always be my little sister."

Ginulo niya ang buhok ko na para bang isa akong batang paslit. I chuckled.

Inayos ko ang iilang gamit ko nang makapasok ako sa aking kuwarto. Gusto nga ni Kuya ay ang mga kasambahay na lang ang mag-ayos dahil kakagaling ko lang sa ospital. Sabi ko naman ay okay na ako. Magaling na 'yong tama ng baril sa 'kin. Hindi na nga kumikirot, e.

I busied myself for the whole day. Deja called at lunch time and we had some chit chat. She also said that she'd be coming over tomorrow to visit me. Pagkatapos mananghalian, aakyat na sana ulit ako sa kuwarto ko ngunit ang dumating na bulaklak para sa akin ang nakapagpatigil sa akin.

Iniabot ito sa akin ng kasambahay at nakangiti ko itong kinuha.

"Galing daw po kay Mayor."

Tumango ako sa kasambahay at saka lamang ito umalis sa harap ko. Inamoy ko ang tulip bouquet at napangiti na lamang sa bango nito. Agad kong hinanap ang card at mas lalong lumaki ang ngiti ko nang makita ko ito.

Hi. I've heard that you just got out from the hospital. Still take a rest, baby. Relax at your home. I love you and I miss you.

-Zaviar

I bit my lower lip to suppress my growing giddy smile. He was so sweet. I hoped he wouldn't get tired being this sweet to me. I wanted more of his sweetness for the rest of my life. It served as one of my breathers.

Inutusan ko ang isa sa mga kasambahay na ilagay ang bulaklak sa isang vase at i-display iyon sa sala. Bumalik na ako sa kuwarto ko at agad na hinanap ang cellphone. Nang makuha iyon ay agad kong hinanap ang numero ni Zaviar.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at bahagya pang nag-isip. Ito ang unang beses na tatawagan ko siya matapos ng isang linggong hindi ko siya nakita at nakausap. Busy kaya siya ngayon? Okay lang kayang tumawag ako?

"How would I know if I won't try?" I said to myself.

Napapikit ako at nagpakawala ng isang malalim na hininga. I pressed the call button and put the phone against my ear. After two swift rings, the call got answered right away.

Tahimik sa kabilang linya. Mga limang segundo pa yata ang inabot bago nagsalita si Zaviar.

"Hey."

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon