Chapter 34

10.1K 361 61
                                    


Happy 20K reads to us! Hehe ily <3

UNTI-UNTI kong naimulat ang mga mata ko nang makaramdam ng kiliti sa aking leeg. Namumungay pa ang mga mata ko pero kita kong madilim na sa labas mula sa salaming pinto ng balkonahe. Gumilid ang mga mata ko nang makaramdam na naman ng kiliti sa gilid ng leeg.

Doon ko napagtanto na nakabaon ang mukha ni Zaviar sa gilid ng leeg ko at ang kalmado niyang paghinga ang nagbibigay kilit sa balat ko. Tuluyang nagising ang diwa ko at doon ko lang din namalayan na marahang humahaplos ang kamay niya sa boobs ko. Madali niyang nagagawa iyon dahil nakatagilid ako ng higa habang siya ay nasa likod ko.

Dahan-dahan kong iginalaw ang mga braso ko upang mag-inat. Naramdaman ko ang pag-angat ng ulo niya mula sa leeg ko. Ang kamay niyang nasa boobs ko ay mabilis na bumaba sa aking tiyan.

"Hello," he softly uttered while looking at me now.

Ngumiti ako at hinarap siya. Umusog ako papalapit sa kaniya hanggang sa maitago ko ang mukha ko sa kaniyang dibdib.

"Hi."

He tenderly caressed my back with his fingers. It was too gentle and slow that I thought a feather was touching my skin.

"How's your sleep?" he asked.

"Good."

I felt him sniffing on my hair until he planted a light kiss on my head. My lips protruded. My line of vision was on his chest, so I decided to trace it with my forefinger. Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

"I felt you moving out of bed earlier, but I was too sleepy to ask where you going," aniya pa.

"I just took a pee on the bathroom," sagot ko.

This time, noo ko naman ang hinalikan niya. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at bahagyang nagtaka nang makitang medyo malungkot ang mga mata niya. Nawala rin naman agad iyon nang ngitian niya ako.

Muli niya akong niyakap. Muling sumubsob ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Siya naman ay ibanaon ang mukha sa aking leeg at mas lalong hinigpitan ang yakap. Ang isang binti niya rin ay pumatong sa balakang ko. He was caging my body in a very possessive yet protective stance. Like nothing could ever take me away from him. Nothing could hurt me if I'm in his arms.

He made me feel that I was safe and well protected. With him, I was emotionally and physically secured. With him, there was comfort. With him, I was contented.

He was the only safe place that I've had in my whole entire life. Nothing could ever go wrong if we're together.

"You mentioned before..." he trailed. "That you're visiting a doctor, right?"

Kumunot ang noo ko sa bigla niyang naging tanong. Naikuwento ko nga sa kaniya noon ang tungkol kay Ms. Ongpauco at ang pagbisi-bisita ko rito para sa mga counseling sessions namin.

Speaking of Ms. Ongpauco. Hindi pa nga pala ako nakakabisita ulit sa kaniya. Masyado kasi akong abala sa trabaho at kay Zaviar lately. Pero kahit hindi na ulit ako nakakabisita, hindi ko naman nakakalimutang inumin ang mga gamot ko.

"Yeah. Why?"

"Do you still regularly visits her?"

"Hindi na masyado kasi medyo busy ako lately. Why are you asking?"

Naramdaman ko ang pag-iling niya at ang mas lalong paghigpit ng yakap.

"Wala naman. Naalala ko lang," sagot niya.

Tumango naman ako at hindi na nangulit pa. Mayâ-mayâ ay lumuwag ang yakap niya hanggang sa bumitiw siya. Bahagya akong napanguso -- nagtatampo. He chuckled and kissed me on the lips before finally getting his arms off me. He reached for the bedside table and opened the drawer.

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon